Rhian Ramos breaks silence after controversial breakup with Mo Twister

"Pag binuksan mo ang puso ko ngayon, I have peace naman. I think that’s the most important thing. Kung ano man mangyari, I’m peaceful. I’m at peace. Alam ko kung ano ang kaya kong gawin," says Rhian Ramos.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapayag ng GMA Artist Center na magsalita si Rhian Ramos tungkol sa pinag-uusapang breakup nila ni Mo Twister.

Dumalo si Rhian noong nakaraang Martes, May 24, sa story conference ng bagong serye ng Spooky Nights.

Dito ay tampok ang tambalan nila ni Daniel Matsunaga, na may tentative title na "Snow White Lady and the Seven Ghosts."

Doon sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress.

Maingat ito sa mga binibitiwang pahayag.

Lalo na sa mga naramdaman nito, sa mga plano niya sa hinaharap, at kung paano niya malalagpasan ang kasalukuyang pinagdaraanan.

Sa ngayon ay gusto raw niyang magpaka-busy dahil hindi raw niya kaya ang walang ginagawa.

Kaya habang hindi raw gaanong hectic ang kanyang schedule, nagdyi-gym siya, nag-aaral, at nagiging abala sa iba pang gawain.

"Ako yung tipong tao na hindi ko keri na hindi ako busy.

"Pagka may bakasyon ako, I take the time to learn.

"May mga courses akong kinukuha sa school.

"Para naman hindi lang ako na iisa lang ang focus ng buhay ko, may back-up lagi," pahayag ng young actress.

Ayon pa kay Rhian, "More than anything, it’s just for myself.

"Ito ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin, sa wakas nagkaroon din ako ng time.

"Hindi ko kailangang ilagay ang energy ko sa ibang bagay, trabaho lang just for me and my family."

HIRING A LEGAL COUNSEL. Nilinaw rin ni Rhian sa PEP na ang pagkuha niya sa serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan ay desisyon niya at hindi galing sa iba.

"Ako ang kumuha at hindi yun desisyon ng ibang tao," sabi niya.

"I had the feeling na kailangan ko sila.

"Kinausap ko sila and, basically, siyempre job din nila na i-advise ako.

"But at the end of the day, ako rin ang nagsasabi kung ano ang gusto kong mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagdesisyon kami to fix everything quietly—and wala, happy naman ako."

NOT IN CONTROL. Agree naman si Rhian na maayos ang mga problema nang hindi na aabot sa demandahan, pero hindi naman daw niya kontrolado ang gustong gawin ng ibang tao.

Hindi niya binabanggit si DJ Mo.

Malinaw na naninimbang siya sa mga sinasabi, lalo na’t alam naman nitong ang radio jock/TV host ang aming tinutukoy.

"Wala naman akong control sa ibang bagay. Control ko lang sarili ko, di ba?" sabi ni Rhian.

"So, kung ano yung gusto kong mangyari, sometimes hindi yun ang makukuha ko.

"Yung naku-control ko lang yung kung paano ko ito iha-handle, for me only.

"Kung iha-handle ng ibang tao in a different way, wala na akong magagawa. I will have to change my moves.

"Ayoko lang yung feeling na may magagawang mali yung tao, tapos wala kang magagawa.

"I think everyone naman has a choice," makahulugan niyang pahayag.

FEARS. Sa ngayon ay masasabing payapa na raw siya at walang pag-alinlangan.

Hindi naman niya itinatangging may takot siya sa kung ano mang darating, pero kailangan daw niyang harapin.

"There’s a lot that worries me and there’s a lot also that doesn’t.

"Kasi at the end of the day parang buhay ko ’to, e.

"Walang makakakuha sa akin, buhay ko pa rin ’to, walang makakakuha nito sa akin.

"So, magagawa ko pa rin ang tinitingin ko na tama para sa sarili ko."

LESSONS. Tinanong ng PEP kung ano ang leksiyon na natutunan niya sa pinagdaanan niya sa kanyang lovelife.

Ayon kay Rhian, "Yung pinakaimportante is always think of number one.

"Number one is yung sarili mo. Always think of yourself yung bigyan mo ng importance, na just do what is good for yourself.

"Kasi kung minsan nagdidesisyon ang ibang tao na hindi for themselves, pero para sa iba, or kahit ayaw nilang gawin, gagawin na din nila yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero parang I think na kung may isang bagay na kung hindi ka kumportableng gawin or whatever, just think of yourself.

"So, at the end of the day, right now, I’m thinking of myself.

"I’m gonna work, I’m gonna have fun, I’m gonna learn, I’m gonna go to school, gonna make myself a better person."

Naranasan ba niya noon na hindi niya iniisip ang kanyang sarili kundi ang gusto ng ibang taong minahal niya?

Matagal na nag-isip si Rhian bago siya sumagot.

"Hindi ko alam," sambit niya.

"Basically, pinu-form ko lang naman ang mga sinasabi ko base sa mga nararanasan ko.

"Hindi naman ako magsasabi ng isang bagay na hindi ko pa nararamdaman o hindi ko pa nadadaanan.

"I think sa lahat naman na pinagdadaanan ng tao, it’s just makes them grow and dapat lang natatanggap mo siya in the right place para mag-grow ka.

"Hindi yung pag may mangyaring masama parang give up na.

"It’s important na pinag-iisipan mo ang lahat na mga nangyari.

"You have to turn it around to make it good for you," sabi pa niya.

NO MORE TWITTER. Agree ba siya sa sinabi ng mga abugado niya na nakuha na niya ang freedom na matagal na niyang hinahangad?

"I think in time makukuha ko lahat ng gusto ko. Basta it’s just take time and effort.

"Hindi ko alam kung now na yung time na yun. Parang slowly but surely," pakli nito.

Hindi rin daw niya diretsahang masabi na normal na ang takbo ng kanyang buhay.

"I guess life is normal minus twitter!" natatawa niyang sabi.

"Kasi, ayoko na talaga na parang ini-invade yung space mo, e.

"So, feeling mo na may pumapasok na ibang tao na, lalo na yung last na nangyari, na natatakot talaga ako, lalo na isipin ng ibang tao na sinabi mo, tapos hindi naman ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang na-turn off lang ako."

Hindi na ba siya magtu-Twitter uli?

"Nangingibabaw pa rin ang pagka-miss ko sa mga fans ko.

"Yun lang kasi ang communication ko sa kanila.

"I think naman one day kakayanin kong bumalik without being angry or whatever."

Hindi raw niya binabasa ang mga ipinu-post ni DJ Mo sa Twitter account nito, pero hindi maiwasang nakakarating naman sa kanya.

"It’s okay lang naman," sabi ni Rhian.

"Hindi ko naman maku-control yung gustong gawin ng ibang tao, e.

"Ang maku-control ko lang kung paano ako magri-react sa mga gagawin sa akin or whatever."

Ano naman ang naramdaman niya sa mga madamdaming tweet ni DJ Mo?

"Hindi ko masasabi yun sa TV," sagot ni Rhian.

"Hindi ko ano... Iilan lang yung honestly masabihan ko kung ano ang nararamdaman ko.

"Basta, as for the rest of the world, gusto ko lang malaman nila na happy ako.

"No matter what, happy lang ako," diretso niyang sagot.

READY TO LOVE AGAIN? Ngayon, handa na ba siyang umibig muli o mag-entertain ng mga manliligaw?

"’Yoko na, ’no!" pabiro niyang sagot sa amin.

"Maaga naman para isipin yun.

"Basically, yung iniisip ko sa ngayon is about me muna."

Para may mapiga pa rin kami kay Rhian, nagpaka-Boy Abunda kami ng tanong na kung haharap siya sa salamin, ano ang sasabihin sa sarili, at ano ang nilalaman ng kanyang puso sa ngayon?

"Sabihin ko, ’O, alam mo na?’" natatawa niyang sagot.

"Para bang...na dapat na just be more aware and think with your head.

"Pag binuksan mo ang puso ko ngayon, I have peace naman.

"I think that’s the most important thing.

"Kung ano man mangyari, I’m peaceful. I’m at peace.

"Alam ko kung ano ang kaya kong gawin," seryoso niyang sabi.

FAMILY SUPPORT. Malaki ang pasasalamat ni Rhian na nandiyan ang kanyang pamilya, hindi siya iniwan at patuloy siyang sinusuportahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun yung napatunayan sa akin ng family ko na talagang there’s no better love than what your family can give.

"Na para bang, sa tingin ko na parang hindi ka perfect, hindi mo kailangan maging perfect para sa kanila.

"Kung kailangan mo sila, susuportahan ka nila na kahit nakatira sa ibang bansa, pupuntahan ka nila dito.

"So, thankful lang talaga ako sa family ko."

Masayang ikinuwento ni Rhian na dumating ang daddy niya noong araw na ’yon.

Pagkatapos daw ng storycon ay magkikita na sila ng kanyang ama.

Kinahapunan, naikuwento sa amin ni Roselle Monteverde-Teo na nakita raw niya si Rhian kasama ang daddy nito sa Starbucks sa Imperial Palace Suites.

Hindi namin alam kung aware si Rhian na nasa itaas lang si DJ Mo dahil may one-on-one interview ito kay Heart Evangelista na pumirma ng kontrata sa Regal Films nang oras na yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN