Star for All Seasons Vilma Santos admits negotiating with TV5 for possible movie project

"Actually, isa sa napag-usapan namin, e, they are offering a movie. At sabi ko naman, e, wala namang masama kasi wala naman akong exclusive contract. Lalo na, sila pag gumawa ng pelikula, talagang ginagastusan din kagaya ng Rosario. Kaya sabi ko na lang sa kanila, antayin ko lang ang good script from them. Pag may script na, then pag-usapan na namin," says Batangas Governor Vilma Santos about her talks with TV5 Chairman Manny V. Pan


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Batangas Governor Vilma Santos noong Miyerkules, May 25, sa Batangas, tinanong namin siya tungkol sa napabalitang offer sa kanya ng TV5 at magiging "Kapatid" na raw siya.

Sa ngayon ay identified ang Star For All Seasons sa ABS-CBN, bagamat sa film arm lang nitong Star Cinema siya lumalabas.

Hindi naman itinanggi ng actress-politician na may pag-uusap na tungkol dito.

"Sa totoo lang, nag-meeting na kami with TV5," sabi ni Governor Vi.

"Naka-meeting ko sina Mr. Manny Pangilinan and some executives from TV5.

"Actually, isa sa napag-usapan namin, e, they are offering a movie.

"At sabi ko naman, e, wala namang masama kasi wala naman akong exclusive contract.

"Lalo na, sila pag gumawa ng pelikula, talagang ginagastusan din, kagaya ng Rosario.

"Kaya sabi ko na lang sa kanila, antayin ko lang ang good script from them.

"Pag may script na, then pag-usapan na namin.

"Again, sinabi nila kung available, magkaroon ka ng TV show sa TV5.

"And then also, we talked about some commercials at parang telecommunications.

"But then again, wala pang finality lahat.

"Ang isa pa, yung last na napag-usapan namin ni Mr. Pangilinan, to help me as the governor of Batangas...

"Kung saan niya ako puwedeng matulungan dito sa Batangas. Puwedeng hospital, sa tourism namin dito.

"At handa siyang tumulong sa akin.

"Then siyempre, sabi ko, ’Sige po’. And, in fact, nagpapahanda na ako ng plano for Batangas.

"Tapos sabi ko sa kanya [MVP], iimbitahan ko siya for another meeting.

"Pero alam n’yo kung anong sagot niya sa akin? ’Huwag mo na akong iimbitahin, pupunta ako riyan sa Batangas. Ipaghanda mo lang ako ng tulingan, okey na ako doon! Kaya pag ready na, ipatawag mo lang ako, ako ang pupunta sa iyo.’

"At yun ang kinatapusan ng pag-uusap namin.

"Kaya pinahanda ko na ang plano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos any time within the year, baka mag-meeting kami ulit, kung ano ang matutulong niya sa akin bilang gobernador.

"Sa movie naman," patuloy niya, "nag-aantay lang ako ng script niya para sa akin.

"Kung may magandang script, then why not?

"Non-exclusive naman ako, di ba?"

ABS-CBN REMAINS A PRIORITY. Pero nilinaw ni Ate Vi na pagdating sa TV show at pelikulang gagawin niya, mas uunahin niya ang offer ng ABS-CBN at ng Star Cinema, na mas naunang nakipagsara sa kanya.

"Yung TV show sa Channel 2 at yung movie ng Star Cinema, commitment ko na yun.

"And even before yung meeting ko with TV5, okay na kami ng Channel 2.

"Baka isang movie lang ang magawa ko sa taon na ito, and that is yung sa Star Cinema.

"Pero pag naayos ang sked ko, baka I can do two—one for Star at yung isa nga sa TV5.

"Pero sa ngayon, naka-focus ako for one movie a year.

"Pero kung merong maganda, e, next year, I can do one.

"Gagawin ko ngayon sa Star Cinema, then next year sa TV5 naman.

"Basta ihanda lang nila ang script na talagang yun ang priority ko."

Ano yung TV show offer ng Channel 2 na siguradong gagawin na niya?

"Yung gusto kong gawin sa kanila, e, yung gusto ko na showbiz and public service combined.

"Hindi pa sigurado kung makakasama ko rito si Senator Ralph [Recto, her husband].

"Pero one thing sure, ako muna ang main host.

"Hati ang showbiz at public service. Parang pinaghati yung The Buzz at ang Wish Ko Lang.

"Parang ganun na parang pinagsama. Medyo ipa-finalize pa, pero naka-ready na at pinag-uusapan na namin.

"Pero ang problema talaga, at nakakahiya na, dahil sila ang uma-adjust sa schedule ko.

"Priority ko pa rin ang Batangas. Ayoko namang mapagsabihan na naman ako na ’absentee governor.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang Channel 2 ang nag-a-adjust para sa schedule ko. Kumbaga, sila ang nag-aantay ng availability ko. Even sa meeting namin, sila ang nag-a-adjust. So, sa akin yung delay, kasi sila naman laging naka-ready talaga.

"Kumbaga, ako lang ang hindi makapagbigay ng schedule kasi may prior commitment sa Batangas.

"Kahit na yung In My Life, three years ang planning nila," sabi ni Governor Vi tungkol sa huling pelikula na ginawa niya sa Star Cinema noong 2009.

Ang isa pa sa worry ni Ate Vi ngayong binanggit na niya sa amin ang gagawing TV show sa Dos ay baka maagaw na naman ng iba ang plot ng gagawin niyang showbiz and public service show.

"Ang TV show na offer nila sa akin, e, once a week ito.

"Almost sure at yun lang ang ni-request ko sa kanila, na hindi puwedeng 100 percent public service at hindi rin puwedeng 100 percent showbiz. Kaya yung 50-50.

"So, ito, meron akong guest na mga artista and at the same time, meron din akong nagagawa para naman dun sa mga nangangailangan nating kababayan, especially dito sa Batangas," saad ni Governor Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN