Jessy Mendiola and Joseph Marco draw inspiration from former Sabel co-star AJ Perez

"Live life to the fullest. AJ was gone too soon. I think it’s better to say ’I love you’ every day or do the best you can with everything that you do," says Jessy Mendiola (left) when asked what she learned about the passing of her colleague and friend AJ Perez (not in photo).

Jessy and AJ were part of a love triangle in ABS-CBN’s defunct teleserye Sabel, alon


Sa tuwing nagkakasama sa isang event ang dating Sabel loveteam na sina Jessy Mendiola at Joseph Marco, hindi maiwasan na tanungin sila tungkol sa kanilang dating kasama sa programa, ang yumaong binatang aktor na si AJ Perez.

Katulad kahapon, Mayo 25, pagkatapos na kanilang hosting stint para sa iniendorso nilang Timex watches, ramdam pa rin na tila may kulang sa pagsasama nina Jessy at Joseph.

Kahit si Jessy, aminado siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na nga ang dati niyang kasamahan.

"AJ has a certain presence. So, until now, I still feel he’s around. Gano’n pa rin," sabi ng dalaga.

Dagdag pa ni Jessy, "The AJ that I know, na nakikita mong masaya, gano’n pa rin ang aura ko. Kahit pumunta ako ng ABS-CBN or sa taping, I still feel that he’s around."

Samantala, hindi naman ikinaila nina Jessy at Joseph na malaking bahagi si AJ ng kasikatang nakuha nila mula sa Sabel.

Sa pagpanaw ng kanilang katrabaho at kaibigan, nagsilbi rin itong paalala sa kanila na dapat maging laging mahusay sa anumang ginagawa.

Ani Jessy, "Live life to the fullest.

"AJ was gone too soon.

"I think it’s better to say ’I love you’ every day or do the best you can with everything that you do."

Sumang-ayon naman si Marco.

Aniya, "Parang life is too short, iparamdam niyo na sa mga taong mahal mo na talagang mahal mo sila.

"And just do good things."

NEXT TV PROJECT. Sa ngayon, hindi pa sila sigurado pareho kung ano ang kanilang susunod na proyekto sa telebisyon.

Abala ang dalawa ngayon sa kanilang regular appearance sa ASAP Rocks at out-of-town shows.

Ayon kay Jessy, "I think right now, pinagpapahinga muna nila kami sa soap.

"Pero sinabihan na rin kami na gagawa na rin kami ng soap, next month maybe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Joseph na ang kanilang panandaliang pagkawala sa pag-arte ay maaring preparasyon nila sa susunod nilang proyekto.

"Right now, parang more on preparation kami.

"Pahinga kami and busy for preparation."

Mainam daw ang tulad nito na hindi sunud-sunod na parehong artista ang nakikita sa telebisyon, lalo pa’t marami silang talents ng Star Magic.

Para kay Jessy, "I think mas maganda siguro kung gano’n, salitan ang stars ng ABS-CBN na magbida sa soap para may variety."

At pabiro naman itong sinegundahan ni Joseph, "Let’s give chance to others."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN