Karylle on marriage annulment of her parents: "Finally, the healing can start."

"It’s still part of the separation that I experienced when I was very, very young. It’s not completely that I am overjoyed. I am happy that it’s done but I believe...we celebrate beginnings and when it doesn’t come to a good ending, parang di dapat mag-celebrate. But instead we should concentrate on the healing further," says Karylle about her feeling now that the annulment of her parents’ marriage has been grante


Ayon sa singer-actress na si Karylle, na-misinterpret daw ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla nang ilagay nito sa kanyang Twitter account noong May 13 ang sumusunod:

"None of my girls got engaged. PAK! Unahan pa ako?! Ayaw. Double PAK! haha"

Ito ay may kinalaman sa napabalitang engaged na raw si Karylle at ang boyfriend nitong si Yael Yuzon ng bandang Spongecola.

Ani Karylle, "Hindi pa naman niya [her mom] kami gustong mag-asawa.

"Ang turo niya sa amin was, first thing, not to get married before you’re eighteen, pero parang na-extend kami!"

Ito ang pahayag ng Showtime host sa launching niya bilang endorser ng Philips kaninang tanghali, May 25, na ginawa sa The Lounge, Tomas Morato, Quezon City.

Ayon pa kay Karylle, she will interview her mom sa birthday salubong nito sa Biyernes.

But is she looking forward na makasal na ang kanyang ina at ang Comedy King na si Dolphy matapos maghintay ng 10 years bago na-grant ang annulment ng kasal ng Divine Diva sa ama ni Karylle?

"Siyempre, it was a long process and they already had one plan na nasira dati.

"Ayoko naman na ako pa ang mag-pressure sa kanila to get married na. Siyempre, malaki na sila," sagot ni Karylle.

ANNULMENT. Pero ano ang naging reaction ni Karylle nang malaman niya that the annulment of her parents—Zsa Zsa Padilla and Dr. Modesto Tatlonghari—has been granted? Nalungkot ba siya? (CLICK HERE to read related story.)

"Siguro it was more na, finally, the healing can start.

"Kasi until it’s enforced, parang there’s something hanging na mabigat.

"Sabi ko, ’Kailan kaya ito matatapos?’ It took 10 years.

"So, for me, it’s more of prayers na lang na finally they can close that chapter in their lives," pahayag ni Karyle.

Ang mommy raw niya ang nagbalita sa kanya regarding the granting of the annulment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

They were communicating online at sinabi raw ng kanyang mommy na lumabas ang desisyon regarding the annulment.

Hindi raw niya masasabi na naging happy siya that the annulment that her mom had been waiting for has been granted.

"It’s still part of the separation that I experienced when I was very, very young.

"It’s not completely that I am overjoyed.

"I am happy that it’s done but I believe...we celebrate beginnings and when it doesn’t come to a good ending, parang di dapat mag-celebrate.

"But instead we should concentrate on the healing further," sabi niya.

Wala naman daw sinabi ang kanyang daddy, except hindi raw maganda ang picture nitong ginamit sa artikulo when a news item about the annulment came out.


Sabi ni Karylle, sana raw, siya na lang ang nag-provide ng picture ng kanyang ama para guwapo naman daw ang picture na lumabas.

Para malaman din daw ng mundo na guwapo ang kanyang daddy.

"Siyempre ang tag pati sa kanya ay ’estranged husband,’ which is not the nicest of words," wika ni Karylle.

"I mean it, it doesn’t mean anything bad, but siguro dahil Pilipino tayo, hindi natin alam ang meaning ng estranged.

"Parang ang naiisip lang natin ay strange.

"Kasi, ano ba ang meaning no’n, di ba?

"Up to now, I haven’t looked up the meaning of the word kasi parang nakaka-offend pakinggan.

"Kasi for me, he has his side of the story and he is my dad, and I love him very much.

"So iyon na nga, so finally the healing can start for both of them, yung completely.

"Kasi kahit paano, hangga’t walang healing, hindi iyon matatapos."

Okay naman daw ang daddy niya, pero hindi raw niya alam kung may girlfriend ito.

Kaya ito raw ang itatanong niya rito pag nagkita sila at nagkausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero okay naman daw kay Karylle kung sakaling may makatagpo ng babae ang kanyang daddy na mamahalin nito.

"Everyone deserves to be happy," wika pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN