Akihiro Sato’s father and sister arrive from Brazil to spend time with the model-actor

Akihiro Sato personally welcomed his father Itiro Sato and sister Tieme at the Ninoy Aquino International Airport last night, May 24. Akihiro’s family reside in Brazil and will spend a one-month vacation in the Philippines.


Dumating kagabi, May 24, via United Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ama at kapatid na babae ng Brazilian-Japanese hunk at first-ever Celebrity Sole Survivor na si Akihiro Sato.

First time magbabakasyon sa Pilipinas ang ama ni Akihiro na si Itiro Sato, at second time naman ng sister niyang si Tieme Sato na makabalik sa Pilipinas.

Tuwang-tuwa si Akihiro dahil matagal na niyang gustong magbakasyon ang kanyang ama dito sa Pilipinas.

Gusto raw niyang ipagmalaki sa kanyang 60-year-old father ang ganda ng Pilipinas at kung gaano kabait ang mga tao rito.

Two years na raw kasing hindi nakakabalik sa Brazil si Akihiro dahil sa sunud-sunod na trabaho niya rito sa Pilipinas.

Kaya gumawa siya ng paraan para ang ama naman niya ang makapunta rito.

"I miss my father very much," sambit ni Akihiro sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Showbiz Central.

"It’s been two years and I always make plans to go home to Brazil and see my family.

"But there is always work. Sobrang busy, that’s why I couldn’t fly home.

"I always keep in touch with them through Skype, or by Internet, chatting.

"But it is not the same when your loved ones are with you in person.

"That’s why I really saved up for their tickets so that they can come here and see the beauty of this country."

PROUD DADDY. Hindi marunong magsalita ng English ang ama ni Akihiro dahil Portuguese ang salita nito.

Kaya ini-interpret na lang ng model-actor sa kanyang ama ang mga tanong rito.

Pero ang sister ni Akihiro ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng konting English.

Sa tanong namin kung gaano ka-proud si Mr. Sato sa kanyang anak, ito ang sinagot nito as interpreted by Akihiro:

"My dad said that he is very proud of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even though we don’t see each other a lot, he gets to watch me through the Internet.

"He also read articles about me when somebody interprets it to him.

"And he’s happy that I am doing good in the Manila.

"He always wants the best for his children, and he is happy that I am doing good in my chosen career."

PHILIPPINE TOUR. Nakaplano nang ipasyal ni Akihiro ang kanyang ama at kapatid sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, tulad ng Palawan at Boracay dahil mahilig sa beach ang kanyang pamilya.

"Pero there’s a storm coming, right? So we might stay put muna dito in Manila until the weather clears.

"They will be here for a month so there will be more time to bond with them.

"Like what I said, I really miss my father because he is my idol.

"I always look up to him.

"For me, he is the best father and the best chef.

"He cook really good and I learned that from him," sabi ni Akihiro.

CHILDHOOD SWEETHEART. Kasama rin ni Akihiro sa pagsundo sa father at sister niya sa airport ang kanyang Brazilian girlfriend na si Anaue Santos.

Botong-boto nga raw ang ama ni Akihiro kay Anaue dahil mga bata pa raw sila sa Brazil ay magkakilala na sila.

"Anaue has been part of our family ever since," sabi ng Brapanese hunk.

"We were still kids back in Brazil when we met. My family likes her and she is treated like family.

"My father is happy that we are still together after all these years."


CAPTAIN BARBELL. Tinanong din ng PEP si Akihiro kung kailan siya lalabas sa GMA-7 fantaserye na Captain Barbell.

Gagampanan niya rito ang papel ni Bruno, na isa sa makakalaban ng bidang si Richard Gutierrez.

"Sabi nila sa June ako mag-taping," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Captain Barbell is for two seasons, that’s why I haven’t started yet.

"I just came back din from a trip in Paris and Rome. It’s a combination of work and vacation.

"Since I haven’t started taping yet, I took some modelling jobs in Europe.

"Now that I am back, I want to work now and I will take my father and my sister to my tapings in GMA-7.

"I want them to see the work environment and the people I am working with."

Para kay Akihiro, parang advance Father’s Day gift na niya ito sa kanyang ama.

"That’s right, June is Father’s Day.

"It’s good timing because he is here for a month and we will be doing a lot of things together.

"It’s a good thing that my father agreed to travel since it is a tiring fourteen-hour flight from Brazil to Manila.

"I am worried about his health kasi.

"But when I saw him smiling at the arrival area, I know that he is okay and I am happy to know that is finally here with me," sabi ni Akihiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN