Gina Alajar on not directing movie version of Tween Hearts: "Dapat ba akong ma-offend?"

"Ayoko naman sigurong may manligaw sa akin na lalaki na batang kaedad lang ng anak ko, di ba? Iisipin ko, baka gusto lang nitong mag-artista. At ayaw din naman ng mga anak ko yung ganun, di ba?" says Gina Alajar about still being single after separation from Michael de Mesa.


Ayon sa actress-director na si Gina Alajar, hindi magiging "empty nest" ang pamamahay niya kung saka-sakaling mag-asawa na rin ang pangalawa niyang anak na si Geoff Eigenmann.

"Siguro dumaan na yun. Kasi a few years back, dumaan na sa akin...na umalis yung bunso kong anak [AJ Eigenmann], nagpunta ng Amerika."

Ito ang sabi ni Gina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng epicserye ng GMA-7 na Amaya sa Pagsanjan, Laguna.

Sumunod naman ay nag-asawa ang panganay niyang anak na si Ryan Eigenmann.

"Kaya ready naman ako na mag-isa," dagdag pa niya.

SINGLEHOOD. Matagal nang single si Gina pagkatapos nilang maghiwalay ng dati niyang asawa na si Michael de Mesa.

Walang nanliligaw sa kanya?

"Paano namang may manliligaw sa akin, trabaho lang ako ng trabaho?" natatawa niyang sagot.

Baka nai-intimidate ang mga manliligaw sa kanya dahil si Gina Alajar siya.

"Maybe, maybe," sambit niya.

"Ayoko naman sigurong may manligaw sa akin na lalaki na batang kaedad lang ng anak ko, di ba?

"Iisipin ko, baka gusto lang nitong mag-artista.

"At ayaw din naman ng mga anak ko yung ganun, di ba?"

EX-HUSBAND. Kumusta na sila ni Michael, na naka-base na ngayon sa U.S.? Are they friends or civil lang?

"No...civil," sagot ni Gina.

Nag-uusap sila sa phone?

"No.

"The last time I saw him was AJ’s graduation," sabi ng actress-director.

Nagtapos ng kursong Veterinary Medicine si AJ sa U.S.

Kapag mga ganoong pagkakataon ay nagkakausap naman sila?

"Hi, hello. Kung wala namang dapat pag-usapan, hindi mag-uusap," ani Gina.

Kahit tungkol sa mga anak nila?

"Pag sa mga bata, oo.

"Pero halos wala nang pag-uusapan tungkol sa mga bata, kasi malalaki na. Wala na namang umaasa sa kanya."

Hindi na kaya mauuwi kahit sa friendship lang ang samahan nila?

"A, no more... A, sa friendship? Hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Best of friends? No, I don’t think so.

"Through the years siguro, through the years.

"But you know, parang hindi na, ang tagal n’yo nang hindi nagkikita."

Si Michael lang daw ang naging boyfriend ni Gina, at 23 years din silang nagsama.

TWEEN HEARTS. Si Gina ay gumaganap bilang Dian Lamitan sa Amaya, na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Exclusive contract artist ba siya ng GMA-7?

"No, per show," sagot niya.

Si Gina ang direktor ng youth-oriented show ng GMA-7 na Tween Hearts, pero ang movie version nito ay hindi siya ang direktor kundi si Mark Reyes.

Hindi ba siya na-offend na hindi siya ang kinuhang direktor?

"Dapat ba akong ma-offend?" sabay-tawa ni Gina.

May mga intrigang nagkakaroon ng problema sa Tween Hearts—both the show and the movie—involving the parents of the young stars na mga bida rito.

Totoo ba ito?

"With the parents? Hindi... Well, marami lang akong naririnig in the beginning about...pero trivial, e, trivial.

"Merong gusto nilang kasama sa tent yung mga anak nila, gusto ng solong tent, gusto nila sila merong ganung tent din.

"Usually trivial na, ’Bakit siya ganung kulay ang suot?’ Yung, ’Bakit ang anak, ganito, yung si ano maraming eksena.’

"Meron akong naririnig na ganun, na tatanggalin na ba daw siya kasi parang in this week’s script, aapat lang ang eksena niya.

"This was in the beginning, in the beginning, as in mga two...mga one month na nag-aano, nagte-taping.

"Pero dumarating lang lahat sa akin yun, pero hindi ko naman pinapatulan. I shrugged it off.

"Ang ano nun, ang may responsibilidad nun, ang EP [executive producer], ang mga in-charge sa production.

"Pero nakakarating lang sa akin kung ano yung mga issues, so they settled it.

"And I think forte ng EP namin yun—to settle everything."

ACTRESS/DIRECTOR. Saan siya mas nag-e-enjoy—sa acting or directing?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Artista. Kasi relax ka lang, e.

"Di ba, kung direktor ka, lahat ng mga ’yan, problema mo ’yan.

"Pagdating mo pa lang, iniisip mo na kung ano yung gagawin mo, hindi ba?

"Tapos kung ano yung kakalabasan niyan, sa ’yo lahat nakaatang ’yan, di ba?

"E, kung artista ka, dadating ka lang, ’Kakain ka na po, me-makeup-an na po kayo.’

"Nakaupo ka lang, me-make-up-an ka. [Pag direktor] first to arrive, last to leave.

"’Tsaka pawis na pawis ka na, hindi ka naman pinupunasan ng make-up artist, e.

"Pag direktor ka, di ba, hindi ka naman ginaganun?

"Pag artista ka, pinapaypayan ka, di ba?

"Ang direktor, wala namang magpapaypay sa ’yo!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN