(UPDATED) Luis Manzano finally admits dating Jennylyn Mercado; shares views on intimate relationships

"In this industry kasi, anything you say or do could be misconstrued. Anything, kahit anong statement mo, kahit napakaganda ng intensiyon ng sinabi mo, puwedeng baligtarin ’yan. So, mas maganda na wala ka na lang masabi," says Luis Manzano.


Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik, inamin na ng TV host-actor na si Luis Manzano na "exclusively dating" sila ng actress-singer na si Jennylyn Mercado.

Ginawa ni Luis ang pag-amin sa weekly showbiz talk show ng ABS-CBN na Entertainment Live kaninang hapon, May 21. Isa sa mga host ng programa si Luis.

Ayon kay Luis, nagdesisyon siyang umamin para matigil na raw ang paratang na ginagamit lang siya ng kampo ni Jennylyn para pag-usapan.

Naipakilala na rin daw ni Luis si Jennylyn sa kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos.

Boto at gusto naman daw ng Star for All Seasons si Jennylyn para sa panganay na anak.

BORACAY SIGHTING. Pero bago ang pag-amin na ito ni Luis ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong isang linggo.

Dito ay wala siyang anumang inamin ngunit nagpahiwatig siyang may namamagitan nga sa kanila nil Jennylyn.

Narito ang naturang interview:

May lumabas na balita na sumunod daw si Luis kay Jennylyn sa Boracay noong Holy Week.

Dito sinasabing nagsimula ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Pero itinanggi ito ni Luis nang makausap siya ng PEP sa studio ng ASAP Rocks noong Linggo, May 15.

"Wala ako sa Boracay nung Holy Week, nasa Batangas ako," sabi niya.

"Week after Holy Week ako nag-Boracay.

"Nauna akong pumunta dun, ang Myx ang nagpadala sa akin.

"Sumunod sila Iya, Nikki," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang Myx hosts na sina Iya Villania at Nikki Gil.

IT’S NOT ABOUT THE TIMING. Base sa obserbasyon ng ilang showbiz insiders, tila timely ang nangyayari dahil kung kailan putok na putok ang balita tungkol kina Angel Locsin at Phil Younghusband, saka naman lumabas ang isyu kina Luis at Jennylyn.

Sina Angel at Luis ay dating magkasintahan.

May kinalaman ba ang "timing" sa pagkakaroon ng panibagong relasyon?

"For me, in general, timing has nothing to do with other people," sagot ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Timing is your time, to other’s person’s time and God’s time.

"Don’t let any other aspects influence you kasi hindi nila oras yun.

"At the same time, hindi nila buhay yun.

"So, oras mo, oras ng nagpapasaya sa iyo, at oras ng Diyos para sa iyo."

KEEPING QUIET. Marami ang nakakapansin na tikom na ang bibig ni Luis sa usaping lovelife pagtungtong pa lang ng 2011.

Bagay na ayon sa aktor ay nakikita niyang mas maganda ang ibinubunga at kinapupuntahan.

"Sabi ko naman, for the past eight years sa industriya, I’ve been very, very vocal...

"Kumbaga, in life, there’s nothing wrong sa panibagong atake sa buhay.

"Sa akin naman, if it doesn’t work for me, ako ang unang magsasalita sa mga bagay-bagay.

"Pero so far, with everything going, sa path na pinili kong tumahimik sa mga bagay, e, happy ako.

"Mas happy ako dahil alam ko ang tinira ko sa sarili ko.

"I can say na mas kumportbale talaga sa akin.

"In this industry kasi, anything you say or do could be misconstrued.

"Anything, kahit anong statement mo, kahit napakaganda ng intensiyon ng sinabi mo, puwedeng baligtarin ’yan.

"So, mas maganda na wala ka na lang masabi," mahabang paliwanag niya.

Hindi naman kaya ang dahilan ni Luis ay para ingatan lang na hindi madawit ang taong importante para sa kanya?

"For anyone siguro, kahit hindi lang sa akin, it’s applicable na kung may espesyal na tao sa iyo, talagang ilalayo mo sa gulo o kapahamakan," sagot niya.

PAST IS PAST. Hindi ba importante sa kanya ang past ng isang tao, at paano kung mangyari na ang babaeng pipiliin niyang mahalin ay may anak pala sa pagkadalaga?

"Hindi importante," mabilis na sabi ni Luis.

"That’s very unfair to look at one’s past, everyone deserves a fresh start.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ano lang ’yan, e... Pag nakulong ba ang isang tao, ibig sabihin hindi na siya puwedeng magbago o bumait?

"The moment na masyado kang mag-stereotype ng tao, napaka-judgmental mo naman.

"Lahat tayo may nagawang mali. Sabi nga nila, ’He who has no sin shall cast the first stone.’

"Kung may someone na may perfect past, kakamayan ko."

Dagdag ni Luis: "Sa argument na may anak, ang argument ko sa tao, e, di sana hinusgahan na rin ang mommy ko nung pumasok si Tito Ralph sa buhay niya?"

Ang ina ni Luis ay ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos, na pinakasalan ni Senator Ralph Recto pagkatapos makipaghiwalay ng aktres sa ama ni Luis na si Edu Manzano.

"Ang sa akin lang," patuloy ni Luis, "kung yun ang justification, bakit nila mahuhusgahan ang mommy ko?

"E, nung pumasok si Tito Ralph sa buhay ng mommy ko, nandun na ako.

"So, ano ako, pabigat?"

Nangangahulugan ba ito na wala talaga siyang yardstick o pamantayan na sinusunod sa babaeng mamahalin?

"It’s very unfair na you would have to have your partner fit a mold.

"Dahil ibig sabihin nun, ikaw din dapat mag-fit sa mold ng partner mo.

"Kumbaga, everything is about compromise.

"Napaka-unfair to expect a perfect person.

"Ako ang magsasabi na napakalayo ko sa pagiging perpekto and it’s never gonna happen.

"So, it’s very unfair for me to judge or to have a mold, then expect ko rin na ganun yung akin.

"Pag tinamaan ka, tinamaan ka. Pag hindi, hindi," saad niya.

Paano kung ayawan ito ng pamilya niya, o maging ng mga taong nagpapahalaga sa kanya?

"Unang-una, alam kong hindi sila makikialam," sabi ni Luis.

"At kung makikialam man sila, they know me, they trust my judgment.

"Definitely, pag usapang pagmamahal, kahit na sino pa ’yan, ipaglalaban ko ’yan—basta naman tama ang pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not necessarily nasa tama ako, nasa tama ang pagmamahal."

OPEN TO A NEW RELATIONSHIP. Sa binitawang salita na ito ni Luis, nangangahulugan bang bukas na siya sa panibagong relasyon?

"Sabi ko nga, love comes like a thief in the night.

"Magugulat ka na, ’Aba, tumitibok uli ito!’

"That’s one thing about love—it never fails to surprise us and that’s what makes it suprising."

Maaamin ba niya na may nagpapasaya sa kanya ngayon?

"I’m very, very happy, iwan na natin dun," nakakabiting tugon ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN