Jennylyn Mercado "lucky" to have Luis Manzano, but says she is not ready to enter into another relationship

"At least, kahit papaano, nasabi ko sa lahat ng tao, malalaman din ng mga nagtatanong at ng mga naghuhusga sa akin kung ano talaga yung totoo, kung ano talaga yung real score," says Jennylyn Mercado about her decision to do a tell-all with YES! magazine.


Hindi lamang special co-host kundi nasa sentro rin ng intriga si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central kahapon, May 22.

Sa one-on-one interview niya kay Pia Guanio, inilahad ni Jennylyn ang kanyang damdamin sa recent breakup nila ng actor na si Dennis Trillo—na nailathala sa tell-all interview niya sa YES! Magazine—at ang pagkakamabutihan nila ni Luis Manzano.

SAD SONGS. Unang inalam ni Pia kay Jennylyn kung bakit "personal and sad songs" ang karamihan ng kinanta sa kanyang birthday concert sa Zirkoh Tomas Morato noong May 7.

"Alam naman ng lahat na hindi pa rin... na fresh pa rin yung mga nangyari," sabi ng first StarStruck female winner, na ang tinutukoy ay ang breakup nga nila ni Dennis.

Paliwanag pa niya, "And yung mga songs na yun, e, parang part siya ng emotions ko, pinagsama-samang meaning ng emotions ko.

"So, iyon ay pinagsama-samang kanta na bumagay naman sa show, di ba?

"Kahit papaano, nakaka-relate ako, nakaka-relate yung audience ko na, ’Ay, oo nga!’ Di ba? [Kaya] medyo sad."

SUNSHINE AFTER THE RAIN. Pero kumusta na siya ngayon? Kung noong birthday concert niya ay medyo naging melancholic siya, ngayon ba ay meron ng happiness?

"Of course, parati naman, e, parati namang sa lahat ng mga bagyong dumadaan, parating may sunshine, e," sagot ni Jennylyn.

"Of course, nandiyan naman ang family ko, ang friends ko...

"And, of course, siyempre yung pagdadasal ko, talagang kay God nakakapit ako nang husto."

Ano ang naging highlight ng nakaraang taon para sa kanya?


"Past year for me... siguro yung... Well, madami akong naging mga kaibigan, madami akong mga natutunan, madami akong mistakes na nagawa.

"Pero madami akong natutunan dun sa mga mistakes na yun at hindi ko na kailangang ulitin.

"Iyon, maraming... na-realize ko na ang dami-dami palang nagmamahal sa akin."

Paano niya nagawang lampasan ang lahat ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay sa murang edad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon, sabi ko nga kanina, sa help ng aking family, ng manager ko, ng friends ko, ng mga nagmamahal sa akin, and God.

"Ng aking Prince Charming na si Jazz.

"Talagang dun ako kumakapit at dun ako mas lalong lumalakas."

Si Alex Jazz ang anak ni Jennylyn sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

THE YES! INTERVIEW. Pagkatapos nito ay napag-usapan naman nila ang tell-all interview ni Jennylyn sa June 2011 issue ng YES! magazine. (CLICK HERE to read related story.)

Sa 24-page article na ito ay idinetalye ng 24-year-old actress-singer ang heartaches at pains niya noon.

Tinanong ni Pia si Jennylyn kung ano ang naging "force" niya para isiwalat ang lahat ng ito sa isang interview.

"Sa tagal na panahon na hindi ako nagsalita at tahimik lang ako, sa lahat ng mga ’binabato sa akin na intriga, sa lahat ng mga tsismis, sa lahat ng mga hindi totoong mga sinasabi nila na masasama tungkol sa akin—napagod na rin ako.

"So, sabi ko, ’Tita Becky, I have to do something about it.’" Si Becky Aguila ang manager ni Jennylyn.

Pahayag pa ni Jennylyn, "Kailangan kong sabihin yung totoo para maintindihan nila kung ano talaga yung nangyari."

Bakit isinapubliko niya ang napaka-personal na detalye sa buhay niya?

"Kasi, maraming nagtatanong, maraming... nami-misinterpret nila.

"Maraming mga haka-haka, so mas maganda yung sabihin mo kung ano yung totoo.

"Kasi sa totoo, hindi ka magkakamali.

"Kahit pagbali-baliktarin mo, hindi ka magkakamali basta nagsasabi ka ng totoo."

Ano naman ang naging pakiramdam niya nang mailabas niya lahat ng kanyang saloobin?

"Siyempre, mas okay yung feeling, mas magaan," sagot ni Jennylyn.

"At least, kahit papaano, nasabi ko sa lahat ng tao, malalaman din ng mga nagtatanong at ng mga naghuhusga sa akin kung ano talaga yung totoo, kung ano talaga yung real score.

"So, ayun po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakaimportanteng ma-e-explain ni Jennylyn tungkol sa kanyang sarili?

"Kasi, ako yung... alam naman ng lahat ng tao na I’m very transparent.

"Yung emosyon ko, makikita nila ’yan.

"Malungkot ako, masaya ako, makikita nila. Kasi totoo ako, iyon ako.

"So, sana matanggap nila kung ano talaga ako."

Sa puntong ito ay nangingilid na ang luha ni Jennylyn.

Sabi ni Pia, nangangamba raw siya para kay Jennylyn dahil may mga isiniwalat siya sa kanyang interview sa YES! na maaaring magkaroon ng "adverse effects" lalo na sa ibang tao.

Hindi ba siya natatakot na baka balikan siya ng mga ito?

"A, no!" sagot ni Jennylyn.

"Kasi, di ba, katulad ng sinabi ko kanina, basta nagsasabi ka ng totoo, wala kang dapat ikatakot kasi tototo, e—iyon yung totoo."

RELATIONSHIP WITH PATRICK GARCIA. Kinumusta naman ni Pia kay Jennylyn ang relasyon nila ngayon ng ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia.

"Good friends," nakangiting sabi ni Jennylyn.

"Sinusubukan naming maging normal ang buhay namin para kay Jazz.

"Magkaroon ng mommy at daddy si Jazz, na kahit hindi kami magkasama.

"Gusto kong maipa-feel kay Jazz na kahit hindi kami magkasama ni Patrick, okay, okay yung family.

"Mahal siya ng mommy niya, mahal siya ng daddy niya, so..."

Dito ay muling naiyak si Jennylyn habang nagsasalita.

So things between her and Patrick haven’t been better?

"Hindi naman mangyayari lahat ng mga nangyari sa buhay namin kung hindi yun gusto ni God, e.

"So, siguro yun lang talaga yung mga dapat mangyari, at yun talaga yung nakaplanong mangyari ni God.

"So, tatanggapin ko kung ano yun, kung ano yung mga yun," sabi niya.

LESSONS LEARNED. Sa lahat ng mga pinagdaanan niya, ano ang mga lessons na natutunan niya?

"Siguro ang lesson na natutunan ko sa lahat ng mga pinagdaanan ko—iyong magtitira ka sa sarili mo, yung parati kang magtitira ng konti para sa sarili mo," umiiyak na pahayag ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na hindi lahat ibibigay mo.

"Tsaka huwag kang bibitiw kay God, talagang yung faith mo, kailangang nandun lang.

"Yung family mo, mahalin mo, kailangan nandiyan lang sila sa tabi mo, huwag mo silang kakalimutan.

"As long as wala kang tinatapakan na tao, gawin mo lahat ng gusto mo. As long as, di ba, totoo, as long as wala kang nasasaktan...

"Honesty... Para sa akin, honesty ang pinakaimportante, at prayers.

"Mahalin mo ang mga magulang mo at lahat ng mga taong nagmamahal sa ’yo."

Looking back, may mga pinagsisisihan ba siya sa mga nangyari sa kanya?

"Wala akong nire-regret, wala akong pinagsisisihan sa kahit anong nagawa ko," diin ni Jennylyn.

"Kasi lahat ng mga nangyari sa buhay ko, lahat yun may natutunan ako.

"Lahat yun, dun sa mga experiences na yun, lahat yun naging maganda naman yung kinalabasan.

"So, happy naman ako, hindi ko pinagsisisihang lahat."

LUCKY TO HAVE LUIS. Sa puntong ito ay tinanong na ni Pia si Jennylyn tungkol sa naging rebelasyon ni Luis Manzano sa Entertainment Live noong Sabado, May 21, na nagde-date sila ng Kapuso actress. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Well, si Luis kasi, siyempre yung... Hindi ko kasi napanood yung E-Live, e, so kinuwentuhan na lang ako ng manager ko.

"Pero overwhelmed yung feeling, tsaka masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya.

"Napaka-gentleman niya and I’m so lucky... I’m so thankful na siyempre nandiyan siya para bigyan ako ng smile sa aking face."

Nagulat ba siya na ibinunyag ni Luis sa buong mundo ang kanyang pagtingin sa kanya?

"Napag-usapan naman namin yun e, sinabi... nagpaalam naman siya sa akin.

"At, sabi ko, ’Sige, puwede naman.’ Di ba?"

Pero nilinaw ni Jennylyn ang estado ng relasyon nila ni Luis.

"At para rin maintindihan ng mga tao, at saka hindi naman ibig...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang i-clear na hindi ibig sabihin ng dating, e, kami na.

"Siyempre, hindi pa rin ako handa, at si Luis naman, e, willing naman yun maghintay, e. Di ba?" sabay tingin ni Jennylyn sa kamera na tila kausap si Luis.

"So, ano muna, maghintay muna tayo sa tamang panahon, tamang oras, in God’s time."

Papaano ba sila nagkakilala ni Luis at paano pumasok sa buhay niya ang TV host-actor sa panahong natapos ang huli niyang relasyon?

"Nag-aral kasi ako ng Jujitsu nung time na talagang nalulungkot ako, ganyan.

"So, meron akong ginawang... ’Yan, nag-Jujitsu ako para medyo malibang, matanggal yung stress, hindi ako masyadong malungkot.

"Tapos, doon ko siya na-meet.

"Nagmu-Muay Thai siya... nag-enrol din ako ng Muay Thai kasi.

"So, nagdyu-Jujitsu rin siya, nagro-roll kami together, nag-i-spar kami.

"So doon, doon kami nagkakilala."

NOT YET READY. Pero hindi pa siya talaga handa sa panibagong relasyon?

"Yes, yeah!" sagot ni Jennylyn.

Bakit?

"Masyado pang maaga, di ba?

"Ilang months pa lang at madami akong kailangang asikasuhin.

"And kailangan kong unahin yung trabaho ko, pamilya ko.

"At hindi pa rin ako handa, at alam ko naiintindihan lahat ni Luis ’yan.

"At nagpapasalamat ako dahil talagang napaka-understanding niya at napakabait niyang tao."

Bagamat sinasabi ni Jennylyn na hindi pa siya ready sa panibagong relasyon, naipakilala na sa kanya ni Luis ang ina nitong si Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Kumusta naman ang kanilang naging pagkikita?

"Kasi, in-invite niya ako sa birthday niya [Luis] sa Batangas, so nagsama rin ako ng friend na pumunta dun.

"So, pagpunta ko dun, nakilala ko si Miss Vilma Santos.

"So, yun po."

THE HUMOR OF LUIS. What is it about Luis that endears him to her? What is it about Luis that she likes?

"Yung humor niya, sobra yung humor niya!" sagot ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang hindi niya talaga ako... hindi siya pumapalya sa pagpapatawa sa akin.

"Talagang grabe talaga yung tawa ko ’pag nandiyan siya.

"Tsaka ano pa ba? Sobrang gentleman niya, he’s the perfect gentleman."

Paano siya napapatawa ni Luis?

"Iba talaga, e, iba talaga.

"Pag nagsalita siya, e, yung reaction ng face niya, basta...

"Basta ganun siya kaano, grabe yung humor ng taong yun, ibang klase!"

Paano naman napapakita ni Luis na inaalagaan siya nito?

"Tatawag siya every once in a while, magtse-check kung ’kumain ka na ba,’ ganyan, kumusta...

"Nangangamusta kung nasaan ka, ’Mag-iingat ka,’ ganyan, mga ganun."

Hiningan ni Pia ng mensahe si Jennnylyn para kay Luis.

"Siyempre, nagpapasalamat ako, Luis, at nandiyan ka para pasayahin ang buhay ko.

"At sana hindi ka magbago, patuloy ka pa ring maging understanding... Napakahaba ng pasensiya niyan.

"Salamat sa pagtatangol sa akin dahil iyon yung bagay na ginawa niya na hindi ginawa ng ibang tao para sa akin.

"Siya yung first na tao na gumawa nun, e.

"Na ipinagtanggol ako sa lahat ng mga kung anu-anong naglalabasan na mga issues.

"So, thank you. Thank you so much."

Ano ang pakiramdam na nakahanap siya ng isang tao na nagtatanggol sa kanya?

"I’m so lucky, I’m so grateful. I’m so thankful. I feel so blessed.

"So, maraming-maraming salamat, Luis!"

MOMMY LYDIA’S REACTION. Ano naman ang naging reaksiyon ni Mommy Lydia Mercado tungkol sa kanila ni Luis?

"Si Mommy Lydia naman, naku, napaka-supportive naman niyan.

"At kung saan ako masaya, masaya ’yan.

"Basta happy ako, happy rin siya. Pag malungkot ako, malungkot din siya."

Hindi ba naman nag-aalangan si Mommy Lydia na may panibago na namang lalake sa buhay niya?

"Well, yung mom ko talaga, talagang protective ’yan. Siyempre kahit sino naman.

"Kahit ako, ayokong masasaktan ang anak ko, kahit makagat lang ng lamok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman ng mommies, ganun, e.

"Siyempre, gusto niya happy ako, mag-ingat ako, may mga advice na ganun.

"’Sana sa susunod, hindi ka na masasaktan, kilalanin mo munang mabuti.’ May mga advice na ganun.

"Siyempre, hindi naman nawawala sa magulang yun, e.

"Parte yun ng pagmamahal ng isang ina."

Kailan sila huling nagkita o nag-usap ni Luis?

"Medyo matagal... nag-usap? Kanina lang, sa phone lang, sa text.

"Pero matagal na kaming hindi nagkikita, e, matagal na.

"Medyo busy rin yung schedule namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN