Piolo Pascual assures fans that relationship with KC Concepcion is "pangmatagalan"

Three months after announcing his relationship with KC Concepcion on national TV, Piolo Pascual says he’s very happy, and is "hoping for the best."


"I’m happy with Kristina."

Ito ang mga binitawang salita ni Piolo Pascual para tumigil na ang mga bulung-bulungan na kasalukuyan daw silang nagkakaproblema ng girlfriend na si KC Concepcion, o Kristina Cassandra Pangilinan sa totoong buhay.

Sa isang VTR interview ng The Buzz na ipinalabas noong May 15, kinumusta ang Kapamilya actor tungkol sa totoong estado ng relasyon nila. Sa kabila kasi ng ginawa niyang pag-amin noong February, hindi pa rin matigil ang pagdating ng kaliwa’t kanang intriga.

Ayon kay Piolo, hindi na raw niya maintindihan minsan ang kung ano ang gustong mangyari ng mga taong kumukuwestiyon sa kanila.

"When we admitted, a lot of people said...Marami naman ang natuwa when we started opening [up]. May mga nagsabi nga, what happened [was] before, you were so secretive about your relationship. Now, you’re starting to talk about it...In a way, hindi mo alam kung saan ilalagay ang sarili mo," ang sabi ng actor-singer.

May lumabas pa raw na report, kung saan sinabing gusto na niyang sumuko, pero itinanggi ito ni Piolo. Aniya, masayang-masaya raw siya sa takbo ng relationship nila ni KC.

"I’m happy with the way things are. Hindi naman ako papasok sa isang relationship kung sa tingin ko, hindi ito pangmatagalan. Siyempre, we only hope for the best."

Tanong ng ABS-CBN talk show, posible bang mauwi na ito sa kasalan?

"Well, it will come on the right time, you know. Hindi dapat pinangungunahan. If it happens, it happens. Darating din tayo sa panahon na ’yan sa buhay natin. Of course, I’m looking forward for it, for sure," ang sagot niya na may kasamang ngiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN