Cherry Pie Picache says acting recognitions do not compensate for past hurts

"Hindi ko minemenos yung importansiya at halaga ng trabaho sa akin. Pero more than the work, the success, the achievement, ang mas ipinagdarasal mo...yung buhay, e, hindi ba? Yung araw-araw na totoong buhay mo. So if there’s anything that compensates, let’s say, the hurts, the frustrations...yung ganyan, that I have in my life... The thing that compensates is my being a mother," says Cherry Pie Picache.


After five months, muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie Picache.

Naganap ang interview namin sa aktres noong Martes ng gabi, May 17, sa lobby coffee shop ng Marriott Hotel sa Pasay City.

Ito’y matapos ang seremonyas para sa 34th Gawad Urian Awards sa hotel ballroom.

Kasamang pinarangalan si Cherry Pie bilang Aktres ng Dekada (The Decade’s Best Actors) para sa kanyang "outstanding body or work"—kabilang dito ang ilang nominasyon at dalawang naipanalong Urian best actress awards para sa Bridal Shower (2003) ni Jeffrey Jeturian at Foster Child (2007) ni Brillante Mendoza.

As actress and supporter of the Philippine independent cinema movement, it goes without saying, mahalaga para kay Cherry Pie ang latest recognition niyang ito mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

"Oo naman," nakangiti niyang pagsang-ayon.

"Pero memorable sa akin yung first [Urian award]... Kasi, bago ako nakakuha ng una, mga limang taon akong nano-nominate.

"Na-nominate ako in 1994 sa Makati Ave., tapos medyo sunud-sunod yung nominations, tapos hindi ako nananalo lagi."

In between those years, from 1994 to 2004, na-nominate din si Cherry Pie sa taunang Gawad Urian para sa mga pelikulang Abot-Kamay ang Pangarap (1996) ni Carlos Siguion-Reyna, Burlesk King (1996) ni Mel Chionglo, at American Adobo (2002) ni Laurice Guillen.

After 2004, matapos niyang manalo para sa Jeturian film, na-nominate din si Cherry Pie sa Kaleldo (2006) and won her second Urian, as lead performer, also for Brillante Mendoza’s Foster Child.

The latter film was exhibited as entry at the Director’s Fortnight at the Cannes International Filmfest in 2007.

Para sa Kaleldo at Foster Child ay nagtamo rin ng international acting awards si Cherry Pie. Kabilang na ang Durban Filmfest at Osian Cinefan in New Delhi, India.

"Memorable...oo, sweet [victory]," paglalarawan pa ng aktres sa damdamin ng isang multi-awardee.

"Then, when you were starting, at that time, [like in my case], di ba? Pansarili, e," aniya pa, as she talks of the fulfillment in winning awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ito," she noted, referring to her just won Decade’s Best Actor Award, "pang-industriya. Kaya meaningful."

Sa mahaba niyang "thank you" speech earlier that evening, mayroon pa siyang gustong idagdag na mahalagang mensahe, na hindi nasabi ni Cherry Pie.

"... And this recognition also comes with the prayer, and the hope na mas lalong magiging hitik, mas mayaman, mas punung-puno ang susunod na dekada.

"Maganda yung ’sa susunod na dekada’, di ba? E, wala na, naudlot na!" natawa si Pie nang maalaala ang onstage biruan nila ng presenter na si Eugene Domingo that really brought the house down.

Then, seriously, the actress intoned, "[Pero] nakikita ko, yung mga tao, parang nahahabaan na sila [sa awards ceremony]."

Sa sinabi ng mommy ay nagbigay ng simpleng pagsang-ayon ang nine-year old son ni Cherry Pie, si Jose Anton, whom she tagged along sa mahalagang okasyon.

"Lahat naman, nahahabaan," amusing na komento ng bata.

GIFT OF CRAFT. But many agreed, among the awardees present at the Gawad Urian ceremonies, Cherry Pie delivered one of the most sincere and meaningful "thank you" speeches onstage.

"I’d like to thank the Lord for the gift of craft that He gave me," she said, first and foremost.

"A, sa Panginoong Diyos, maraming-maraming salamat!

"Sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino...this is a recognition that I will really treasure.

"Buong buhay [ko], maraming-maraming salamat talaga sa pagkilalang ibinigay ninyo, this Dekada award.

"Naalala ko noong nagsisimula ako. Pangarap ko nang magkaroon ng Urian award.

"Ngayon, hindi ko talaga inaasahan na... Yung iba, ang tagal-tagal naghihintay.

"Tapos, ngayon, meron na akong Dekada award. So, maraming-maraming salamat.

"As much as I would like to thank all the people na naging instrumental, since I started my career...siyempre, hindi imposible.

"Pero, alam n’yo at kilala n’yo kung sino kayo. You know that I will always be grateful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming-maraming salamat."

DIRECTOR-MENTORS. Patuloy pa ni Cherry Pie, "Allow me to thank, specifically, some people.

"Unang-una, sa mga direktor ko na nagturo sa akin ng maraming leksiyon, at ginabayan ako nung nagsisimula pa lang ako. Na hanggang ngayon ay ginagamit ko.

"Sina Direk Joey Reyes, Joel Lamangan (Mila), Chito Roño (Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?), Maryo J. de los Reyes (Magnifico), Peque Gallaga (Puso Ng Pasko and Baby Love), Laurice Guillen, at maraming-marami pang iba.

"Maraming-maraming salamat.

"Nais ko ring pasalamatan si Jeffrey Jeturian, of course, ang unang-unang nagbigay sa akin ng Gawad Urian award, for Bridal Shower [2003].

"Si Dante Mendoza, of course. Ang pangalawang nagbigay sa akin ng Gawad Urian sa Foster Child... salamat, Ate..." pag-acknowledge din ng masayahin at palakaibigang aktres kay Direk Brillante, who was on the front row seat.

Biro naman ni Ed Instrella sa kanyang actress-talent, when we were having midnight snack at the hotel lobby coffee shop, "Ewan ko lang kung batiin ka pa ni Dante, pagkatapos mo siyang tawaging ’ate!’"

Nagulat si Cherry Pie upon realizing what she also knew she had said, in jest, at bilang natural na pagbati sa kaibigang direktor.

"E, ’di ba, ganun naman tayo? ’Ate’!" repeated Pie, and added, "naka-hazel contact lens naman siya [Brillante], e."

Pinasalamatan din ni Cherry Pie ang mga manunulat, o mandudulang-pampelikula na malaki ang naging bahagi sa pagiging epektibo niyang aktres.

"Ang mga writers...si Bing Lao, Chris Martinez [screenwriter of Bridal Shower], si Joel [Ralston] Jover [of Foster Child], Ricky Lee, at marami pang iba.

"Sa lahat ng writers...kasi sa kanila naman talaga nagsisimula ang materyal at treatment ng pelikula.

At ang mga studio bosses niya, sa ABS-CBN, na bilang "mainstream" television actress ay mahalaga ang kontribusyon sa propesyon ni Cherry Pie, tulad nina Deo Endrinal at Cory Vidanes.

"And the rest of the team...thank you for your continued support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil sa inyo, nakakagawa ako ng mga independent films.

"Maraming-maraming salamat sa Kapamilya!"

"NEVER SAY DIE". "Sa lahat ng press, film lovers at sa mga independent filmmakers —I call them the never-say-die warriors!" banggit din ni Cherry Pie.

"Maraming salamat, lalo na sa mga pagkakataong ibinibigay n’yo sa mga aktor na katulad namin.

"Kay Adolf Alix, maraming salamat," banggit ng aktres sa direktor ng bagong indie film niyang Isda.

"Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, in and out of showbiz, katulad ni Ms. Eugene Domingo, who keeps me sane...salamat!

"Of course, kay Kuya Ed Instrella, maraming salamat."

FOR SON, ANTON. Gaya ng nabanggit, kasama ni Cherry Pie sa awards night ng Manunuri ang kanyang nine-year-old son na si Jose Anton. Naka-formal barong ito at katabi ng aktres sa front row seat.

"Allow me to dedicate this award to my one and only son... Anak, para sa iyo, for your understanding, for your support, and your love.

"I know that you ought to get mad everytime Mama works [overtime]. Thank you so much.

"I always think that you always have that frown I hope this time I make you proud.

"Thank you. Maraming-maraming salamat. Magandang gabi," pagtatapos ng speech ni Cherry Pie.

PAST HURTS. It was past midnight, nearing 2 a.m., nang matapos ang informal chat namin with Cherry Pie and her group.

Before we parted, PEP asked Cherry Pie: Ang happiness ba niya ngayon sa propesyon, or as an accomplished actress, ay nagku-compensate somehow sa mga sakit ng damdamin at iba pang personal na kabiguan niya in the past?

Matamang nag-isip ang aktres, at sumagot ng: "Honestly, hindi.

"You know, I always say that God is good and God knows how to balance things, di ba? Na siguro, may mga ibinibigay, at may hindi ibinibigay...

"Alam Niya ’yon, na nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings—yung success, achivements—na nakakamit ko sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko minemenos yung importansiya at halaga ng trabaho sa akin.

"Pero more than the work, the success, the achievement, ang mas ipinagdarasal mo...yung buhay, e, hindi ba? Yung araw-araw na totoong buhay mo.

"So if there’s anything that compensates, let’s say, the hurts, the frustrations...yung ganyan, that I have in my life... The thing that compensates is my being a mother.

"Kasi lahat, ipagpapalit mo, di ba? Kung dahil lang sa ano..." she paused for a while.

As in, kung dahil lang sa mga nagpapasama ng loob niya, tulad ng controversy na kinakasangkutan?

On this, Cherry Pie’s manager earlier said the actress still wouldn’t want to talk about the incident with Baron Geisler, lalo’t ang naging pananahimik ng aktres ay bilang pagsasaalang-alang sa kanyang anak na kasama pa niya gabing ’yon.

"Honestly, yun ang nakaka-frustrate talaga," sabi ni Cherry Pie.

"Parang, sige na lang...kung may mga sakit, ang lagi kong ipinagpapasalamat, at least may anak ako na mahal ko. Yun ang nakakabawi.

"Ito," she pointed to her acting trophy, "bonus na lang. Bonus na lang. Pagbabalik na lang din sa regalong ibinigay Niya.

"Kasi, lahat naman ito din, wala, kung wala yung gift of craft na bigay Niya.

"Tapos, siguro yung gift of craft na ibinigay Niya sa akin, yun ang instrumentong ibinibigay Niya para mabigyan ko ng magandang buhay yung anak ko.

"Ng magandang buhay yung mga tao sa paligid ko, sa pamilya ko," sambit din ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN