Julia Montes on acting showdown with Kathryn Bernardo in Mara Clara: "Para sa akin po, hindi ko po siya natatalbugan."

"Kasi kung naging effective man po ako na kontrabida, siya rin naman po kasi yung pinaghuhugutan ko, e. So, hindi ko po maibibigay rin yung tamang akting kung wala po si Kathryn," says Julia Montes about comments that she is a better actress than her Mara Clara co-star.


Sa nangungunang serye ng ABS-CBN na Mara Clara, ang young actress na si Julia Montes ang gumaganap bilang Clara—isang maldita at siyang nagpapahirap sa buhay ni Mara, na ginagampanan naman ni Kathryn Bernardo.

Sabi-sabi, hindi raw nalalayo ang role ni Julia sa kanyang tunay na ugali dahil isa rin daw siyang maldita.

Nang minsan daw kasing magpunta siya sa isang kapistahan, tapos may fans na gustong magpa-autograph sa kanya ay hindi raw niya pinagbigyan ang mga ito.

Nag-dialogue pa diumano si Julia na: "Mamuti ang mga mata nila sa kahihintay!"

Pero mariin itong pinabulaanan ng 16-year-old actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng Mara Clara kahapon, May 25, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

"Nakakaloka naman yun! Wala po akong sinasabing ganun!" gulat na reaksiyon ni Julia.

"Hindi po ako ganun. Yun lang po ang masasabi ko—as in.

"Lahat naman po na gustong magpa-picture o magpa-autograph, pinagbibigyan naman po namin.

"Pero may mga times din po talaga na minsan nagmamadali kami...nahihila na po kami papunta sa sasakyan.

"So, hindi po namin napagbibigyan lahat.

"Siguro po ganun ang nangyari."

ACTING SHOWDOWN. Marami namang nagsasabi na mas magaling daw si Julia kesa kay Kathryn sa serye nilang Mara Clara.

Mas lutang daw ang akting ni Julia at natatalbugan daw nito si Kathryn.

Pero ayaw itong isipin ni Julia.

"Para sa akin po, hindi ko po siya natatalbugan.

"Kasi gaya nga po ng sinasabi namin lagi, nagtutulungan po kami every scene.

"Kung nasasabi man po yun, hindi po talaga.

"Kasi sa kanya po talaga ako humuhugot sa bawat eksena po namin," sabi niya.

Pero sa tingin niya, sino ang mas magaling sa kanila ni Kathryn?

"Pareho po kami," sagot ni Julia.

"Kasi kung naging effective man po ako na kontrabida, siya rin naman po kasi yung pinaghuhugutan ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko po maibibigay rin yung tamang akting kung wala po si Kathryn."

Pawang mahuhusay na artista ang kasama nina Julia at Kathryn sa Mara Clara, tulad nina Gina Pareño, Dimples Romana, Mylene Dizon, at Jhong Hilario.

Paano sila nakakasabay sa mga ito?

"Ano po kasi sila, super ang babait po nila sa amin," sabi ni Julia.

"Every scene po, tinutulungan po nila kami.

"Pag hindi po namin magawa yung scene, humihingi po sila ng time kay Direk para i-motivate muna nila kami.

"Andun po talaga yung guidance nila sa amin.

"Napakasaya po talaga nung Mara Clara family, kasi talagang masasabi namin na family po kami."

NOT THE ORIGINAL CHOICE. Paano ba siya nakuha sa Mara Clara? Dumaan ba siya sa audition?

"Opo," sagot ni Julia.

"Dumaan po ako sa proseso ng audition sa lahat ng shows, minsan VTR sa commercials. Ayun po."

Ipinaliwanag naman ni Julia na hindi pala siya ang dapat na gaganap na Clara. Hindi na lang niya binanggit kung sino ang original choice para rito.

"Hindi po talaga ako dapat yung sa role na Clara. Dahil nga natatakot po kami na baka ma-typecast as kontrabida.

"And then, yun po, at least po naibigay pa rin po sa akin yung role."

Pinangarap ba talaga niya na maging isang artista?

"First po, hindi po," sabi niya.

"Parang gusto ko lang pong... Iba po kasi ang dream ko before, gusto ko pong maging chef.

"And then, dumating po yung opportunity, ginrab ko na po."

FROM TV TO MOVIE. Dahil sa success ng Mara Clara kaya binigyan ng Star Cinema ng pelikula sina Julia at Kathryn.

Pero ayon kay Julia, hindi ito yung Mara Clara The Movie.

"Ibang-iba po siya kasi hindi po siya gano’n ka-heavy drama gaya ng Mara Clara.

"Pero more on family din. Pero may mga love story on the side din po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dapat talaga nilang abangan."

Si Sam Concepcion ang kapareha ni Julia sa pelikula. Pero ang original choice para makapareha niya sana ay ang namayapang young actor na si AJ Perez.

May panghihinayang ba siya na hindi natuloy ang pagtatambal nila ni AJ?

"Opo," sagot ni Julia.

"Nandun po ako sa stage na nanghihinayang talaga kasi magaling po si AJ, e.

"Aminin po natin magaling si AJ na aktor.

"And yun nga lang po, maaga siyang kinuha ni God."

SAM & ENCHONG. Nali-link ngayon si Julia kay Sam Milby. Nagtataka lang daw siya kung paano siya nali-link sa Fil-Am actor/singer.

"Ayun nga po, gaya ng sinabi ko sa The Buzz, hindi ko po alam kung bakit ako nali-link sa kanya.

"Kasi parang...Mr. Sam Milby na po siya.

"Nagkikita po kami sa ASAP pag minsan po na naggi-guest kami dun. Naghe-hello lang po ako sa kanya.

"Hindi ko po alam kung saan nanggaling yung isyu sa amin."

So, hindi nanligaw o nanliligaw sa kanya si Sam?

"Hindi po," mabilis na sagot ni Julia.

Pero crush niya ba si Sam?

"Hindi po, e," sabi niya.

"Guwapo po siya, pero ang hinahangaan ko po sa showbiz, e, si Mr. John Lloyd Cruz."

Isa pang nali-link kay Julia ay si Enchong Dee. Pero sabi ng dalaga ay kaibigan niya lang ito.

Paano kung manligaw sa kanya si Enchong?

"Hindi ko po muna iniisip yung mga ligaw-ligaw.

"Kasi work po muna kami ni Kathryn, yun po," nakangiting sabi ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN