Rich Asuncion clarifies report that she and Aljur Abrenica avoided each other on Startalk

"Nung una, talagang parang ayoko. Kasi, inisip ko...hindi para sa akin ang FHM. Matagal ko nang iniisip ’yon. Tapos, bigla kong na-realize, ’A, sexy-kontrabida na pala ako!’ Ayun na. So, why not do sexy pictorial like FHM nga," says Rich Asuncion about her FHM pictorial.


Kumawala na nang tuluyan si Rich Asuncion sa pagiging probinsiyana dahil sa matapang niyang sexy pictorial sa May 2011 issue ng FHM magazine.

Nang kumustahin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging cover girl niya ng FHM, ito ang natatawa niyang sagot: "Hay, nakakaloka!"

Tubong-Bohol si Rich nang sumali siya sa fourth season ng GMA-7 artista search na StarStruck noong 2006, kung saan siya naging First Princess.

Noong 2009 naman ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kunsaan siya naging first runner-up.

Matapos ang ilang taong pananahimik, umingay ang pangalan ni Rich dahil sa mapangahas niyang pictorial sa nangungunang men’s magazine sa bansa.

"Masaya naman ako sa resulta ng FHM," sabi ni Rich.

"Lahat ng tao, sabi nila, hindi siya bastos.

"Talaga wala akong narinig na, ’Ay, ginawa mo na talaga ’yan!’ Ganoon!"

Nakausap ng PEP si Rich sa presscon ng Sisid, ang bagong afternoon soap ng Kapuso network, kagabi, May 24, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga magulang niya sa kanyang daring photos?

"Sila rin... Actually, si Papa ang sumama sa akin sa Boracay.

"So, alam na niya, more or less, yung magiging result. Kasi nandoon siya nung photo shoot.

"So, yung Mama ko naman, hindi niya nakitaan ng kabastusan yung ginawa ko sa FHM," sabi niya.

A MORE DARING RICH? So, makikita na ba ng mga tao ang higit na mapangahas na Rich Asuncion?

Tumawa muna siya at saka sinabing, "Actually, nag-start na siya, di ba? Pahabol ko ito.

"Sa Little Star kasi, nag-two piece din ako, di ba?

"So, sabi ko, bilang ganoon na rin ang roles na ginagawa ko, why not do an FHM?"

Sa bagong show niyang Sisid, magpapatalbugan ba sila ng bida ritong si Jackie Rice sa kaseksihan?



"A, parang ganoon!" tawa niya.

"Hindi naman maghuhubad, pero sexy clothes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, sobrang away-away. Catfight, ganoon. Sabunutan.

"Kung sa Little Star parang sosyal akong kontrabida, dito sa Sisid, parang kontrabida na wala sa lugar."

Paano siya nakumbinsing mag-pose nang sexy?

"Sila ang nagsabi sa akin, Artist Center, ’O, gusto mo bang mag-FHM?’

"Nung una, talagang parang ayoko. Kasi, inisip ko...hindi para sa akin ang FHM.

"Matagal ko nang iniisip ’yon. Tapos, bigla kong na-realize, ’A, sexy-kontrabida na pala ako!’

"Ayun na. So, why not do sexy pictorial like FHM nga.

"And, hiningi ko ang assurance nila na hindi magiging bastos. Hindi magiging malaswa.

"Nakuha ko naman. Na-achieve," saad ni Rich.

Naging maganda ba ang resulta sa career niya ng pagbabago niya ng image?

" Yes, I think, I think," sagot niya.

"I received proposals ng endorsements.

"Sana matuloy, pero wala pa namang sure na matutuloy, pero sana."

Wala bang boys na nagalit sa pagpapaseksi niya?

"Boys ko? Sana meron akong boys!" tawa ni Rich.

"Sana may magalit, pero wala kasi."

Dumami bang umaaligid na lalaki after FHM?

"Wala nga, e. Kasi, hindi siya malaswa! Joke lang ’yon, ha!" natatawang biro niya.

Pero hindi muna raw priority ni Rich ang pagkakaroon ng boyfriend dahil bukod sa showbiz career, nag-aaral siya ngayon sa UP Diliman.

ALJUR ABRENICA. Tinanong din ng PEP kay Rich ang napabalitang pag-iiwasan nila ni Aljur Abrenica nang sabay silang mag-guest sa Startalk noong Sabado, May 21.

"Hindi naman talaga kami nagsalubong...

"Okey, papunta siya sa set at paalis ako. Biglang may tumawag sa akin.

"Siya naman, nginangarag na sa set, so nagmamadali.

"Walang chance talagang magbatian, ganoon.

"Pero, it wasn’t on purpose. Hindi nangyari ’yon na hindi kami, na alam mo ’yon?

"Na parang ayaw naming batiin ang isa’t isa?

"Pero talagang yung sitwasyon lang," paliwanag ni Rich.

Hindi man lang ba siya binati ni Aljur sa FHM cover niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa... Busy yata siya," sagot niya.

Pagkatapos ng StarStruck, nakatrabaho ni Rich si Aljur sa youth-oriented show na Boys Next Door.

Pero sa Party Pilipinas ay lagi silang nagkakasama.

Okay lang sa kanyang makasama sa trabaho ang lalaking na-link sa kanya?

"Oo naman. Work is work," mabilis na sagot ng young actress.

"Hindi ako dapat nagrereklamo sa trabaho. Kahit sino pa ang makatrabaho ko," sabi ni Rich like a real trouper.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN