Dingdong Dantes slated to do two horror movies this year; reveals his stand on RH Bill

Dingdong Dantes will take a very short break after I ♥ You Pare, then he will start working on two horror movies that will pair him with Lovi Poe and Kris Aquino.


Final week na ng romantic-comedy series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.

Last Friday, May 20, nagkaroon ng thanksgiving Mass sa 17th floor ng GMA Network Center na dinaluhan ng staff at cast ng show.

Pagkatapos ng Misa ay nagkaroon naman ng press conference para sa pagtatapos ng I ♥ You Pare.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang male lead ng serye na si Dingdong Dantes.

Nang tanungin kung ano ang ma-e-expect ng mga tao sa huling linggo ng I ♥ You Pare, nagbiro si Dingdong at sinabing, "Well, alamin nila kung ano talaga ang tunay na kasarian ni Kenneth!"

Si Kenneth ang character na ginagampanan ni Dingdong.

Pero sa seryosong usapan, ayon kay Dingdong, "breather" para sa kanya ang role niya sa I ♥ You Pare compared sa lahat ng dramatic roles na ginampanan niya noon.

Dagdag pa niya, "Hindi lang siya breather, I can say na pinakamasaya in the sense na masaya kasi yung scope ng material at na-translate siya mula noong umpisa hanggang dulo.

"Talagang makulay, masaya... everything."

Mami-miss nga raw ni Dingdong ang show.

"Mami-miss ko lahat, e. Particularly yung Club Love kunsaan parang isinabuhay ko na yung pagiging manager do’n dahil halos doon na ako tumira.

"Simula noong mag-start ako ng November, parang may sarili na akong lungga do’n.

"So, talagang nakaka-miss everything about it. Especially yung mga drag queens.

"Mukhang hahanap-hanapin ko sila kung saan sila pupunta!

"Talagang magagaling silang mag-perform, especially first time nila, pero ang galing!

"At saka lahat ng cast, sobrang ang huhusay talaga."

Ayon kay Dingdong, kahit kinailangang palitan ni Iza Calzado si Regine Velasquez-Alcasid sa role nito bilang Tonya/Tonette, tinapos nila ang I ♥ You Pare sa takdang panahon.

"So, walang pinaigsing istorya. Walang pinahaba. Tamang-tama lang.

"In fact, pati yung transition ni Regine kay Iza was very smooth. Parang hindi mo halata na pinilit talaga na may nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually, di ba, parang may nag-iiba sa istorya? Pero we went on. We stuck to the original plan.

"Doon pa lang, kitang-kita na walang hassle na nangyayari.

"Ganun talaga. It’s really designed to be this long," saad niya.

On the other hand, hindi na raw sila nagkaroon ng chance na magkausap ni Regine mula nang palitan siya ni Iza sa show.

"Pero bago yung desisyon niya, nag-usap kami. Pero noong after, hindi na.

"Siyempre, alam ko naman na yun na ang panahon para makapagpahinga siya," sabi ni Dingdong.

RECHARGING. Magtatapos man ngayong linggo ang I ♥ You Pare, hindi naman ito nangangahulugan na mababakante na sa trabaho si Dingdong. Mas magiging sobrang busy pa nga siya ngayong papasok ang June at July.

"Oo, pero kailangan kong mag-recharge," sambit niya.

Anong idea niya para makapag-recharge?

"Dito lang ako. I don’t have plans to go out.

"Siguro relax lang. Manood ng sine, mag-swimming."

Nangangahulugan ba na hindi niya makakasama ang girlfriend niyang si Marian Rivera sa pagre-relax dahil busy naman ang aktres ngayon sa pagte-taping ng Amaya?

"Oo, e, kasi busy siya," pagkumpirma ni Dingdong. "Pero ganoon talaga.

"Nakaipon naman kami ng bakasyon sa mga nakaraang araw, okay naman yun."

TWO HORROR FILMS. Dalawang horror films ang nakatakdang gawin ni Dingdong this year.

Ang una ay may tentative title na Aswang, na comeback movie ng direktor na si Erik Matti. Co-producer din si Dingdong sa pelikulang ito.

Ang pangalawa naman ay ang horror film na iko-co-produce at pagsasamahan nila ni Kris Aquino.

Ayon kay Dingdong, malaki ang difference ng dalawang horror films na gagawin niya.

"The other one [Aswang] is not for this year.

"It’s high in CG, in computer graphics. One of the firsts in the Philippines.

"From start to end ang computer graphics niya. So, kakaibang breakthrough yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Story-wise, set-wise, at saka collaboration with other professionals from different countries."

Si Lovi Poe ang nababanggit na makakapareha ni Dingdong sa Aswang. Sure na ba yun?

"Hindi pa kami nag-usap personally ni Lovi. Pero sa pagkakaalam ko, sa ngayon, oo.

"Pero siyempre, alam n’yo naman ang mga shooting, hangga’t rumorolyo at hindi pa ipinapalabas, maaaring magkaroon ng pagbabago.

"Pero sana, sana siya na," asam ng aktor.

Personal choice ba niya si Lovi?

"Yes, because I believe na bagay na bagay siya sa character at malalaman n’yo rin kung bakit."

Ano naman ang development sa pelikula ni Kris?

"Well, magmula noong usap namin dati, masasabi ko na nag-level up na kami and things are very complete now. So, yun.

"But at this point, that’s all I can say with regards to the film.

"Naka-identify na kami ng isang istorya na sa tingin namin ay babagay sa panahon kung kailan siya ipapalabas, bagay sa aming dalawa, at naaakma sa current issues in society."

They are hoping na makapasok sa 2011 Metro Manila Film Festival ang pelikula.

Hindi pa rin masagot ni Dingdong kung sila lang ba ni Kris ang magpo-produce, o iko-co-produce din ito ng Star Cinema o GMA Films.

"Basta sa ngayon, importante na buuin muna namin yung sa aming dalawa.

"From there, we’ll see kung ano ang puwedeng mangyari. Marami ang puwedeng mangyari.

"Ang importante, secured ang istorya at secured kaming dalawa na kami ang gagaganap.

"Sa ngayon, yun muna ang pinakaimportante," sabi niya.

Bukod sa dalawang horror films na isu-shoot ni Dingdong, may natitira pa siyang mga eksena sa international indie film na Dance of the Steel Bars with Hollywood actor Patrick Bergin.

Babalik si Dingdong sa Cebu next month para sa shooting nito.

Pagdating naman sa susunod niyang primetime series sa GMA-7 pagkatapos ng I ♥ You Pare, ayaw pang magbigay ng anumang detalye ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang balita namin ay posibleng sa last quarter ng taong ito ipalalabas.

RH BILL DEBATE. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung ano ang stand niya sa controversial Reproductive Health Bill o RH Bill na pinagdedebatehan ngayon.

"I’m pro. I’m pro," tahasan niyang sagot.

Bakit ganito ang stand niya?

"Maraming reasons. Pero siguro in a nutshell, I’m really more on educating people kung ano talaga ang nangyayari sa katawan ng tao.

"Kasi siguro, specifically, hindi pa siguro naiintindihan ng lahat kung ano talaga ang laman ng bill na yun.

"And kahit naman ako, kung hindi ko alam ang laman no’n, generally, I know, reproductive health is at par with responsible parenthood.

"But definitely, I’m anti-abortion."

Ano ang reaksiyon ni Dingdong sa apela ng ilan na kapag naipasa daw kasi ang RH bill, baka abusuhin ito lalo na ng nakikipag-sex outside marriage?

"Kaya nga responsible parenthood," diin niya.

"Pero kaya nga either meron ’yan or wala, hindi naman natin alam kung ginagawa.

"It shouldn’t take a law para mabago ang isang konsensiya or moral ng isang tao.

"Kung malinis ang moralidad niya, to begin with, ganoong klaseng tao dapat siya."

Dingdong is a Catholic.

"I am. I have different beliefs naman.

"Solid Roman Catholic ako. Pina-practice ko naman ’yan.

"Pero siyempre, kapag mga ganitong klaseng isyu, siyempre, we evolve.

"Pero siyempre, kailangang ma-retain pa rin ang pinaka-core essence ng pagiging Catholic mo."

YES PINOY FOUNDATION. Pagdating naman sa kanyang foundation, ang Yes Pinoy Foundation, isang bagay ito na gaano man ka-busy ang aktor sa kanyang showbiz commitments ay hindi niya napapabayaan.

Ikinuwento nga ni Dingdong sa PEP ang recent activities ng Yes Pinoy Foundation.

"Noong isang araw lang, nasa Cainta kami because we held a disaster preparedness seminar sa mga key areas, especially doon sa mga lugar na prone sa earthquake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang start ng Para-Paaralan. Siguro lampas 200 na ang naka-graduate sa amin simula nang mag-launch.

"Kasi seminar siya, e. Isang buong araw.

"We teach yung mga leaders do’n. Yung mga kabataan.

"Para pag-alis namin, sila na ang magtuturo sa community nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN