Jackie Rice on her first lead role: "In a major, major way, very thankful ako!"

"Ito yung first time na parang lahat ng attention, nasa ’yo. Hindi naman ako sanay na ganoon. Ipapalabas na siya. Ano ang reaction ng tao? Sino ba ang magugustuhan ’to? Pero ako, happy naman ako. Proud naman ang lahat kasi katas ito ng paghihirap namin," says Jackie Rice about her first starring role.


Bida na si Jackie Rice sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Sisid.

Ipinapakita talaga ni Jackie ang dedikasyon niya sa trabaho ngayon dahil kahit nagkaroon ng injury ang kanyang paa sa isang taping nila, hindi niya hinayaang maantala ang produksiyon.

Kagabi, May 24, sa press conference ng Sisid sa 17th floor ng GMA Network Center, naikuwento ni Jackie na one month pa raw ang healing period ng kanyang toe.

"Ako na ang nag-offer," sabi niya.

"Sila ang nagsabi na magpahinga ka, pero ako na ang nagsabi na okay na akong bumalik para marami kaming maipalabas.

"Kasi, mate-tengga kami. Ayoko kasi ng ganoon, e.

"Actually, puwede naman ako sa tubig, pero binabalutan namin siya.

"Okay naman na siya, pero yung buto, hindi pa rin nagdidikit.

"Mga one month pa raw para magdikit yung buto.

"Wala naman na siyang sakit or kirot, hinihintay ko na lang talaga na mag-heal siya ng buo."

A DIFFERENT JACKIE. Kung pressure naman ang pag-uusapan, sobra raw ang nararamdaman niya, lalo na’t pagkatapos ng ilang taon ay ngayon lang siya napagkatiwalaan ng isang launching vehicle ng GMA-7.

"Sobra, sobra!" sambit ni Jackie.

"Kasi from Ilumina, ibang-iba naman ako ngayon.

"Ito yung first time na parang lahat ng attention, nasa ’yo. Hindi naman ako sanay na ganoon.

"Ipapalabas na siya. Ano ang reaction ng tao? Sino ba ang magugustuhan ’to?

"Pero ako, happy naman ako. Proud naman ang lahat kasi katas ito ng paghihirap namin."

Acting-wise, aware si Jackie na hindi lahat ay mapi-please niya at nandiyan ang mga kritiko.

Pero this time daw, ibang Jackie na raw ang mapapanood.

"Sobrang mas gusto ko na ang ginagawa ko ngayon.

"Mas pinag-aaralan ko na. Mas iniisip ko na.

"Mas minamahal ko na kung ano ko ngayon.

"From kontrabida to bida, tapos nag-Bubble Gang pa ako, comedy.

"Gusto ko talagang lahat ay pagdaanan ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very thankful daw si Jackie sa Kapuso network sa opportunities na ibinibigay sa kanya.

"Sobrang thankful ako na ngayon, kinakabahan.

"Hindi talaga ako sanay sa ganitong atensiyon, e.

"Pero thankful ako dahil gusto ko talaga ng trabaho.

"At in a major, major way, very thankful ako!"

Nabansagang "pasaway" noon si Jackie pagkatapos niyang manalo bilang Ultimate Female Survivor sa Season 3 ng StarStruck.

Pero sabi nga ng mga network veterans, napatunayan ni Jackie na basta gustong magbago ng isang tao, walang imposible.

"Oo naman, oo naman," sambit ng young actress.

"Nakita naman na siguro ng tao yun. From pasaway to a major, major bago.

"At happy ako kasi hindi naman lahat nabibigyan ng chance na ganito."

IWA MOTO. Ka-batch ni Jackie sa StarStruck 3 si Iwa Moto.

Aware daw siya sa sitwasyon ni Iwa ngayon kaugnay ng lovelife nito, although hindi raw niya ito nakakausap lately.

"Wala kaming communication, pero tinanong ko sa EP [executive producer] namin kung ano ang balita.

"Yun nga raw, medyo nagkakaproblema sa lovelife niya.

"Siyempre, masarap magmahal, pero mahirap kapag nasaktan," sabi ni Jackie.

Kilala naman daw ni Jackie si Iwa na isang "strong woman."

"I’m sure, kung anuman ang dumating na problema, malalagpasan niya yun, kasi wala namang ibibigay sa kanya na hindi niya kakayanin.

"Matalino naman si Iwa.

"Siguro ang maa-advice ko sa kanya, ipagpatuloy lang niya ang work niya para malibang siya.

"Sa pamilya niya, magbigay siya ng time para kung anuman ang pain na nararamdaman niya, malalagpasan niya yun."

INTIMATE SCENES. Pagdating sa kanyang sariling lovelife, masasabi naman daw ni Jackie na masaya pa rin siya kapiling ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Wala rin daw problema sa boyfriend niya kung may pagka-sexy ang tema ng Sisid.

"Actually, hindi ko kasi ma-imagine na sexy siya. Hindi ko talaga ano...usually ganoon naman talaga.

"Like itong picture na ito, minsan nagpapaulan ako, ganyan ang hitsura ko kung naulanan," sabi ni Jackie tungkol sa isang kuha niya sa publicity photo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko talaga iniisip na ina-acting na pa-sexy. Hindi, e, natural lahat.

"Alam n’yo yun? Kung papaano ang mga lalaki, mas magandang ipakita ang magandang katawan kesa hindi."

What about her love scenes?

"Love scene, naku, kinabahan ako diyan, sobra! Talagang nakailang take!" bulalas ni Jackie.

"Pero before kaming mag-take, super niyakap ko muna si Dom [Dominic Roco] para maging kumportable ako.

"Halos first day rin ng taping yun. First day na magkaeksena.

"Noong una, kinabahan, hindi pa ako kumportable sa kanya.

"Pero ngayon, kumportable na, inaalagaan niya ’ko."

Nagpaalam ba siya sa boyfriend niya sa kanyang love scenes sa Sisid?

"Napag-usapan naman namin yun. Alam naman niya.

"Kaibigan naman niya si Dom at saka si JC Tiuseco.

"Kapag may ganun, pinapabasa ko muna sa kanya ang script. ’O, hayan, ganyan.’

"Wala naman siyang reaction na huwag. Hindi naman siya umaapela."

Kumusta naman ang dalawang leading men niya na sina Dominic Roco at JC Tiuseco?

"Pareho silang madalas kong nakakasama sa scene. Magaling silang pareho.

"Si JC, bilang beginner, magaling na siya. Sobrang ang dali niyang mag-adjust.

"Si Dom naman, nasa lahi na nila, magaling talaga," banggit niya sa anak ng batikang aktor na si Bembol Roco, na kasama rin sa Sisid.

"Happy akong katrabaho silang dalawa, nababaitan ako sa kanila."

Between Dominic and JC, kanino siya mas naseseksihan?

"Hindi, e, hindi ako madaling magkagusto. Maybe because may boyfriend na ako.

"Basta pareho naman silang mabait, pareho silang guwapo.

"Pareho silang masarap maging leading men," nakangiting sabi ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN