Rico dela Paz beats other Star Factor finalists for lead role in Bagets

"Weird nga raw ang gusto kong maging—lawyer na puwedeng chef sa isang restaurant. Puwede naman, di ba? Nasa iyo naman kung makakaya mong tuparin ang mga dreams mo. Kaya lagi kong dinarasal na maging maganda ang career ko sa TV5 para yung pang-college ko, ako na ang sasagot," says newcomer Rico dela Paz.


Masuwerte ang isa sa naging finalists ng Star Factor, ang artista search ng TV5, na si Rico dela Paz dahil nabigyan siya ng isa sa lead roles sa youth-oriented series na Bagets: Just Got Lucky.

Ginagampanan ni Rico dito ang role ni JC Enriquez, ang nerdy high school student na head over heels sa isang sexy teacher ng campus played by Survivor Philippines castaway Jef Gaitan.

Isa si Rico sa umabot sa Top 5 ng Star Factor, pero noong apat lang ang maiwan, siya ang natanggal.

Ang mga naiwan ay sina Morisette Amon, Christian Samson, Ritz Alzul, at ang eventual winner na si Eula Caballero.

"Okey lang naman ’yon. Gano’n po talaga.

"Iniisip ko na lang na parang blessing ’yon for me, kasi nga nagkaroon na ako ng show na Bagets at isa pa ako sa mga bida.

"Aside from Bagets, meron pa akong Fantastik every Sunday sa TV5 din," sabi ni Rico sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva Entertainment office last May 18.

Kuwento pa ni Rico, lahat daw ng nakasama niya sa Star Factor ay nag-audition para sa iba’t ibang roles sa Bagets. Pero dalawa lang sila ni Eula ang nakuha at yung iba ay talents na ng Viva Artist Agency.

"Tulad nga ng theme song ng Bagets, just got lucky lang siguro ako at pati na si Eula.

"Kasi lahat kami pina-audition, pero kaming dalawa lang ang nakuha.

"Tinanong ko nga kung bakit ako ang napili nila for the role of JC.

"Sabi nila, bagay daw sa akin at nakaya ko raw yung character na nerd ng barkada.

"So, natuwa naman ako kasi nga first time kong mag-audition sa gano’ng series, tapos napili pa ako."

BONDING WITH THE BOYS. Maganda na raw ang bonding ni Rico with the rest of the Bagets boys na sina AJ Muhlach, Aki Torio, Josh Padilla, at Johan Lourens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag taping daw nila sa De La Salle University campus sa Dasmariñas, Cavite, magulo raw sila at parati silang nag-aasaran.

"Gano’n naman kasi kapag puro boys ang nagkakasama, e.

"Tapos halos magkakaedad lang kami.

"The oldest sa amin ay si Johan. Ako ang youngest.

"I’m only 14 years old, pero turning 15 na ako sa May 27 [Friday].

"Tuksuhan, tapos biruan parati. Kasi nga, may kanya-kanya kaming mga crush.

"Minsan nagkakabukingan kaming lahat.

"Wala lang, kasayahan lang namin ’yon!" tawa pa ni Rico.

EDUCATION ON HOLD. Graduating na sa high school si Rico sa Marist School in Marikina City this school year, pero hindi raw makakapagp-enroll si Rico dahil sa taping schedule ng Bagets.

"Baka kasi puro absent ang mangyari kapag nag-enroll ako this year.

"Sayang naman ang ibabayad na tuition fee kung matatanggal din ako because of absences.

"Malayo kasi location ng taping namin at twice a week kami may taping. Tapos may rehearsals pa ako for Fantastik.

"At the same time, nanghihinayang din ako kasi one year na lang ay tapos na ako ng high school.

"Pinag-uusapan naman namin ito ng family ko, e. Baka tapusin ko na lang ang high school via home study.

"Okey naman ang mga grades ko sa school, e. Gusto ko rin naman tapusin na ang high school," sabi ng newcomer.

COOKING LAWYER. Dream nga raw ni Rico na maging isang lawyer at maging isang chef. Kaya pag-iipunan daw niya ang mga pangarap niyang ito.

"Weird nga raw ang gusto kong maging—lawyer na puwedeng chef sa isang restaurant. Puwede naman, di ba?

"Nasa iyo naman kung makakaya mong tuparin ang mga dreams mo.

"Kaya lagi kong dinarasal na maging maganda ang career ko sa TV5 para yung pang-college ko, ako na ang sasagot.

"Kapag natupad ang pagiging lawyer at chef ko, malaki ang maitutulong ko sa family ko, lalo na sa mga kapatid ko," saad ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN