Senator Miriam Santiago backs out from "dream match" with Dionisia Pacquiao; Pacman remains firm against RH Bill

"I just don’t think that needs to be taken further. That’s a silly topic. Maghanap na lamang tayo ng ibang kalaban," says Senator Miriam Defensor Santiago about Mommy Dionisia Pacquiao’s (main photo) statements against her. Senator Santiago spoke against Manny Paqcuiao’s (inset) stand on the RH Bill.


Hindi na matutuloy ang inaabangan na "dream match" nina Mommy Dionisia Pacquiao at Senator Miriam Defensor-Santiago.

Tinapos na ng senadora ang isyu nang hingin ang reaksiyon niya tungkol sa mga pahayag laban sa kanya ng ina ni Sarangani Representative Manny Pacquiao.

"I am speechless. That’s my comment.

"I just don’t think that needs to be taken further. That’s a silly topic.

"Maghanap na lamang tayo ng ibang kalaban," pahayag ni Senator Santiago sa mga miyembro ng media.

Nagsimula ang pagbatikos ni Mommy Dionisia sa senadora dahil sa mga patutsada ng huli sa kanyang anak na hindi pabor sa pinagdedebatehang Reproductive Health Bill (RH Bill).

Hindi nagustuhan ni Mommy Dionisia ang pahayag ni Senator Santiago na hindi dapat makialam ang Pambansang Kamao sa isyu ng RH Bill. (CLICK HERE to read related stopry.)

Sabi ng senadora, "Huwag niyang pasukan ito.

"Kung kaming mga senador, hindi kami pumapasok sa pag-boxing.

"Pero kung gusto mo, e, di puwede rin."

Mataas ang boses ni Mommy Dionisia sa magkahiwalay na panayam sa kanya ng ABS-CBN at TV5 nang ipagtanggol ang anak laban sa patutsada ni Senador Santiago.

Aniya, "Huwag niya maliitin ang anak ko—congressman, e.

"Maraming malaking ano, pero walang respeto.

"Huwag ang anak ko ang pakialaman ninyo!

"Yung malaswa ang gusto ko na pakialaman ninyo!

"Tingnan mo, mga bakla, kaiinom ng pills...

"Hindi na bagay inumin ng mga bakla kasi lalake sila.

"Ginagawa sila ng Diyos na lalake.

"Umiinom talaga sila ng pills para magsilaki ang dede.

"Bawal ’yan!

"Ano tingin nila kay Manny, tau-tauhan? Di ba, congressman siya?

"Hindi kayo ano, takpan ang bunganga ng anak ko? Hindi na lang magsabi?

"Sinabi ko nga, dalagang-dalaga pa ako, nagsabi ako, ’Lord, bigyan mo ako ng anak na kalahating dosena.’

"Kahit nag-anak ako ng kalahating dosena, hindi naman ako naghingi sa tao ng ipakain para sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ni Manny... Sabi ni Manny, ’Kahit kami magkapatid, kahit ano, buhay man...’"

Ang ibig sabihin ni Mommy Dionisia, kahit marami raw magkakapatid sina Manny ay nabuhay naman sila nang maayos.

Sabi pa ng ina ni Manny, "Ang mister ko, hindi siya puwede magkontrol, e, tinuruan siya ng calendar.

"Maghintay ka. Yung calendar, walang kasalanan ’yan."

LEA SALONGA VS. MANNY. Nagsanga-sanga na ang isyu tungkol sa posisyon ni Manny sa RH Bill dahil sa pahayag ng iba pang kilalang personalidad tulad ni Lea Salonga.

Pro-RH Bill si Lea.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, sinabi ng Pinay international star na bago labanan ni Pacquiao ang RH Bill, dapat tulungan ni Manny ang ating mga mahihirap na kababayan.

"You have millions of pesos... How about a lot of your own constituents who have no access?" ang sabi ni Lea.

Sa kabila ng mga pagbatikos sa kanya, naninindigan si Manny sa kanyang desisyon na huwag suportahan ang RH Bill.

Inamin niya na totoong gumamit noon ng birth control pills ang misis niyang si Jinkee Pacquiao, pero pinahinto niya ang asawa.

"Nag-follow kami," sabi ni Manny sa utos daw ng Diyos na "go forth and multiply."

"Pinahinto ko [si Jinkee sa paggamit ng pills], kaya naging dalawa, tatlo, apat ang anak namin, at may mga susunod pa.

"Basta para sa akin, ang sinusunod ko, ang kautusan ng Panginoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN