Marian Rivera on negative issues: "Ay, ngayon talaga, sorry for the term, pero dedma na po talaga!"

"Ang dami-daming tao na gustong pumosisyon sa kung anong posisyon ang meron ako. At ang daming tao na gusto mag-artista, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon... Parang andito ako, e, pasalamat na lang ako. Hindi naman lahat dapat positive, di ba? Ba-balance din naman," says Marian Rivera.


Isa pala si Marian Rivera sa pumila at nanood ng Manila concert ng pop superstar na si Justin Bieber sa SM MOA Concert Grounds noong May 10, Tuesday.

Kasama ni Marian na nanood ng concert ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes Dantes at ang nakababatang kapatid nito.

"Actually, yung Justin Bieber na ’yan, yung kapatid kasi ni Dong, love na love si Justin.

"Although okay din naman ako kay Justin, pero hindi naman yung sobrang ’Ayyy!’ Hindi naman yung ganun.

"Pero magaling si Justin talaga. So, pumunta kami dun.

"Wala, nakakatawa na magkasama kaming tatlo, na sabi niya [Dingdong], ’Mukha ba ’kong bakla? Kasi andito ako sa Justin Bieber?’

"Sabi ko, ’Hindi, nag-e-enjoy lang tayo.’

"May mga ganung moment kami na talagang ine-enjoy lang namin yung mga pagkakataon, lalo na para sa kapatid din niya.

"Di ba, bakit hindi namin ibibigay?" kuwento ni Marian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment editors sa pocket presscon para sa Amaya noong Martes, May 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang Amaya ang upcoming epicserye ng GMA-7 na pagbibidahan ni Marian, kasama sina Sid Lucero at Mikael Daez.

Kasama rin daw sila sa pumila sa backstage para bumati nang personal kay Justin.

"Basta isa lang masasabi ko—sobrang galing niya at deserve niya talagang maging Justin Bieber!" sambit pa ni Marian.

"Ang galing niya mag-perform, ang galing niyang kumanta, magaling sumayaw, magaling mag-entertain.

"Magaling siya!"

SNUBBING INCIDENT. Bilang isa ring celebrity, kinuha ng PEP ang opinyon ni Marian tungkol sa napabalitang pagsusuplado diumano ni Justin sa Ninoy Aquino International Airport sa isang empleyado ng airport noong paalis na ito ng bansa.

Nakunan kasi ng video ang nasabing insidente at nai-post pa sa YouTube. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ani Marian, "Hindi rin, e, mahirap din mag-judge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako din naman, hindi lahat ng tao napi-please ko, hindi rin naman lahat...

"So, naiintindihan ko siya in some point, na parang, what if may sakit nga siya?

"What if nagsusuka siya after mag-perform?

"What if masama talaga yung pakiramdam niya?

"What if hindi niya nakita, nabalewala lang niya?

"Suplado na ba ibig sabihin?

"Siguro may mga tao na hindi sa lahat ng pagkakataon, e, artista ang dating.

"Siguro may pagkakataon na tao lang naman din siya, nagkakamali din, at talaga namang napapagod din naman.

"Siguro naiintindihan ko din naman siya dahil ako din naman, hindi lahat napi-please ko, e.

"’Tsaka kawawa din naman yung bata, e.

"Parang sunud-sunod din naman yung performance niya, tapos pumunta siya sa ibang bansa.

"After the night na nag-perform siya, umalis na siya, tapos nag-perform na naman."

MISS MISUNDERSTOOD. Kung meron mang isang local celebrity na madalas naiintrigang kesyo suplada, mataray, at kung anu-ano pang hindi kagandahang-asal, ito ay walang iba kundi si Marian Rivera.

Hindi lang miminsang naging laman ng showbiz items si Marian dahil sa kung anu-anong balita tungkol diumano sa pagsusuplada niya sa fans at maging sa kapwa niya artista.

"Yes, palagi," sagot ng Kapuso star nang tanungin kung sa palagay niya ay "misunderstood" lang siya.

"Pero nakakatuwa lang kasi, example, kasama ako sa taping, tapos sasabihin, ’Uy, Marian, si ganito nahihiya daw siya sa iyo kasi parang ang taray mo daw.’

"Sabi ko, ’Ano ka ba, luka-luka ’yang si Marian!’

"Kasi, hindi naman ako ma-showbiz na... Although nagso-showbiz ako, pero hindi ako ma-showbiz na tao yung, ’Hello po, hi, hello!’

"Hindi ako ganun. Civil lang ako.

"Kumbaga, kung kilala kita, ay, iki-kiss kita.

"Pero pag hindi kita kilala, ’Hi!’

"Pero hindi ako ma-greet sa hindi ko kilala.

"’Ay, close tayo, ano number mo?’ Hindi ganun.

"Naniniwala kasi ako na dadating at dadating yung panahon na magiging close kayo, magiging close kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung magiging magkaibigan kayo, magiging magkaibigan kayo, bakit hindi?

"Pero may mga bagay kasi na hindi napipilit, e, kusang dumadating.

"Kung hindi talaga, hindi," paliwanag ni Marian.

Pero sa tagal na rin ng panahon na panay ganito ang tira sa kanya ay nasanay na raw ang aktres.

"At first, dati kasi, nasasaktan ako, e, nung bago-bago pa lang ako," sabi niya.

"Ay, ngayon talaga, sorry for the term, pero dedma na po talaga!

"Nasanay na ako, na as long as alam ko na wala naman akong nasaktan, wala naman ako inagrabyado, so go on, go with the flow.

"Ganun talaga ang buhay, artista ka, hindi talaga lahat mapi-please mo.

"Public personality ka, so all you have to do is i-enjoy mo kung ano meron ka, pasalamat ka sa mga taong nakakaintindi sa ’yo, pasalamat ka sa mga taong nagmamahal sa ’yo, di ba?

"Through prayers siguro, ’Lord, sorry po kanina, kasi meron po ata akong hindi napansin, sana po hindi naman lumaki.’

"Siguro through prayers din po, parang natatabunan lahat, e."

THE AGE OF CYBERSPACE. Kumpara noon na sa mga babasahin at TV lamang umaabot ang kung anumang balita tungkol sa mga artista at iba pang personalities, sa panahon ngayon ay mabilis na itong kumalat sa pamamagitan ng Internet. Nariyan ang YouTube, Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites at blogs.

Sa palagay ba ni Marian ay "unfair" para sa mga artistang gaya niya na napakabilis ngayong kumalat ng mga balita—totoo man o hindi—dahil sa Internet?

"Unfair kung unfair po talaga," sagot ng 26-year-old actress.

"Pero wala akong magagawa kasi pinasok mo ang showbiz, na alam mong hawak ka sa leeg ng lahat ng tao, e.

"Ngayon, kung wala ka sa camera, at nasa iba ka, kasama ka ng family mo, yun ang totoong buhay para sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung nasa camera ako, rolling, artista ako.

"Pero pag nag-cut ang camera, andun ako sa family ko—yun ang totoong buhay para sa akin."

Sabi pa niya, "So, bakit ako masasaktan sa mga sinasabi sa akin dito sa showbiz?

"As long as masaya ako sa pamilya ko, pag nagro-roll yung camera nagagawa ko naman yung gusto ipagawa sa akin ni Direk, kasundo ko naman lahat ng co-artists ko, so wala akong problema dun."

ALWAYS LATE? Isa sa bagong iniintriga ngayon kay Marian ay ang madalas daw niyang pagiging late sa taping ng Amaya.

Pero pinabulaanan na ito mismo ng direktor ng show na si Mac Alejandre sa hiwalay na panayam ng PEP. (CLICK HERE to read related story.)

"Yes, naliwanag na ’yan ni Direk Mac, lahat ng staff," sabi ni Marian.

"Yun naman ang maipagmamalaki ko—marami silang pinipintas sa akin, pero never akong nale-late sa lahat ng trabaho ko.

"’Yan ang hindi nila mapipintas sa akin!"

Bakit sa palagay niya may lumabas na namang ganitong intriga?

"Kasi malapit na ang Amaya kaya nagsisimula na naman sila!" tawa niya.

"Ang importante, example, sinabi nila, ’Ay, si Marian lagi ’yan late, prima donna.’

"Pero at least naman, pagdating sa set, alam ng mga tao dun, mga katrabaho ko...

"Yun ang importante sa akin, e, hindi yung mga tao sa labas, kundi yung mga taong nasasakupan ko.

"Yung mismong tao sa set, alam nila na hindi ako late, alam nila na professional ako pagdating sa trabaho.

"So, siguro, dahil sa mga kasama ko na yun, sila mismo makakapagsabi na, ’Ay, si Marian hindi nale-late ’yan, professional ’yan.’

"So, sila na hindi ko naman nakatrabaho, ano naman ang kinalaman nila sa akin?

"At anong alam nila kung anong oras ako dumating sa set? Kung hearsay, hearsay lang, di ba?

"So, ako, hindi ko iintindihin yung mga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante, sa loob mismo ng set, alam nila yung totoo.

"Kasi ang dami ng issue ngayon, e, umiikot na lang uli sila."

Ano ang pinaka-unfair na issue na naibato sa kanya?

"Unfair, wala," sambit ni Marian.

"Ang tao kasi, naniniwala ako, may freedom talaga, e.

"May karapatan silang mamili, may karapatan silang sabihin...

"Kasi wala, e, tao ’yan, e.

"Kahit ako naman, meron din akong kino-comment. Pero akin na lang yun.

"Kasi artista ako, lahat ng galaw ko [napapansin]."

FAVORITE TARGET. Pero kung papansinin, tila si Marian ang pinakapaboritong target o topic ng mga intriga. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Okay lang, ibig sabihin, favorite nila ako," pagkikibit-balikat niya.

"Mas maige nang pinapansin nila ako kaysa dedma sila.

"Okay ako dun. Importante, ine-enjoy ko ang buhay ko.

"Pag kasama ko pamilya ko, ang saya-saya namin.

"Sa lovelife—ako, ang saya-saya ko.

"Career ko, ano pa ba mahihiling ko, ’binibigay na lahat sa akin ng GMA?

"At ngayon, nasa akin ang pinakamalaking proyekto ng GMA, na sobra-sobra yung pagtitiwala nila.

"Ay, wala na bang balance? Dapat may konting ganun [intriga] talaga.

"So, pag lahat ganun na lang, walang ano... E, challenge, e, so okay lang po ’yan."

Paano niya nagagawang tingnan sa positibong paraan ang mga negatibong komento o balita tungkol sa kanya?

"Kasi hindi ako sanay, hindi ako sanay na ginaganun ako ng tao, lalo na at hindi niya ako kilala.

"Pero naisip ko, at na-realize ko, na bakit hindi ko gamitin yung pinag-aralan ko, bilang Psychology graduate ako, bakit hindi ko i-reverse lahat?

"Bakit hindi ko i-enjoy kung anong meron ako?

"Ang dami-daming tao na gustong pumosisyon sa kung anong posisyon ang meron ako.

"At ang daming tao na gusto mag-artista, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.

"So, ako yung andito, ’Ay, thank you Lord!’ Parang andito ako, e, pasalamat na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman lahat dapat positive, di ba? Ba-balance din naman.

"At so far naman, dalawa na lang ’ata yung naninira sa akin, e.

"Wala na, lahat okay na," pagtukoy pa ni Marian sa kanyang detractors.

Kilala niya ba ang sinasabi niyang "naninira" sa kanya?

"ABS naman sila, so hayaan na natin," sagot ng aktres, na ang ibig sabihin ay konektado sa ABS-CBN—ang katapat na network ng GMA-7.

"Hayaan na natin sila, halata naman, kasi sa kabila sila.

"Hayaan na natin sila, okay lang yun.

"Kasi yung negative...allergic na ako sa negative.

"Negative ka? Ay, halika, bigyan kita ng tinapay, kainin mo, ha!

"May masasabi pa ba sila pag ginawa mo yung mabuti?

"Inisnaban ka, pero sabihin mo, ’Hi!’

"Sino magdadala nun? Sila, hindi ako," pag-aanalisa pa niya.

PAMBABATOK ISSUE? Ngayon ay sentro na naman ng usapan si Marian dahil sa "pambabatok" diumano niya sa Pambansang Kamao at Sarangani representative Manny Pacquiao sa guest appearance nila sa Party Pilipinas noong Linggo, May 15.

Sa isang bahagi kasi ng programa ay lumabas si Marian habang nagsasalita si Manny, na co-star niya sa weekly sitcom na Show Me Da Manny.

Mula sa likuran ay piniringan ni Marian ang mga mata ng Pambansang Kamao.

Pinahulaan naman ng mga host ng show na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs kung kaninong mga kamay ang tumakip sa mga mata niya.

Nang sumagot si Manny na "Gladys Guevarra"—na kasamahan din nila sa Show Me Da Manny—ay binitiwan bigla ni Marian ang kanyang mga kamay at kunwa’y hinampas sa ulo ang Pambansang Kamao.

Nagbiro pa nga si Marian na kunwari ay aalis na lang siya dahil hindi nahulaan ni Manny kung sino siya.

Pero mabilis na hinila ni Manny ang kanyang mga kamay para pabalikin siya sa gitna ng stage.

Dahil magkasama nga sila sa show ay naging biro lang ang lahat para sa kanila, at walang nakitang pagkaasar o pagkagalit mula kay Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sabihan pa nga ni Marian na mag-taping na si Manny ng Show Me Da Manny dahil palagi na lang daw siya nitong iniiwanan, nangako naman ang boksingero na babalik na siya sa taping.

Hindi pa naitatanong kay Marian kung ano ang reaksiyon niya tungkol sa puna ng iba na tila "nabastusan" sa ginawa niya.

Pero malamang ay ipagkikibit-balikat niya lang ito gaya ng mga nauna nang intriga sa kanya.

PEP’S COMMENT: Meron sa mga PEP staff ang nakapanood ng eksena nina Marian at Manny sa TV.

Tingin namin—bilang serbisyo sa publiko, na di dapat nililito o ginugulo ng mga bagay-bagay na walang katuturan—ay dapat ibigay namin ang aming opinyon sa pagkakataong ito.

Walang-wala kaming nakikitang isyu sa naging kilos ni Marian. Malinaw na katuwaan lang lahat, na na-capture naman ng malinaw ng mga television cameras.

Nagmukha ngang normal na tao si Manny dahil dito, hindi iyong dambuhalang international superstar ng boxing. Puwede pa pala itong makipagbiruan sa kahit sino.

At ang kabiruan pa ay isang co-star niya sa isang programa. Ang ibig sabihin ay pamilyar si Marian kay Manny, talagang maaari silang maglokohan nang ganoon sa harap ng publiko o kahit sa private time pa nila.

Liban doon, sa lakas ng katawan ng Pambansang Kamao, iyong konting tapik na iyon ng isang Marian Rivera sa ulo nito ay parang hangin lamang na dumaan—o kaya’y isang joke.

Na siya ngang pagkakatanggap ni Manny sa bati na iyon ni Marian: isang joke, hindi isang pambabastos.

Napagaan din ni Marian—at nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs—ang TV appearance na iyon ni Manny, na kagagaling lang sa kanyang latest ring victory. Nagsilbi silang foil para maging charming at funny si Pacman.

Kahit pa hindi si Marian ang involved, kahit ordinaryong artista pa ang kunwa’y nambatok kay Pacman, ito pa rin ang sasabihin ng mga nakapanood sa amin: May pagka-OA ang isyung ito. Wala sa lugar. Walang katuturan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman pala sinasabi ni Marian tungkol sa mga naipukol na sa kanya: "...dedma na po talaga!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN