Dingdong Dantes defends Marian Rivera against "batukan issue" involving Manny Pacquiao; says he’s willing to campaign for girlfriend in FHM poll

FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg">

FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg">

"Alam ninyo, ako, kahit nung partner ko siya, e, talagang ganun siya. Palabiro talaga. At saka hindi niya gagawin sa isang tao yun kung walang level of closeness, na alam niyang it will be comfortable for both, di ba?" says Dingdong Dantes about Marian Rivera’s alleged inappropriate behavior towards boxing champ and congressman Manny Pacquiao.


Hindi pa alam ni Dingdong Dantes kung aahitin na niya ang bigote ngayong tapos na ang taping nila ng I ♥ You Pare ng GMA-7.

"Baka kasi gamitin namin sa pelikula kaya hindi ko pa alam kung aalisin ko na," sabi ni Dingdong tungkol sa gagawin niyang horror movie with Lovi Poe.

Ang tentative title nito ay Aswang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media people si Dingdong sa last taping day ng romantic/comedy show nila ni Iza Calzado, sa Fernbrook Gardens sa Alabang, Muntinlupa, noong Miyerkules, May 18.

Paano niya ide-describe ang naging experience ng paggawa ng I ♥ You Pare?

"Ito, sobrang masaya. Pinakamasayang show talaga na nagawa ko!

"Aside from the fact na talagang comedy siya to begin with, at yung buong atmosphere mula umpisa hanggang dulo.

"Walang moment na talagang may tension, may negative vibes—lahat talaga halos perfect na."

Ang pag-alis lang ng co-star niyang si Regine Velasquez sa mga huling linggo ng comedy serye ang ikinalungkot niya. Kinailangan ni Regine ang pahinga dahil buntis siya.

"Puwera lang talaga nung si Ate nga, hindi na makaganap as Tonya.

"Yun lang, pero bukod doon, everything was perfect," saad ni Dingdong.

Ano ang pinakamami-miss niya sa show?

"Yung Boiler Room!" mabilis niyang sagot.

Ito ang club sa Marikina Riverbanks kung saan regular na nagti-taping ang show, bilang Club Love, na mina-manage ni Dingdong bilang Kenneth.

"Parang naging bahay ko na talaga, e," sabi niya.

"Kasi even may kanya-kanya kaming lugar dun, tapos sa istorya talagang dun na ako nakatira, so parang lumaki na talaga ako dun sa club na yun.

"Lahat ng mga nakita ko, lahat ng mga na-experience ko, parang totoong buhay na nangyari talaga sa akin dahil...

"Especially mga dancers, mga performers, naging magkakaibigan kami—kami lahat."

Dating miyembero ng all-male dance group na Abztract Dancers si Dingdong bago siya naging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa I ♥ You Pare, dapat sana’y may production number din si Dingdong sa isang episode.

Aniya, "Actually, meron ako dati, pero hindi siya naere, e.

"Actually, meron yun, one whole scene, si Paolo [Ballesteros] ang kumanta.

"Pero kasama ako dun sa number, ’Why Can’t It Be’ yung kanta."


MARIAN’S SUPPOSED GUESTING. Bakit di natuloy ang pag-guest sa show ng girlfriend niyang si Marian Rivera, na tinagurian ng GMA-7 na Primetime Queen?

"Nung time kasi na yun, nagsu-shoot na siya for Ang Panday 2, for Temptation Island—sabay-sabay na yun.

"Dapat si Ogie pa nga, e, gusto rin sana naming i-guest ni Ate."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay si Ogie Alcasid na ikinasal kay Regine sa isang grand ceremony sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas, noong December 22, 2010.

BURGER CHAIN. Dati pang may plano si Dingdong na magtayo ng isang burger chain. Natuloy na ba ito?

"Hindi pa e, hindi pa," sambit ng aktor.

"Walang panahon, pero yung sa restaurant namin sa Gustavus, meron na.

"It’s in the menu already—yung Mr. D’s burger, nasa menu na.

"It’s in Makati, part-owner ako, ako lang ang artista."

Ang Gustavus ay isang high-end bar-resto na kilala sa wines and imported steaks nito. Sinasabing mas mabuting gumawa ng reservations bago tumuloy dito sapagkat intimate ang space at napupuno ito.

Kasama ni Dingdong sa successful business venture sina James Yap, Dondon Monteverde at iba pa.

"SIGN OF ENDEARMENT." Naitanong ng PEP kay Dingdong ang usap-usapang "pambabatok" ni Marian kay Manny Pacquiao sa guesting ng mga ito noong Linggo, May 15, sa Party Pilipinas.

"Hindi ko nga nakita yun, e," sabi ni Dingdong.

Sa pagpapatuloy ng GMA-7 male star, sinabi nito, "Alam ninyo, ako, kahit nung partner ko siya, e, talagang ganun siya. Palabiro talaga.

"At saka hindi niya gagawin sa isang tao yun kung walang level of closeness, na alam niyang it will be comfortable for both, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, maaaring hindi lang siguro sila sanay na makakita ng ganun dahil, ako kasi, ako, sa akin, I find it...

"’Pag sa akin ginawa, dahil partner ko siya noon-noon pa, e, matutuwa ako.

"Masaya, na parang ano siya, e, sign of endearment. Parang ganun, di ba?

"Hindi ko rin siguro masisisi yung iba if they saw it in a different manner.

"Pero ang importante, okay silang dalawa, di ba?" madiplomatikong sagot ni Dingdong tungkol kina Marian at Manny, na magkasama sa sitcom na Show Me Da Manny.

Sunod na tanong ng PEP, siya ba ay binabatukan ni Marian?

"Hindi yun batok, kundi yung...alam mo yung lambing?" sagot ni Dingdong.

MARIAN ON FHM. Ilang taon pa lang ang nakalilipas, nahirang na isa sa Sexiest Men in the World sa isang international poll si Dingdong. Tinalo pa nito si Johnny Depp at ilang pang kilalang Hollywood stars.

Ngayon ay No. 1 si Marian sa latest counting ng FHM para sa Sexiest Women in the World 2011. Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

"Ever since naman, number one siya, lalung-lalo na sa akin!" sambit ng aktor.

"Pero dati, number one na siya noon, biglang... Bago yung mismong declaration, nag-iiba, di ba? Siyempre naghahabulan ng boto ’yan.

"So, ako, it shows na yung consistency—parati siyang nasa top, di ba?

"E, maganda kasi ’pinapakita niya na inaalagaan niya ang sarili niya, kahit na three years ago pa ’yan o four years ago," banggit ng aktor sa naging poll.

Sa kasalukuyang poll, bumuboto ba siya for Marian?

"Tinanong ko nga siya e, sabi ko, ’Gusto mo bumoto ako?’

"Sabi niya, ’Hindi, huwag na!’

"Sobrang humble.

"Sabi ko pa, ’Hindi, sa totoo lang, gusto mo nga ikampanya kita para diyan?’

"Tapos sabi niya, "Hindi, huwag na!’

"Sabi ko, ’Hindi, totoo, ako boboto ako araw-araw!’

"Sabi niya, ’Hindi, huwag na!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang hindi niya talaga pinu-push, dahil yung pagka-seksi niya, hindi pilit, e.

"Alam mo yung talagang iyon talaga siya, so kaya mas kahanga-hanga."

MARIAN "TOPLESS" IN AMAYA. Ano naman ang masasabi niya sa pagta-"topless" ni Marian sa Amaya? Kilala si Dingdong bilang conservative na boyfriend.

"Well, sinabing topless, hindi ko alam na talagang totoong topless.

"Sa trailer ko nga nakita," banggit ni Dingdong.

Ano ang naging reaksyon niya rito?

"Well, alam ko naman na siyempre, TV ’yan, tsaka ginawa na naman niya dati sa Dyesebel ’yan, e.

"At ang pagkakaiba lang dun sa Dyesebel, nandun ako, di ba? Bantay!" ang natatawang sinabi ni Dingdong.

"Pero ngayon, at least andiyan yung mga taong pinagkakatiwalaan namin, like si Direk Mac [Alejandre, Amaya director].

"So, wala naman akong dapat ipag-alala."

FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg">


FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg"> FHM poll" data-url="https://www.pep.ph/news/29517/dingdong-dantes-defends-marian-rivera-against-batukan-issue-involving-manny-pacquiao-says-he39s-will" data-desc="Dingdong reveals what he will miss most about I ♥ You Pare. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/fc40b64e1.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN