Ynna Asistio defends herself against accusation that she hinders career growth of boyfriend Mark Herras

"Para sa akin, hindi na rin importante ang sinasabi ng ibang tao. Pero minsan kasi, darating ka rin sa point na kailangan mong sabihin na sana, ’Tama na.’ Hindi nila alam kung ano ang nangyayari," says Ynna Asistio about being blamed by others for Mark Herras’s lack of projects.


Bilang matalik na kaibigan ni Jackie Rice ang character na ginagampanan ni Ynna Asistio sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid.

Sa presscon ng Sisid kagabi, May 24, iisa ang tanong ng karamihan ng press na nag-interview kay Ynna: Kailan naman kaya siya ilu-launch ng GMA-7 kagaya ni Jackie?

"Hindi ko nga po alam. Yun din po ang tinatanong ng iba," nangingiting sabi ni Ynna.

"Parang sinasabi po ng mga tao na naunahan na ako, na ganyan...

"Pero para sa akin lang po, parang hintayin ko yung right time. Hindi naman po ako nagmamadali.

"Kumbaga, lahat ng roles na ibinibigay sa akin, ine-enjoy ko.

"Kumbaga, kailangan para mangyari yun, meron akong kailangang gawin para mapansin ako.

"Pero para sa akin nga, sabi ni Mama sa akin, lahat may oras, lahat may tamang oras.

"So, nasa akin na lang yun kung gagawin ko pa."

Base na rin sa salita niya, nararamdaman ba niyang napag-iiwanan na siya?

"Hindi naman po," sagot ng panganay na anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

"Sabi ko nga po, siyempre, minsan, parang kung aanuhin mo, parang, ’Oo nga, bakit ganun?’

"Kapag nakakausap ako ng tao, sinasabi ko, parang mas pangit na ite-take ko ng bad yun.

"Kumbaga, ginagawa ko siya, tine-take ko siya as challenge.

"Dahil naunahan ako ng ganito—sisirain ko? or ayoko na dahil masyado akong napag-iiwanan? Hindi po kasi ganoon ang nasa isip ko.

"As long as ine-enjoy ko ang ginagawa ko, hindi ko iniisip yung ganoong bagay.

"Maybe, eventually, di ba, kung mangyari man yun, gagawin ko ang best ko.

"At kahit naman po anong role ang ibinibigay sa akin, ginagawa ko lahat ng best ko."

IS SHE WILLING TO GO SEXY? May pagka-sexy ang tema ng Sisid na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

Kung dumating ang time na si Ynna naman ang ilu-launch, pero kailangan din niyang magpa-sexy, papayag ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, I’m not sure rin naman po na lahat ng artista na gustong ma-launch, e, kailangang magpa-sexy," sabi ng dalaga.

"Maraming puwedeng paraan para ma-launch ka.

"Siguro kung sexy, kagaya rin ng ginawa kay Jackie, wholesome pa rin.

"Hindi siya yung super sexy talaga.

"Okay lang po sa akin, pero kailangan na mai-ready rin po at saka yung katawan ko," sabi niya.

Sa palagay ba niya ay papayag ang parents niya at ang boyfriend niyang si Mark Herras?

"I don’t think na okay sa daddy ko. Malamang na long process yun.

"Si Mark, siyempre, hindi rin. Para siyang tatay ko!" natatawa niyang sabi.

"Pero kami po kasi ni Mark, kami yung tipong pagdating sa trabaho, nakasuporta kami pareho.

"Kung anuman ’yan, kung loveteam or ano, kailangan naming suportahan. Ayoko rin naman po."

DEFENDING HERSELF. Pagkatapos nito ay inihayag ni Ynna ang kanyang damdamin tungkol sa intrigang siya ang dahilan kung bakit walang naibibigay na proyekto ngayon kay Mark.

"Hindi ko rin naman puwedeng sabihin ang dahilan kung bakit natatagalan ang trabaho niya.

"So, di ba, wala silang alam?

"So, sana huwag nilang isisi sa akin ang mga ganoon dahil, malamang, kapag nakita na nila ang danceserye, malalaman din nila na nagre-ready rin siya physically at marami pang bagay na inaayos para sa show niya.

"So, sana po, tigilan na nila."

Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang danceserye na gagawin ni Mark sa GMA-7.

Kung susuriin ang mga salita ni Ynna, halatang naapektuhan siya sa mga ganoong isyu na naibabato sa kanya.

Iniiyakan ba niya ang mga ganoong intriga?

"Hindi naman," sagot niya.

"Pero siyempre, masakit para sa akin.

"Yun nga, from the start, ang ginawa ko, suportahan siya sa lahat.

"Ibinalik ang loveteam nila ni Jen [Jennylyn Mercado], nakasuporta ako.

"Ibalik ang loveteam niya with Heart Evangelista...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, bakit ako gagawa ng bagay para bumagsak siya?

"Para sa akin, hindi na rin importante ang sinasabi ng ibang tao.

"Pero minsan kasi, darating ka rin sa point na kailangan mong sabihin na sana, ’Tama na.’

"Hindi nila alam kung ano ang nangyayari."

MARK & JENNYLYN. Recently, may issue na nagalit daw siya nang malamang may isyu na nagte-text muli sina Mark at Jennylyn.

Ano nga ba ang totoo rito?

"Well, yun nga po, recently na-interview ako, tapos doon ko lang nalaman na nagte-text daw po ulit si Jen kay Mark.

"Nagulat talaga ako kasi, kami ni Mark, kapag may isyu or lalabas pa lang, sasabihin na niya.

"May lalabas na ganito, hindi ko alam saan galing. So, nagulat ako.

"Hindi ko alam yun. Nakita siguro sa interview na parang, ’Huh, hindi ko alam.’

"Pero after ng interview na yun, nilapitan ko si Mark, tinanong ko sa kanya kung totoo bang nagte-text ulit si Jen.

"Kaya sinabi ko rin naman sa interview na kahit naman noong time na may boyfriend si Jennylyn, at naghiwalay sila, meron naman talaga silang contact number.

"Wala naman ako sa posisyon para ipa-erase yun dahil magkaibigan naman sila ni Jen.

"At saka, ang tagal na no’n."

Si Mark daw kasi ang madalas na shoulder-to-cry-on ni Jennylyn kahit noong nag-break ang young actress at si Patrick Garcia.

Maaaring dahil doon kaya noong sina Jennylyn at Dennis Trillo naman ang nag-break, may lumabas na ganoong isyu.

Pero ayon kay Ynna, "Wala, e. Sinabi ko pa nga kay Mark, sabihin mo sa akin ang totoo kung talaga namang nagte-text.

"Pero sabi niya, hindi nga, hindi raw talaga sa kanya nagte-text.

"And naniniwala naman ako sa kanya dahil palagi ko naman siyang kasama."

Kung sakaling meron nga, okay lang ba sa kanya?

"Okay lang," sagot niya.

"Pero tulad nga ng sabi ko sa interview, alam nila ang limitasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko na lang kay Mark kung gagawa pa siya ng mali para magkagulo kami at ng pamilya ko, di ba?

"Siya na rin mismo ang nagsasabi na wala na siyang kailangang gawin or kalokohang gagawin para masira.

"Siguro naman, yung three years na relasyon namin, parang hindi na rin worth it na sirain pa."

THREE YEARS. Kahapon, May 24, three years and four months na sina Ynna at Mark.

Paano nila na-maintain ang samahan nila?

"Sa totoo lang po, ayaw rin naman namin na...

"Sabi nga po ng mga tao, ginagamit ko si Mark para tumaas ang career.

"Pero hindi, e. As much as possible nga, ayokong napag-uusapan.

"Ganito lang naman napag-uusapan ang relasyon namin ni Mark, kapag presscon or ambush interview.

"Pero never ko inano... Kumbaga, kapag tinanong ako, sinasagot ko naman po."

Selosa ba siya?

"Hindi ako selosa," sagot ni Ynna.

"Pero may mga pagkakataon na nagiging selosa ako. Pero siya, mas seloso.

"Wala akong problema kahit sa trabaho, kahit na ayoko, palagi kong sinasabi sa kanya na ’Gawin mo.’

"Kasi, bakit ko naman papakialaman ang career niya kung ikabubuti naman niya, di ba?

"At saka, bakit ako gagawa ng move na ikasisira niya?

"Yun kasi ang hindi ko masabi sa lahat ng tao, di ba?

"Kung puwede ko lang i-explain sa buong mundo na hindi ganoon ang ginagawa ko."

Paano magselos si Mark?

"Siya kasi yung, may lumapit lang, halimbawa, lalaki ’to...

"Naiintindihan ko rin kasi siguro sa mga napagdaanan niya."

IS MARK REALLY THE ONE? Nineteen years old pa lang si Ynna.

Pero kung titingnan, tila seryoso na talaga sila ni Mark sa kanilang relationship.

Tanong ng PEP, at this point, masasabi ba niyang si Mark na talaga ang lalaking para sa kanya?

"Nineteen pa lang po ako. Pare-pareho po kaming marami pang pangarap.

"Ayaw po naming sirain yun. Kaya nga po kami relaxed lang sa relasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pa kaming pangarap at gusto naming ituloy lahat yun.

"Lahat ng pangarap ng nanay ko sa akin, gusto rin niya, matupad ko bago namin isipin yung settle down.

"Dumarating din naman po na pati ang daddy ko, nakakausap niya, at natutuwa po ako dahil nag-e-effort po siya na magustuhan ng daddy ko.

"Na walang sinuman na nakagawa.

"Ayoko rin naman pong magsalita ng patapos. Hindi pa rin naman po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari."

Pero napag-uusapan na nila ni Mark ang future?

"Opo, napag-uusapan namin," sagot ni Ynna.

"Napag-uusapan ng pamilya niya. Napag-uusapan ng pamilya namin.

"Pero ako po, ayoko rin po kasi ng negative. Ayoko rin pong isipin ang future.

"Kasi, ang mangyayari, masyadong aasa. So, hanggang nandito kami sa present, ito muna ang inaano namin.

"Kasi, habang tumatagal, marami rin kaming problemang nae-encounter."

Ayon kay Ynna, wala raw problema sa pamilya nila ni Mark.

"Nagkaroon ng time na hindi [okay] dahil sa isyu na yun, sa pera, na hindi namin alam kung saan nanggaling.

"Pero noong nagkausap-usap na, nagulat din lahat saan nanggaling.

"Kaya doon ko na rin sinabi na, ’Dahil okay tayong lahat, sana huwag tayong magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao.

"’Kasi, nakikita nila kung anong klaseng relasyon meron ang pamilya ko, pamilya n’yo, gagawin nila ang lahat para masira yun.

"’Mas okay na okay tayong lahat kesa sa paninira ng ibang tao.’"

MISSING HER YOUTH. At this point, hindi ba niya naiisip minsan na baka being in a serious relationship for three years, she could be missing something in her youth?

"’Yan nga ang palaging tanong sa akin!" natatawa niyang sabi.

"Pero sabi ko nga, suwerte si Mark.

"Siguro dahil na rin sa pagpapalaki sa akin ng nanay at tatay ko, hindi ako nasanay sa mga gimmick-gimmick.

"Kumbaga, yung pinaka-gimmick ko, movies, or kung may gimmick mood na girlfriends or friends na lalaki, magagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nag-iisip siya [Mark], pero pinapayagan niya ako.

"Ayaw rin naman niyang yung nanay at tatay ko, pinapayagan ako, tapos siya, hindi.

"Alam kong nahihirapan din siya. Pero ginagawa niya para mag-enjoy ako.

"Pero ang suwerte niya kasi hindi ako yung every night, gimmick.

"Kahit yung meet other guys, hindi ko yun nami-miss.

"Nagkaroon din naman ako ng crushes, MU before, na-enjoy ko rin ang kilig.

"Sabi nga ni Mommy, parang nalulungkot daw siya dahil hindi ako nakakapag-enjoy.

"Parang ganoon daw ang nangyari sa kanya dati.

"Pero sabi ko naman, choice ko naman ’to. Wala naman akong problema.

"It’s not because I’m in a relationship, hindi ako nag-e-enjoy, hindi naman po.

"Wala lang akong nami-miss.

"Mas gusto ko pa ngang kasama siya para hindi siya nag-iisip.

"Wala rin naman sa utak kong gumawa ng masama para mawala ang trust ng mommy ko, ni Mark.

"So, happy ako," pahayag ni Ynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN