Glaiza de Castro does not feel she was demoted in Amaya after starring in her own primetime series

"Noong in-offer naman nila sa akin ang role, sinabi naman nila na bida rin ang role. Hindi siya kontrabida. Hindi siya support. And although si Amaya talaga ang nagdadala ng show, pero siyempre, para mabuo ang show, kailangan din ng mga characters... Lahat may significance ang character," says Glaiza de Castro about her role in Amaya.


Isang prinsesa na binukot ang role ni Glaiza de Castro sa epicserye ng GMA-7, ang Amaya.

Kapatid siya sa ama ni Marian Rivera bilang si Amaya, pero magpapanggap siyang si Amaya.

Kumpara sa mga nakaraang serye niya na kontrabida ang character na ginagampanan niya, ngayon ay mabait daw ang role ni Glaiza.

"May twist kasi. Pero, hindi siya kontrabida role," sabi ni Glaiza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Amaya kagabi, May 23, sa Studio 7 ng GMA Network.

"Ngayon, hindi ko pa masabi kasi hindi pa buo ang character ko, at bilang isang beses pa lang ako nakakapag-taping.

"Konting eksena pa lang ang nakukunan namin.

"Hindi ko masabi kung saan papunta ang character ko, pero definitely, hindi siya yung kontrabidang-kontrabida talaga."

BACK TO SUPPORTING ROLE. Nakalabas na sa lead at title role si Glaiza sa primetime, ang Grazilda.

Kaya ang tanong ng PEP: gaano siya ka-excited dito sa Amaya na hindi siya ang pinakabida?

"Yung excitement ko sa mga past projects ko, iba rin dito.

"Hindi kasi siya basta-bastang project, e. Kumbaga, nakita naman natin kung gaano kalaki yung production pa lang.

"Yung mga shots pa lang na nakikita natin, hindi siya basta-basta.

"And to be a part of something epic, di ba, isang malaking pribilehiyo yun.

"At natutuwa ako na kinonsider ako ng GMA para rito sa project na ’to."

Dagdag niya, "Every project, different excitement talaga.

"Tapos kanina, parang noong pinapanood ko ang music video, kinikilig ako.

"Parang, ’Ay, kasama ako rito?’ Parang isa yun sa masasabi nating hindi mo makakalimutang project."

Diretsuhan naming tinanong si Glaiza kung hindi ba niya naramdaman na parang na-demote siya from being a lead actress to second lead uli?

"For me naman, hindi, e," sagot ng young actress.

"Unang-una, noong in-offer naman nila sa akin ang role, sinabi naman nila na bida rin ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya kontrabida. Hindi siya support.

"And although si Amaya talaga ang nagdadala ng show, pero siyempre, para mabuo ang show, kailangan din ng mga characters.

"Hindi siya yung may bida, may kontrabida. Lahat may significance ang character.

"At sa sinabi nila, maganda ang istorya, maganda ang role."

Pero aminado si Glaiza na mas less ang pressure na nararamdaman niya ngayon.

"Pero siyempre, nandoon pa rin yung dapat pag-igihan mo, at sa lahat pa rin ng ginagawa mo, and sa lahat ng roles na ibinibigay sa ’yo.

"Sabi nga nila, there are no small roles... Kung anuman ang ibigay sa ’yong project, ibigay mo ang best mo."

WORKING WITH MARIAN. First time namang makakasama ni Glaiza si Marian Rivera sa isang show.

Kumusta ang experience niya working with Marian?

"Kanina, sinabi ko na na-realize ko after na ilang years, first time...

"At sabi ko nga, hindi siya maramot na kaeksena.

"Kasi sa sandaling-sandaling eksena namin together, alam mo yung malalaman mo na agad yung ganoong connection mo kung nagbibigay siya in terms of emotion.

"Kasi, nakakatulong talaga ’yan. Yung isang tingin mo lang, alam mo na may mahuhugot ka...marami.

"So, in terms of giving emotion, hindi talaga siya maramot."

Hindi naman ikinaila ni Glaiza na even before, nakakarinig na siya ng negative issue tungkol kay Marian. Pero hindi raw niya nakita ang mga ito.

"Honestly, hindi. Wala akong nakita," sabi niya.

"Kasi, di ba, ang mga tao naman, madaling magsalita?

"Minsan nakita mo lang ang taong yun, sabihin na nating natsambahan mong bad trip, or alam mo yun, hindi natin maiiwasan, tao lang naman tayo.

"Pero hindi sapat ang isang pagkikitang yun para ma-determine mo kung sino talaga siya.

"Sa akin kasi, noong una ko siyang nakita, wala akong naramdamang ganoon.

"Nakita kong totoo talaga siyang tao."

ZERO LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, ayon kay Glaiza ay wala raw siya nito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, mahirap, e," sabi niya.

"Mahirap magsalita kasi wala naman talagang commitment na ganoon. Wala naman talagang ganun."

Natawa si Glaiza when we asked kung kailan talaga nag-end, na ang tinutukoy namin ay ang napabalitang relasyon nila ni Felix Roco.

"Hindi ko na matandaan," sagot niya.

"Matagal na rin. Last year pa.

"So, pumasok ang taon na maluwag ako.

"Sabihin na lang natin na choice ko yun."

Siya ang nakipag-break?

"Hindi na importante siguro kung sino ang nakipag-break.

"Pero personally, para sa akin, gusto ko munang... Although cliché nang pakinggan, gusto ko munang ayusin yung kung anuman ang gusto kong ayusin sa sarili ko."

Mutual ba ang naging decision nila? Are they still friends?

"Hmmm, okay naman," sambit niya.

"Sa ngayon, hindi kami masyadong nagkakausap, pero okay naman.

"Isang barkada lang naman ’yan. Same group of people.

"So, wala namang masyadong naapektuhan.

"Nandoon pa rin ang friendship, siyempre."

May mga nagpaparamdam naman daw sa kanya ngayon, pero choice daw niyang manatili pa ring single.

"Meron naman, pero I’m taking my time. Ayokong magmadali, e.

"Kasi, kapag minadali mo ang isang bagay—like sa prutas, hindi pa hinog, di ba—pangit ang kalalabasan," paliwanag niya.

Nagdi-date naman siya?

"Hindi ko masasabing date, enjoy lang.

"Kasi kapag sinabing date, may pressure, e," nakangiti niyang sabi.

Nakapag-move on na ba siya?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Glaiza.

"At saka, ang tagal na no’n.

"Masaya naman ako kung ano ang ginagawa ko ngayon.

"At gusto ko talagang mag-focus dito, sa work ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN