Beth Tamayo returns to showbiz via indie film being shot in San Francisco

Actress Beth Tamayo is currently shooting an indie film in San Francisco with comedienne Pokwang and director John-D Lazatin.


Matapos ang kontrobersiyal na pagkakadawit ng pangalan niya sa Filipinong na-lethal injection sa China na si Elizabeth Batain, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Beth Tamayo sa pamamagitan ng BlackBerry messaging kaninang umaga, May 20.

Matatandaang bigla na lang nawala sa sirkulasyon si Beth two years ago sa hindi malinaw na kadahilanan.

Ang balita ay nangibang-bansa ito kasama ang mister niyang si Johnny Wong, pero nagkahiwalay na ang dalawa.

Sa pakikipag-usap niya sa PEP, masayang ibinalita ni Beth na magbabalik-showbiz siya sa pamamagitan ng isang indie movie na ginawa niya sa U.S.

Nagsimula na raw nilang kunan ang pelikula sa San Francisco noong nakaraang buwan ng Abril.

Ang kasama ni Beth sa pelikula ay ang komedyanang si Pokwang.

Ayaw pang magbigay ng detalye ni Beth tungkol sa story, pero sinisiguro niya na magugustuhan ito ng mga manonood.

Ang direktor ng pelikula ay si John-D Lazatin, na naka-base sa San Francisco.

"Kaya rin tinanggap ko yung movie, para makita at maka-bonding ko siya," sabi ni Beth tungkol sa kanyang direktor.

Nagkatrabaho na noon ang dalawa sa ilang proyekto sa ABS-CBN.

Ang The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN daw ang magpo-produce ng naturang indie movie, at si Shane Sarte naman ang cinematographer.

"Ito na yata ang comeback ko sa showbiz, na na-miss ko nang bongga!" sambit pa ni Beth.

Wala pang tiyak na playdate ang pelikula at kung saan ito mismo ipalalabas—kung sa Pilipinas lamang o kung magkakaroon ng special screening sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN