Heart Evangelista signs up with Regal, thanks Annabelle Rama, and denies wedding proposal rumors of boyfriend Daniel Matsunaga

"Of course, I’m very, very thankful sa lahat ng tulong niya kasi siya rin ang nagpasok sa akin sa GMA, and I wouldn’t be able to meet the executives, and get to do the jobs that I have done if it weren’t for her help. I’m very, very thankful and I love you, Tita Annabelle," says Heart Evangelista about her former manager Annabelle Rama.


Maituturing nang bagong Regal Baby si Heart Evangelista dahil pumirma na siya ng two-year, non-exclusive contract sa Regal Entertainment, Inc.

Nangyari ang pirmahan sa Room 504 ng Imperial Palace Suites sa Quezon City, kagabi, May 24.

Kasama sa pagpirma ni Heart ng kontrata ang Regal owner na si Mother Lily Monteverde, ang anak nito’t Regal producer na si Roselle Monteverde-Teo, at ang mommy ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Si Mrs. Ongpauco na ang nagha-handle ngayon ng career ni Heart matapos na mag-expire ang kontrata ng dalaga sa dati nitong manager na si Annabelle Rama noong April 30.

Pagkatapos ng pirmahan ay nagpaunlak ng panayam si Heart, ang mag-inang Monteverde, at si Mrs. Ongpauco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang inimbitahang media people.

HAPPY TO BE A REGAL BABY. Pahayag agad ni Heart, masayang-masaya siya sa pagpirma niya ng kontrata sa Regal.

"Because, siyempre, mabibigyan uli ako ng movie na may drama, may iyakan, may kilig, ganyan.

"It’s going to be another experience para sa akin and, of course, I’m happy na makaka-contribute uli ako sa entertainment," ani Heart, sabay pasasalamat kay Mother Lily.

Si Mother Lily naman, sinabing matagal na niyang gustong ma-sign up sa Regal si Heart.

"I’m very lucky today to sign up with Heart because this has been my dream a long, long time ago.

"This was way back, I think, ten years ago.

"Na talagang it’s really my dream that I... I really love her so much," sabi pa ng Regal matriarch.

Kamakailan lang ay pumirma na rin ng kontrata sa Regal ang boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga.

Natanong tuloy kung may nakahanda na bang proyekto para sa dalawa.

"Yes, meron kaming movie with Daniel, and the other one is a surprise, the third guy," pahayag ni Heart tungkol sa pinaplanong pelikula niya kasama si Daniel at isang sinisikreto pang makaka-love triangle nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ng Kapuso actress na sa paggawa lang ng pelikula ang pinirmahang kontrata niya with Regal.

Nakapirma rin kasi si Heart sa Viva Entertainment.

"Viva are for my endorsements and bookings for events," paliwanag ni Heart.

Ang mga magulang pa rin daw niya ang in-charge sa TV and movie deals.

ANNABELLE RAMA. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Heart at ng dating manager niyang si Annabelle Rama.

Matatandaang naglabas ng sama ng loob ang ina nina Richard, Raymond, at Ruffa Gutierrez nang makarating dito na hindi na magre-renew ng kontrata si Heart sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Ani Heart, hindi pa sila nagkikita nang personal ni Annabelle at sana nga raw ay magkita sila’t magkaayos na sila.

Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa dating manager.

"Of course, I’m very, very thankful sa lahat ng tulong niya kasi siya rin ang nagpasok sa akin sa GMA, and I wouldn’t be able to meet the executives, and get to do the jobs that I have done if it weren’t for her help.

"I’m very, very thankful and I love you, Tita Annabelle."

Pagkasabi nito’y napa-"good" si Mother Lily na kanina pa nasa magandang mood dahil nga sa pagpirma ni Heart sa kumpanya niya.

Tinanong muli si Heart tungkol sa pagiging Regal Baby na rin ng boyfriend niyang si Daniel.

Natutuwa raw siya para rito.

"I’m really happy for him.

"Aside from being a girlfriend, as an admirer din, buti naman at nabigyan din siya ng pagkakataon kasi nag-improve naman yung Tagalog niya."

Excited daw siyang gumawa ng pelikula with Daniel at pati na rin sa iba pang aktor na puwedeng ipareha sa kanya.

NO WEDDING PROPOSAL YET. Nilinaw naman ni Heart na wala pang wedding proposal na ginawa ang Brazilian boyfriend niya sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, when there’s love, but you also have to be realistic about the times.

"These days are very hard, and you really have to work.

"And you know, it takes five minutes for you to get married, but a lifetime... So, kailangan talagang magtrabaho muna.

"Para meron naman akong kakainin, meron akong ipapakain sa mga anak ko, sa mga aso ko!" biro pa ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN