Enzo Pineda on Louise delos Reyes: "We consider each other special."

Asked if he’s willing to wait for Louise delos Reyes’s love, StarStruck V First Prince Enzo Pineda replied firmly, "Oo naman!"


Bihirang magkasama-sama sa iisang event ang Kapuso artists katulad ng naganap kagabi, May 24, sa Republiq sa Resorts World, Pasay City.

Sa pambihirang pagkakataon ay nagtipon-tipon ang karamihan ng mga bituin na nasa pangangalaga ng GMA Artist Center (GMAAC) para saksihan ang launching ng kanilang catalogue na pinamagatang The Black Book.

"Masaya ako, lalo na yung mga fellow StarStruck V batchmates ko, minsan na lang kami magkita," masayang bungad ni Enzo Pineda nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kasi naman kami, sa StarStruck, parang family na kami. So, talagang time ito para makipag-bonding sa kanila."

Natutuwa rin si Enzo dahil sa wakas ay nailunsad na ang The Black Book at may pagkakataon na ang publiko na makita ang mga magagandang larawan ng kanilang paboritong Kapuso stars.

Ang kilalang fashion photographer na si Doc Marlon Pecjo ang naatasang kumuha ng mga larawan, at talagang magaling naman ang kinalabasan nito—kitang-kita sa mga retratong naka-display sa lobby ng Republiq.

FAMILIAR WITH DOC. Dati na palang nagkasama sa isang photo shoot sila Enzo at Doc kaya kahit papaano ay pamilyar na siya kung paano magtrabaho ang sikat na photographer.

Subalit hindi pa rin daw alam ni Enzo kung ano ang aasahan at kalalabasan ng kanyang kuha para sa catalogue nang dumating siya sa lokasyon ng pictorial.

"Challenging siya kasi every photo shoot namin iba ang peg mo, iba ang gusto nilang dating.

"So, challenging siya while at the same time, confident ako dahil alam ko na may magaling na team to back us up para maganda yung kakalabasan ng picture ko," sabi ng StarStruck V First Prince.

True enough, nagulat daw si Enzo nang makita na niya ang final layout ng kanyang mga larawan bago pa ilabas ang catalogue.

"Parang, ’Wow! Ako ba ’to?’ Di ko akalain na magiging ganun kaganda yung picture ko!" reaksiyon ng batang aktor nang masilayan ang pictures niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL FRIEND. Sinamantala na rin ng PEP ang pagkakataon para tanungin kay Enzo kung kumusta na ang panliligaw niya sa fellow Kapuso star at dating lead star ng Alakdana na si Louise delos Reyes.

"Okay naman kami. She’s special to me," nakangiting tugon ni Enzo.

Dugtong pa niya, "Actually, siya ang inspirasyon ko."

Kapansin-pansin ang pagiging kumportable ng dalawa sa isa’t isa kagabi kaya marami ang nagtataka kung nasa ligawan stage pa rin ba sila, o baka naman sinagot na siya ni Louise.

"Ligawan stage pa rin," mabilis na sagot ni Enzo.

"Getting to know each other. Pero we consider each other special."

Ano ba ang mga katangian ni Louise na nagustuhan ni Enzo?

"Sweet, caring, mapagmahal. Bonus kasi yung looks, e. Maganda siya, talented...

"Actually lahat ng hinahanap ko sa babae, siguro meron si Louise nun."

Pinabulaanan din ni Enzo ang lumabas na usapin dati na nainis diumano ang kapareha ni Louise na si Alden Richards sa kanya dahil sa pagdalaw-dalaw niya sa set ng Alakdana.

"Hindi totoo yun na parang pinapalayo ako kay Louise.

"Hindi ko talaga alam kung bakit lumabas yung isyu na yun.

"Kasi kami naman ni Alden, magkaibigan na kami ever since.

"Nung bago siya mag- Alakdana, nakasama ko na siya dati sa StarStruck V.

"So, nagulat na lang ako na bakit may ganun na lumalabas na intriga.

"Actually, dumalaw nga ako sa set, pero nag-usap kami ni Alden kasi magkaibigan kami," paglilinaw ng batang aktor.

WORKING WITH LOUISE. Excited si Enzo dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho si Louise para sa isang episode ng Maynila, na napapanood rin sa GMA-7.

Masayang balita ng aktor, "First team-up namin ni Louise this coming Saturday sa Maynila.

"Ang role namin dun mag-girlfriend ’tsaka mag-boyfriend."

Umaasa ba siya na sana ay mauwi sa totohanan ang papel na ginampanan nila sa nasabing programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, sana," sagot ni Enzo na biglang nag-blush.

"I’m looking forward to that."

Bukod sa upcoming appearance sa Maynila ay abala rin si Enzo dahil may mga programa nang ipinagkaloob sa kanya ang Kapuso management para sa mga susunod na buwan.

"Isa ako sa lead stars ng Spooky Nights in this series which is titled ’Snow White Lady and the Seven Ghosts.’

"Kasama ko diyan sina Rhian Ramos, Daniel Matsunaga, and marami pang iba.

"This June, mag-i-start na rin ang aming teleserye na Jump.

"Kasama ko naman diyan sina Mark Herras, fellow Starstruck Rocco [Nacino], Steven [Silva], Diva [Montelaba], ’tsaka sila Kris Bernal, at marami pang magagaling na artista."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN