JC Tiuseco and Dominic Roco, both once linked to Maxene Magalona, play leading men of Jackie Rice in Sisid

JC Tiuseco (left) and Dominic Roco have two things in common: they were both linked to Maxene Magalona and are now the leading men of Jackie Rice in the upcoming afternoon series Sisid.


Walang ilangan na naganap sa pagitan ng dalawang leading men ni Jackie Rice na sina JC Tiuseco at Dominic Roco nang mag-taping sila para sa afternoon drama series na Sisid ng GMA-7.

Parehong na-link sina JC at Dominic kay Maxene Magalona.

Unang naiugnay si Maxene kay JC nang pagtambalin sila sa GMA-7 drama series na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Nasundan pa ito ng Christmaserye na Sana Ngayong Pasko.

Tapos ay bigla na lang nabalitaang hiwalay na ang dalawa dahil marami raw silang hindi mapagkasunduan.

Si Dominic naman ay na-link kay Maxene dahil magkakabarkada sila ng grupo ni Maxene na sina Glaiza de Castro at Rich Asuncion.

Ang grupo naman ni Dominic ay ang kanyang twin brother na si Felix Roco, Carlo Aquino, at ang kapatid ni Glaiza na si Alchris Galura.

Natsismis pa nga noong pinapagamit ni Maxene ang kanyang kotse kay Dominic kapag may taping ito.

Tulad din sa nangyari kay JC, natapos agad ang love story ng dalawa sa hindi malinaw na rason.

Ngayon ay magkasama ang dalawang lalaking na-link kay Maxene sa isang drama series.

Hindi raw alam nina JC at Dominic na magkakasama sila sa Sisid.

Nalaman na lang daw nila noong magkaroon na ng story conference at hanggang sa masimulan na ang taping.

COMMON DENOMINATOR. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina JC at Dominic sa press launch ng Sisid last Tuesday, May 24, sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi nilang never naman nilang pinag-usapan si Maxene kapag nagkakasama sila sa taping.

Ayon kay JC, matagal na raw niyang nakilala si Dominic bago pa sila na-link kay Maxene.

"Tama nga na hindi namin alam na magkasama kami sa Sisid. Pero wala namang problema sa akin.

"Magkakilala naman kami ni Dominic at kung magkukuwentuhan kami, it’s about sports or ang eksena namin for that certain day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kadalasan din kasi ay kaeksena ko si Dominic.

"Wala kaming pinag-usapan sa mga nakaraan.

"Kaming mga lalaki naman, hindi namin napag-uusapan yung mga ’yon.

"May mga mas importanteng pag-usapan kesa ’yon, di ba?" sabi ng kauna-unahang Sole Survivor ng Survivor Philippines.

Gayundin si Dominic, na walang problema na makatrabaho si JC dahil mabait daw ito at mahusay makisama.

Never daw nilang naging topic si Maxene sa kanilang pag-uusap.

"It’s only proper na hindi yun ang maging topic namin, di ba?

"Tapos naman na ’yon and we have other things to talk about naman.

"Naiinggit nga ako kay JC kasi siya may mga abs.

"Ako kasi wala at kailangan pa ng matinding workout!" tawa ng anak ng veteran actor na si Bembol Roco.

Dagdag ni Dominic, "Pero nakaka-inspire ang tulad ni JC para mapaganda ko rin ang katawan ko.

"Ngayon nga nagiging conscious na ako at sinusubukan ko na makapag-workout.

"Lalo na rito sa Sisid, maraming eksena na shirtless ako. Nakakahiya kapag mga bilbil ang makita sa akin."

JACKIE’S LEADING MEN. Ngayon ay leading men ni Jackie Rice sina Dominic at JC sa Sisid.

Iisa lang ang masasabi nila kay Jackie: Bukod sa maganda at lalo itong sumeseksi, wala raw arte sa katawan at talagang serious sa pagganap nito bilang Eden.

Ani JC, "Bumilib ako kay Jackie kasi kahit na may cast pa ang isang paa niya, talagang lumalangoy pa rin siya.

"Nilalagyan na lang ng takip para hindi mabasa ang cast niya.

"Walang reklamo at napakahusay ni Jackie dito."

Nagkaroon ng injury si Jackie sa isang taping nila ng Sisid na ikinabali ng isa sa mga daliri niya sa paa.

May underwater kissing scenes naman daw si Dominic kay Jackie na hirap na hirap nilang i-shoot.

Kuwento ni Dominic, "Akala namin ni Jackie madali lang.

"Kasi kapag napapanood mo sa pelikula ang gano’ng eksena, parang ang dali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, ang hirap pala!

"Pero nagulat ako kay Jackie kasi talagang game siya.

"Kahit na ilang takes naming kinukunan ang eksena sa ilalim ng dagat, wala kang marinig na complaint from her.

"Nagdyu-joke pa nga siya bago namin kunan ang scene.

"Masarap katrabaho si Jackie kasi palabiro at parang one of the boys lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN