Marco Alcaraz still saving for grand beach wedding with Precious Lara Quigaman

"Sa araw-araw naming magkasama, nakikita kong bagay kami. Enjoy kami sa isa’t isa and, at the same time, naggu-grow kami habang tumatagal ang relationship namin," says Marco Alcaraz about future wife Precious Lara Quigaman.


Hindi alintana ni Marco Alcaraz kung lumabas man siyang support sa bagong afternoon drama ng GMA-7 na Sisid, na kapalit ng soap niyang My Lover My Wife, kung saan isa siya sa lead characters.

"Well, thankful ako sa GMA na kahit ilang weeks akong nabigyan ng leading man role.

"Kung ano ang ibibigay sa akin, I’ll do my best, siyempre.

"Lahat naman ng kaya nilang gawin, kaya ko.

"Kung sisisid sila, sisisid din tayo!" natatawang sabi ni Marco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sisid kagabi, May 24.

Saan ba siya sumisisid?

"Sa dagat siyempre!" natatawa niyang sabi.

Ano ang feeling ng sumisisid?

"Masarap! Masarap!" sakay naman ni Marco sa tanong namin.

Ano ang ginagawa niya kapag sumisisid?

"Inhale, exhale, ganoon!" tawa na naman niya.

Kontrabida ang role niya sa Sisid at nasa lupa siya parati kaya walang chance na maipakita niya ang seksi niyang katawan.

"Wala nga. Sayang!" biro ng aktor.

WEDDING PLANS. Pagdating naman sa relasyon nila ng beauty queen na si Precious Lara Quigaman na nasa second year na, unti-unti na raw nilang pinaplano ang beach wedding nila.

"Ang initial plan namin is next year nga po," banggit ni Marco.

"Ngayon kasi, inaasikaso niya ang wedding ng sister niya ngayong September sa London, kaya dun po siya busy ngayon.

"Ang kulang na lang is makaipon para sa engrandeng wedding."

Engrandeng wedding ba talaga ang plano nila?

"Well, hindi naman talagang engrandeng wedding.

"Lara deserves the best wedding for me kasi siya ang Prinsesa ng Buhay ko," sabi ni Marco.

Dahil Miss International si Lara?

"Hindi lang Miss International. Miss International siya ng buhay ko!" deklara ng Kapuso actor.

Beach wedding ang gusto nina Marco at Lara at ang iimbitahan lang daw nila ay ang mga taong close sa kanila.

"Yung mga taong may kinalaman sa relationship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo malayo para mag-effort talaga ang mga guests.

"Yun talagang gustong pumunta, sila lang talaga ang pupunta," sabi niya.

Pati ex-managers niya ba, imbitado sa wedding?

"Hmmm...invited po lahat! May mga ganoong hirit ka, ha!" tawa ni Marco.

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon si Marco at ang dati niyang manager na si Arnold Vegafria.

End of next year, 2012, ang plano nilang pakasal ni Lara sa beach sa Batangas.

LIVE-IN. Hindi ba niya inisip na mag-live in muna sila ni Lara bago pakasal?

"Ay, initially ako, gusto ko na live-in.

"Pero si Lara kasi, she believes na, you know, living in after marriage," sabi niya.

Hindi ba niya nakumbinsi si Lara sa ganoong setup?

"Kung ako, sana. Kasi nga, ang alam natin, yung iba, after wedding, medyo magulo pag nagli-live [together].

"Nagtsi-change ang...marami silang iba-ibang pananaw sa buhay.

"Pero si Lara, pananaw niya, after nga sa wedding, dun na magli-live in.

"As of now naman, hindi kami, kaya bonding kami together.

"So hopefully, pag after marriage, wala namang away-away," katuwiran ni Marco.

Kasi nga, wala na siyang ibang babae, di ba?

"Wala na...Good boy na ako!" tawa na naman niya.


Ano ang nakain niya at inalis na niyang lahat ang babae sa buhay niya?

"Totally out na talaga ang babae sa akin—except my mom na lang," sambit ni Marco.

Umaasa si Marco na ang beauty queen na ang huling babae sa buhay niya.

Behave na raw siya at wala munang gimik-gimik dahil lahat ng kinikita niya ay diretso sa joint bank account nila ng girlfriend.

Ano ba ang espesyal kay Lara upang itali niya ang sarili rito?

"Sa araw-araw naming magkasama, nakikita kong bagay kami.

"Enjoy kami sa isa’t isa and, at the same time, naggu-grow kami habang tumatagal ang relationship namin," sabi ni Marco.

Ano ang tawag niya kay Lara?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Jampong!" sagot niya.

Bakit Jampong?


"Noodles. Parang mainit na sabaw! Masarap!" natatawang rason ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN