Bea Alonzo on "love triangle" with Gerald Anderson and Kim Chiu: "It’s so last year!"

Star Magic talents Kim Chiu, Gerald Anderson, and Bea Alonzo attended the coronation night of the Box-Office King & Queen last May 10. Critics were quick to conclude that they snubbed each other because of their "love triangle." However, the Kapamilya stars denied reports.


Sa episode ng The Buzz kahapon, May 15, naging topic ang diumano’y "love triangle" na namagitan sa Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Kim Chiu.

Ayon sa reports, parehong nagkaroon ng ugnayan si Gerald kina Kim at Bea.

Nagkita kasi ang tatlo sa awarding ng Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. noong May 10, Tuesday.

Yun nga lang, hindi raw nagpansinan sina Bea at Gerald, gayundin daw sina Gerald at Kim.

Pero itinanggi ito ng tatlong Star Magic talents.

Ayon kay Gerald, "Wala pong katotohanan, wala, wala.

"Malayo po ang upuan namin. Alangan naman na pupuntahan ko pa.

"Nandoon din sila Ms. Ai-Ai [delas Alas], so nakakahiya rin."

Pahayag naman ni Bea, "Hindi naman kami nagdededmahan.

"Ang layo kasi ng upuan niya [Gerald]. Awkward naman na pupunta ako sa kanya just to say hi to them.

"Parang nakakahiya naman na gagawa ako ng eksena.

"I’m sure, hello, kapag lumapit ako, alam naman ng lahat ng tao na mas malaking bulungan yun, di ba?" tawa pa niya.

Itinanggi rin ni Kim ang isyung hindi rin daw sila nagpansinan ni Bea at maging ni Gerald.

"Hindi totoo. Nag-hello kami, hi-hi.

"Wala naman pong hindi pagpapansinan," sabi niya.

Wala naman daw nakikitang dahilan si Kim para magdedmahan sila ni Bea.

"Bakit naman po hindi kami magiging okay?" sabi niya.

"Kahit naman kailan, hindi naman kami nagkasamaan ng loob."

Para kay Gerald, okay na raw silang tatlo nina Bea at Kim at tapos na ang isyu sa kanila.

"Last year pa yun, tapos na yun.

"Masaya kaming lahat sa status namin ngayon.

"Wala pong problema at all."

Ayon naman kay Bea, "Kapag kami-kami lang naman, wala namang isyu.

"Parang feeling ko, kapag mga ganoong event, ang attention nila, sa amin.

"Pero wala namang isyu. Wala na. It’s so last year!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panayam din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pahayag ni Bea. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN