Dennis Trillo on Jennylyn Mercado’s revelation in YES!: "Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin. Pero tapos na yun."

Is Dennis Trillo’s split from Jennylyn Mercado his most painful breakup? He answers: "Hindi ko alam... Hindi ko lang in-expect na ganun ka-public, na big deal ang isang pangyayari na normal din namang nangyayari sa mga ordinaryong tao... Nagulat lang ako kung bakit kailangan pang lumaki ang mga ganung bagay."


Nakiusap si Dennis Trillo na kung maari’y tapusin na ang isyung breakup nila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa story conference ng bagong afternoon soap ng GMA 7 na Sentensyada kahapon, May 20, tipid ang mga sagot ng aktor pagdating sa isyung hiwalayan nila ni Jennylyn.

"Wala na. Hindi na kailangan.

"Para matapos na, huwag nang pag-usapan.

"Tama na. Matagal na.

"Sa totoo lang, ayoko nang pag-usapan kasi tapos na, e," sabi ni Dennis, na halatang asiwa kapag tungkol na sa breakup nila ni Jennylyn ang tinatanong.

Sinundan namin ng tanong tungkol sa tell-all interview ni Jennylyn sa June 2011 issue ng YES! magazine, lalo na sa isyung bugbugan. (CLICK HERE to read related story.)

Nung na-interview namin si Dennis ay hindi pa namin nabasa ang kabuuan ng interview ng YES! kay Jennylyn.

"Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin. Pero tapos na yun," pakli ni Dennis.

MOST PAINFUL BREAKUP. Sa nakaraang concert ni Jennylyn sa Zirkoh, inamin ng singer-actress na itong breakup nila ni Dennis ang pinakamasakit para sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Hiningan namin ng reaksiyon ang aktor kung ito rin ba ang pinakamasakit na breakup para sa kanya.

Matagal na nag-isip ang aktor bago ito nakasagot.

"Hindi ko alam," medyo nag-aalangan pa niyang sagot sa amin.

"Hindi ko lang in-expect na ganun ka-public, na big deal ang isang pangyayari na normal din namang nangyayari sa mga ordinaryong tao.

"Nagulat lang ako kung bakit kailangan pang lumaki ang mga ganung bagay.

"Siyempre ang relasyon naman namin, hindi lang naman puro problema.

"Marami rin namang mga magandang nangyari, at siyempre hindi ko makakalimutan yung mga masasayang times namin," pahayag ni Dennis.

FOCUS ON WORK. Sa ngayon ay gusto na muna ng aktor na mag-focus sa kanyang pamilya, sa kanyang anak, at sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo na’t may bago siyang drama series na pagsasamahan nila nina Bianca King, Polo Ravales, at Alessandra de Rossi.

Ayaw raw muna niyang pumasok sa panibagong relasyon o kahit makipag-date man lang.

"Hindi muna siguro, medyo fresh pa yun," sabi ng actor.

"Ako, nag-e-enjoy lang at nagtatrabaho.

"Ngayon, sobrang dami kong ginagawa.

"Feeling ko, wala pa akong time para pumunta sa isang seryosong relasyon."

Itinanggi rin ni Dennis ang lumabas na isyung namataan siyang may ka-date na miyembro ng isang banda sa isang bar.

"Wala yun. Kung ano man yun, hindi date yun, siguro nagkita lang.

"Wala pa talaga akong nakakasama na lumabas," sabi niya.

BIRTHDAY GREETING. Bahagi na rin ng pag-move on ay binati nga raw ni Dennis si Jennylyn nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan noong May 15.

Hindi raw siya sinagot ni Jennylyn, pero ang mahalaga ay nabati raw niya ito.

Noong nag-celebrate naman siya ng kanyang kaarawan noong nakaraang May 12, hindi raw niya maalalang binati siya ng dating kasintahan.

Ayon kay Dennis, "Hindi naman importante kung bumati o ano. Basta ako, importante, nakaalala, bumati.

"Kung hindi man bumati o mag-reply, okay lang sa akin kasi hindi naman ako bumati para batiin din naman niya ako.

"E, kasi nag-text lang naman ako para yun lang — bumati."

BETTER THINGS TO TALK ABOUT. Muling binanggit ng aktor ang hiling na sana ay huwag na raw pahabain itong isyu nila ni Jennylyn dahil marami pang magagandang bagay na puwedeng pag-usapan kesa sa mapait nilang nakaraan.

Ani Dennis, "Dapat lang naman hindi na patagalin ang ganun, e.

"Kasi napakaiksi lang ng buhay para pagtuunan ng pansin ang mga masasama na nangyayari sa buhay natin sa araw-araw, di ba?

"So, mas maganda siguro, imbes na ibaling mo dun ang atensyon mo, mas maganda na mag-move on ka at huwag nang isipin ang mga nakaraan dahil tapos na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isipin mo na lang ang natutunan mo dun at i-apply mo sa mga susunod pang araw."

Nang huling nakausap ng PEP ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, nagpapasalamat itong nailabas na ni Jennylyn sa YES! ang lahat na mga kinikimkim nito kaugnay sa hiwalayan nila ni Dennis.

Nakikita raw niyang masaya na si Jennylyn, nakapag-move on na, at naka-focus na ito sa kanyang sarili at sa pamilya lalo na sa kanyang anak.

Nag-e-entertain na rin daw si Jennylyn ng mga gustong manligaw, pero mas priority daw ng kanyang alaga ang magtrabaho at mag-training ng Jujitsu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN