Erap Estrada, Vilma Santos, Richard Gomez among celebs who won in #Eleksyon2016

May 10, 2016
<p>Kabilang sa mga artistang pinalad manalo ngayong 2016 elections ay sina Joseph Estrada, na nahalal muli bilang mayor ng Manila; Vilma Santos bilang representative ng sixth district ng Batangas; at Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City.</p>

Isang araw pagkatapos ng eleksyon ay halos malinaw na kung sino ang mga kandidatong nanalo at kung sino ang mga hindi pinalad.

Sigurado na ang pagkapanalo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo dahil mahigit anim na milyong boto ang lamang niya sa pumapangalawang si Mar Roxas.

Ang senadora at dating MTRCB Chairman na si Grace Poe ay nasa pangatlong puwesto.

Habang pang-apat si Vice President Jejomar Binay at panglima si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Kung runaway winner si Duterte sa presidential race, mahigpit naman ang labanan sa pagitan nina Congresswoman Leni Robredo at Senator Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente.

Kung sa pagsisimula ng bilangan ay lamang si Bongbong, ngayong patapos na ang bilangan ay naungusan na siya ni Leni.

SENATORIAL RACE. Sa senatorial race naman ay sigurado nang pasok sa Magic 12 ang Eat Bulaga! co-host na si Tito Sotto, na hindi natitinag sa ikatlong puwesto.

Nasa pampitong puwesto naman ang dating broadcaster at Akbayan representative na si Risa Hontiveros.

Continue reading below ↓

Kung sasak-sakali, ito ang unang panalo ni Risa sa senado pagkatapos ng tatlong subok.

Pasok din ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, na umakyat na sa ika-walong puwesto.

Nasa ika-siyam na puwesto naman ang mister ni Sharon Cuneta na si Kiko Pangilinan.

Kumapit naman sa ika-11 ang mister ni Vilma Santos na si Ralph Recto.

Ang iba pang nakapasok sa Magic 12, as of 2:30 P.M. ngayong May 10 ay sina Franklin Drilon, No. 1; Joel Villanueva, No. 2; Ping Lacson, No. 4; Dick Gordon, No. 5; Migz Zubiri, No. 6; Win Gatchalian, No. 10; at Leila De Lima, No. 12.

Mukhang malabo naman na ang tsansa ng iba pang celebrities na tumakbo sa pagka-senador; gaya nina Isko Moreno (No. 16), Mark Lapid (No. 19), Edu Manzano (No. 21), Alma Moreno (No. 24), at Rey Langit (No. 28).

CONGRESSIONAL RACE. Mula sa pagiging mayor ng Lipa City at gobernador ng lalawigan ng Batangas, naluklok naman ngayon ang Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang representative ng sixth district ng Batangas na sumasakop sa Lipa City.

Continue reading below ↓

Ang iba pang mga artista na nanalo bilang kongresista ay sina Yul Servo (Manila, Third District), Alfred Vargas (Quezon City, Fifth District), Monsour del Rosario (Makati City, First District), at Lucy Torres-Gomez (Leyte, Fourth District).

Nanalo rin ang dating ABS-CBN News reporter na si Sol Aragones (Laguna, Third District), ang mister ni Dina Bonnevie na si DV Savellano (Ilocos Sur), ang Bb. Pilipinas-International 1996 at misis ni senatoriable Martin Romualdez na si Yedda Marie Romualdez (Leyte, First District).

Ang Jukebox Queen na si Imelda Papin ay dikit ang laban sa nangungunang si Noli Fuentebella para sa fourth district ng Camarines Sur.

Natalo naman ang aktor at dating OMB chairman na si Ronnie Ricketts (Muntinlupa City) at ang PBA coach na si Yeng Guiao (Pampanga, first district).

MAYORAL RACE. Pagkatapos ng dikitang laban nila ni Alfredo Lim ay naiproklama na si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada bilang mayor ng Manila.

Nanalo ring mayor sina Herbert Bautista (Quezon City), Lani Mercado (Bacoor City), at Girlie “Maita Sanchez” Ejercito (Pagsanjan, Laguna).

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng ilang pagsubok ay nanalo na rin sa wakas si Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City.

First-time naman ng dating aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez na mahalal bilang mayor ng Tacloban City.

Ang dating nakarelasyon ni Erap na si Guia Gomez ay muling nahalal bilang mayor ng San Juan City.

Sa kabilang banda, nabigo naman ang dating beauty queen-actress na si Daisy Reyes sa kanyang mayoral bid sa Pateros City; ganundin ang partner ni Nadia Montenegro na si Boy Asistio sa Caloocan City.

Sa pagka-vice mayor naman, nanalo ang dating Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario sa Calatagan, Batangas, at ang anak ni Erap na si Janella Ejercito sa San Juan City.

Nabigo naman ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez sa hangarin nitong maging vice mayor ng Parañaque City.

GUBERNATORIAL RACE. Samantala, natalo si ER Ejercito sa kanyang muling pagtakbo bilang governor ng Laguna.

Continue reading below ↓

Ang mga nanalong vice governor ay sina Daniel Fernando sa Bulacan at Jolo Revilla sa Cavite.

Isa sa mga nakalaban ni Daniel ay ang kapwa niya aktor na si Phillip Salvador.

Talo rin ang starlet na si Angelica Jones na tumakbo naman sa Laguna at ang aktor na si Gary Estrada na tumakbo sa Quezon province.

COUNCILOR. Pinakamaraming bilang ng mga artista ang tumakbo para sa pagka-konsehal.

Kabilang sa mga pinalad na manalo ay sina Roselle Nava (Parañaque City, 1st district, No. 1); Jhong Hilario (Makati City, 1st district, No. 1); Precious Hipolito Castelo (Quezon City, 2nd district, No. 1; Vico Sotto (Pasig City, 1st district, No. 1); Robert Ortega (Manila, 5th district, No. 2); Gian Sotto (Quezon City, 3rd district, No. 2); Charee Pineda (Valenzuela City, 2nd district, No. 2); Rico Puno (Makati City, 1st district, No. 3); Ryan Yllana (Parañaque City, 2nd district, No. 3).

Panalo rin sina Lala Sotto (Quezon City, 6th district, No. 4); Anjo Yllana (Quezon City, 5th district, No. 5); Franz Pumaren (Quezon City, 3rd district, No. 5); Vandolph Quizon (Parañaque City, 1st district, No. 5); Yoyong Martires (Pasig City, 2nd district, No. 6); Roderick Paulate (Quezon City, 2nd district, No. 6); Hero Bautista (Quezon City, 4th district, No. 6); at Jomari Yllana (Parañaque City, 1st district, No. 6).

Continue reading below ↓

Kabilang naman sa mga hindi pinalad manalo sina Anthony Castelo (Quezon City), Johnny Revilla (Quezon City), Dan Alvaro (Quezon City), Tates Gana (Quezon City), Allan Paule (Muntinlupa City), Hubert Webb (Parañaque City), Ericka Villongco (San Juan City), Lance Raymundo (San Juan City), at Inday Garutay (San Juan City).

BOARD MEMBER. Ang mga nahalal namang board members ay sina Jestoni Alarcon (Rizal, 1st district), Rommel Padilla (Nueva Ecija, 1st district), Alex Castro (Bulacan, 4th district), Maybelyn dela Cruz (Pangasinan, Dagupan City), Teri Onor (Bataan), at Azenith Briones (Laguna).

Nabigo naman ang komedyanteng si Long Mejia sa Bulacan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kabilang sa mga artistang pinalad manalo ngayong 2016 elections ay sina Joseph Estrada, na nahalal muli bilang mayor ng Manila; Vilma Santos bilang representative ng sixth district ng Batangas; at Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results