Jake Cuenca convinces avid fan to return to her family after leaving them for him

Young actor Jake Cuenca realized the effect celebrities have on their fans when one of his avid followers from the province left her family to see him and be with him.


Live na nag-guest sa The Buzz noong Linggo, May 15, ang young actor na si Jake Cuenca.

Pero bago ang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, ipinakita muna ang isang VTR interview sa isang fan ni Jake mula sa Iloilo ngunit tubong-Mindanao.

Siya ay si Elizabeth Aquino Suarez, 51 years old. Isang maybahay na may limang anak at ang asawa ay isang engineer na nagtatrabaho sa Singapore.

Nagdesisyon si Elizabeth, o Beth, na iwan ang pamilya niya at hiwalayan na ang asawa dahil madalas din naman daw silang mag-away.

At lumuwas nga siya ng Maynila.

Noong May 6, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nag-stay lang si Beth sa airport sa pag-asang makita ang kanyang idolong si Jake.

Ayon kay Beth, nararamdaman niya na siya ang babaeng mahal ni Jake.

Three years ago pa raw nang "magpadala" sa kanya ng text messages si Jake.

Ayon pa sa kanya, sa pamamagitan daw ng mga teleserye ni Jake ay naipararating sa kanya ng aktor ang "sagot" nito sa kanya.

Na base raw sa "sagot" ni Jake sa kanyang mga serye ay "mahal" din daw siya ng aktor.

Pero dahil isang linggo na nitong pamamalagi sa airport, sinita na siya ng airport authorities.

At ang naging hakbang ng mga awtoridad ay makipag-ugnayan sa kampo ni Jake para maiparating dito ang sitwasyon ni Beth.

Nagpunta naman agad si Jake sa Affairs Division ng Terminal 1 sa NAIA noong May 13, at doon ay nagharap na nga ang dalawa.

Naging mapayapa naman ang kanilang pag-uusap.

Pinakiusapan ni Jake na balikan na ni Beth ang kanyang mga anak at ayusin ang kanyang pamilya.

Naging positibo naman ang pakiusap ni Jake sa kanyang tagahanga.

Nagdesisyon itong bumalik sa Iloilo dahil yun daw ang sabi ni Jake.

Tuwang-tuwa rin si Beth nang bigyan siya ng jacket ng aktor.

FIRST TIME. Sa panayam naman ni Toni kay Jake, sinabi ng actor na first time niyang maka-encounter ng ganitong sitwasyon sa isang fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meeting Beth, yung mga ginawa ni Beth, it was a first. Definitely, it’s a first," sambit niya.

Ano ang na-feel ni Jake ngayong na-realize niya ang impact ng isang celebrity sa kanyang tagahanga?

"Actually, yung una, noong... Kasi, sinabihan ako ng daddy ko, nabasa niya sa diyaryo.

"Initially, I wanted to go there para mapakiusapan siya, umuwi na siya sa kanila, sa pamilya niya."

Ano naman ang masasabi niya na isang linggong namalagi si Beth sa airport sa pag-asang makita siya? At sa iniisip nitong siya ang babaeng pakakasalan ng aktor? Hindi rin daw ito naliligo at nagpupunas lang ng mukha.

"Yun na nga, noong mabalitaan ko ’yan, it’s very flattering.

"Siyempre, merong tumatangkilik sa ’yo nang ganoon ka-intense.

"Siyempre, seven days, iniwan ang pamilya.

"I wanted to go there right away.

"I talked to my handler, pero sabi nga niya, kailangan mas organized.

"Kasi, hindi namin kilala ang kikitain namin.

"So, ako, masaya lang ako, everything went well. Yun lang ang masaya do’n.

"Sa mga ganitong paraan, doon mo lang masusuklian ang suporta ng fans sa ’yo.

"Kapag merong kasong ganyan na alam kong fan ko, responsibilidad ko sa kanya yun."

Ang buong akala raw kasi ni Beth, ang text messages na natatanggap niya mula kay Jake ay para lang sa kanya.

Ang hindi niya alam, text messages ito na ipinapadala ni Jake sa kanyang subscribers sa KText.

Ang KText ay isang uri ng komunikasyon ng Kapamilya talents sa kanilang mga tagahanga.

Pero bago ka makatanggap ng text messages mula sa mga artistang ito ay kailangang mag-subscribe ka muna. May bayad din ang ganitong uri ng komunikasyon.

Ani Jake, "Siyempre, ini-explain ko kay Beth, yung mga text ko, text natin sa KText, it’s for general public.

"Sa lahat ng nagpa-follow sa akin.

"I tell them what I’m doing within the day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I tell them what I eat and send them pictures.

"Pero siyempre, that’s for everyone.

"So, ang ginawa namin, nag-exchange kami ng information ni Beth.

"Sabi ko sa kanya, ’Beth, kung padadalhan mo ako...’ Kasi, nagpadala raw siya ng sulat, hindi nakarating sa akin.

"Sabi ko, ’Kung magpapadala ka sa akin ng sulat, litrato, dito mo ipadala.

"Siguradong makakarating sa akin at sasagutin ko siya.’

"Kasi, hindi raw nakarating sa kanya."

Pinuri naman ni Toni ang ginawang pagpunta ni Jake sa airport para personal na harapin si Beth.

Sabi naman ni Jake, "Pagpunta ko sa airport, ang dinadasal ko, ’Lord, bigyan n’yo po ako ng kalakasan na ma-convince siyang umuwi dahil kailangan siya ng pamilya niya.’

"So, kay Beth, kung nanonood ka man ngayon, sana alagaan mo ang pamilya mo.

"At sa pamilya ni Beth, sana alagaan n’yo siya dahil napakaespesyal niyang tao.

"Sana maayos na rin lahat.

"And Beth, thank you, it’s my pleasure to meet you. Hindi kita makakalimutan.

"At tulad ng sabi ko sa ’yo, sulatan mo lang ako, susulatan din kita."

ISSUE WITH WESLEY. Tinanong din ni Toni si Jake tungkol sa balitang nagkaroon daw sila ng iringan ng PBA player na si Wesley Gonzalez.

Magkaibigan ba silang dalawa?

"Now, we’re friends. Okay na kami ngayon," sagot ng young actor.

Before?

"We didn’t know each other," sabi ni Jake.

"That night, it was very silly. Wala naman talaga."

Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Wesley? Totoo bang muntik na silang magsapakan nang magkita sila sa bar?

"No, hindi naman umabot sa ganoon," tanggi ni Jake.

"Siyempre, it’s a misunderstanding. Pero within ten minutes, naayos din agad yun.

"For me, to make a big fuss about that...nothing naman happened. And no bad words were exchanged.

"Within ten minutes, naayos din naman namin kasi we have similar friends. Naayos din naman namin agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s something I don’t want to make a big issue kasi naklaro naman."

MELISSA RICKS. Hindi rin naiwasang itanong ni Toni kay Jake ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Melissa Ricks.

"We’re good, we’re good," sambit ng binata.

Diniretso ni Toni si Jake na noon daw ay they were the "best." Ngayon ba ay "good" na lang?

Natawa si Jake, sabay sabing, "Me and Melissa, siyempre sa isang relationship, there’s always bad times, there’s good times as well.

"In every relationship, meron tayong kanya-kanyang problema.

"We’re fixing things. It’s been busy.

"Basta, one thing for sure, our friendship will always be there.

"We’ll always support each other and there’s some things that we have to fix."

Dagdag pa ni Jake, "One thing that is evident, no matter what happens, ang suporta ko kay Mel ay palaging nandoon.

"Walang taong sumuporta sa akin na katulad ni Mel.

"Sobra talaga ang pagsuporta niya sa akin."

Pero bakit wala sa premiere night ng In the Name of Love si Melissa?

"Hindi, siyempre, maybe she’s preoccupied.

"Pero, hindi ko rin naman magagawa ang ginawa ko sa In the Name of Love kung wala si Mel.

"She supported me for a year and a half. That was a year and a half namin shinoot ang movie.

"She was my inspiration."

Is she still his inspiration right now?

"Basta me and Melissa, she will always be an inspiration to me," nakangiting sabi ni Jake.

Ayon naman kay Toni, hindi na raw nila pag-uusapan ang tungkol sa mga tweet ni Melissa.

Pero sigurado raw na may pinagdadaanan ang dalawa at umaasa siyang maaayos din ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN