Sharon Cuneta says her busy schedule prevented her from going for regular weight treatment

"It does help when you cut down on your food intake. It’s a challenge for me. I’d rather do it slow. Slowly but surely this time. Kasi, I ruined my metabolism when I went on those crash diets before," says Sharon Cuneta about her postponed weight treatment with a bodyline clinic.


Excited na si Sharon Cuneta sa nalalapit niyang Mega Up Close concert sa America itong darating na Hunyo.

Natutuwa siya dahil pagkakataon din daw ito upang maka-bonding niya ang grand winner ng dati niyang singing talent-search program na Star Power, si Angeline Quinto.

"She’s very excited!" sabi ni Sharon. "I’m very excited kasi first time din niyang pumunta ng America."

Kitang-kita kung gaano naging malapit si Sharon sa mga naging finalists ng Star Power dahil lubos siyang natuwa nang makita niya sina Angeline, Akiko Solon, Krissel Valdez, K-La Rivera, at Monica Sakay sa cooking demonstrations niya para sa American Heritage. Ito ay ginanap sa SM Megamall Atrium, Mandaluyong City, noong Sabado, May 21.

"Matagal na kasi kaming hindi nagkita," pahayag ni Sharon. "Kasi, after the contest, yung nanalo, si Angeline, ang nakikita ko na lang... I saw them once noong nag-guest sila sa The Sharon Cuneta Specials.

"After a while, kanya-kanya na sila. Lahat sila mayroon ng mga TV series at musical careers."

Nagpasalamat din si Sharon dahil may pinagkakaabalahan na ang bawat isa ngayon.

Aniya, "I’m very happy that I’ve been given the blessing na maging part ng journey ng isa sa kanila.

"At saka para maging instrumento ang Star Power para sa mga batang ito. So, I’m very proud and very happy for them."

THE BIGGEST LOSER PINOY EDITION. Samantala, hindi naman daw siya magtatagal sa Amerika dahil kailangan siya sa nalalapit na bagong reality show ng ABS-CBN, ang The Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan siya ang main host.

"I can’t be gone very long because of The Biggest Loser. We have weekly weigh-ins, e, so hindi pwede i-advance ’yon," natatawang sinabi ni Sharon.

Sa ngayon, nasa ika-anim na linggo na ang nakukunan para sa The Biggest Loser. Sa maiksing panahong ito, inamin ni Sharon na naging malapit na siya sa mga participants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakaroon ka talaga ng relationship with them. And it’s a very personal thing, e, ’tapos sila ang kasama ko. Ako yung parang nagfa-facilitate ng weigh-ins nila.

At bilang host, sinabi ni Sharon, "It’s a difficult job. That’s also nice kasi nakakataba ng puso. Physical yung taba, pero yung puso, nakikita ko na nagsa-succeed sila."

"I NEED TO GO BACK TO MY TREATMENT." Kasabay ng kanyang pagho-host ng The Biggest Loser, magiging seryoso na rin umano si Sharon sa kanyang dapat sana’y regular treatment sa Marie France Bodyline. (CLICK HERE to read related article)

Aminado siya na bukod sa pagbabawas ng pagkain, naka-depende din siya sa treatment na gagawin sa kanya ng bodyline clinic.

"It is entirely my fault. I’m always busy," sabi ni Sharon. "I’ve just come back from traveling and I have not had the time to sit for my treatment, to go to Marie France Center. I’m going back next week."

Nabanggit pa niya na mas gugustuhin na niyang maging mabagal ang pagbaba ng timbang niya basta sigurado, kaysa puro crash diet.

Ani Sharon, "It does help when you cut down on your food intake. It’s a challenge for me. I’d rather do it slow. Slowly but surely this time.

"Kasi, I ruined my metabolism when I went on those crash diets before. So now, it’s very important that I have Marie France.

"I’m not just saying it, ha. It’s really for me kasi I’m the type who doesn’t really like to move so much. I’d rather sleep, di ba? Kasi, pati sleep ko ay kulang."

Gayunman, nilinaw ni Sharon na hindi siya nagpapapayat para lamang sa kanyang pagho-host sa The Biggest Loser.

Sabi ni Sharon, "I really want to lose weight and I really want to do it a little faster than usual. But everybody who goes to Marie France, if not to maintain her figure, is going to want to lose weight. So, I’m just kind of helping myself along especially since I haven’t been able to go for my treatment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN