Sheena Halili cried the first time she went topless on Amaya

"Kaya ko rin tinanggap ito, siyempre inisip ko na din na challenge ito sa akin. Para maiba naman ako, para maiba naman ang ginagawa ko. Lagi naman akong comedy, e, kaya medyo para maiba naman," says Sheena Halili about her role in Amaya.


Kasama ang young actress na si Sheena Halili sa epicserye ng GMA-7 na Amaya.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Ahak, isang uripon o alipin na magiging malapit na kaibigan ni Amaya (Marian Rivera).

Bilang isang alipin noong sinaunang panahon, kinakailangang mag-topless ni Sheena sa epicserye.

Pero iniyakan daw ni Sheena ang pagta-topless niya sa test shoot pa lang ng Amaya.

Kuwento niya, "Iniyakan ko siya nung test shoot, pero hindi naman yung iyak na hagulhol. Parang ano lang, parang, ’Ano ba yan?’

"Test shoot po yun, parang gusto pong makita ni Direk Mac [Alejandre, Amaya director] yung mga costume namin ’tsaka yung acting namin.

"Test shoot yun, iyon yung first time ko na nag-topless.

"Ayokong lumabas sa dressing room, ayokong magbihis kasi parang, ’Gagawin ko yun?’

"Alam mo yung, ’Andito na ako, gagawin ko ba?’ Na, ’Ano na Sheena, nakakahiya ka!’

"Na iyon ang sinasabi ko sa sarili ko, na nandito na ako, tinanggap ko, tapos aarte ako.

"Iyon din yung iniisip ko, sabi ko na lang sa sarili ko.

"’Tsaka sinabi naman sa akin ng staff, nila Ms. Cheryl [Ching-Sy, program manager], nila Ms. Camille [Gomba-Montaño, executive producer], ’tsaka si Direk Mac, sabi nila, ’Hindi ka namin papabayaan, anak.’

"Kaya naisip ko, parang, ’Fine, trabaho yan!’

"Kaya ko rin tinanggap ito, siyempre inisip ko na din na challenge ito sa akin.

"Para maiba naman ako, para maiba naman ang ginagawa ko.

"Lagi naman akong comedy, e, kaya medyo para maiba naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa presscon ng Amaya last May 23 sa Studio 7 ng GMA TV Complex.

Patuloy niya, "Pumayag na ako, pero every taping po, inaamin ko na every first scene ko, buma-buckle ako.

"Mas iniisip ko kasi yung kilos ko kesa dun sa linya ko, kesa dun sa arte na gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas conscious siya na huwag makitaan ng boobs, na paminsan-minsan ay nangyayari.

"Opo!" sambit niya. "May mga oras na ganun po talaga.

"So, si Direk Mac na po yung nag-a-adjust. Kino-close-up na lang po niya, kasi hindi talaga maiiwasan."

Ano ang sabi ng parents niya tungkol sa pagta-topless niya?

"Ano, hindi ko na lang din masyadong inano sa kanila kasi ayoko din namang... Siguradong mag-aalala sila siyempre din, na yun nga, topless.

"Tapos sinabi ko sa kanila na hindi lang naman ako, atsaka meron naming takip [na buhok], ’tsaka iingatan naman kami dun.

"’Tsaka yun nga kapag...safe naman.

"Kapag nagtatanggal na kami ng top namin, pinapaalis yung mga hindi kailangan sa set.

"Kaya okay naman po," lahad ni Sheena.

Paano kung may dumating na offer sa kanyang sexy roles dahil sa ginawa niya sa Amaya?

"Iba po yung...hindi po yun ganun... Iba po yun siyempre.

"Parang... Ayokong magsalita ng tapos, pero ako dito kasi, alam ko na wholesome ito, e.

"Medyo revealing, pero para sa buong family naman po ito."

BEST FRIEND. Bilang aliping si Ahak, na matalik na kaibigan ni Amaya, unang beses na gaganap si Sheena bilang best friend o sidekick ni Marian Rivera sa isang teleserye.

"First time," sambit ng StarStruck alumna.

"Sinasabi nga lagi ng mga tao, ’Lagi mo na lang best friend si Marian.’

"Sabi ko, ’First time, ngayon ko lang siya naging best friend.’"

Nagkasama noon sina Sheena at Marian sa Marimar, pero ang kaibigan doon ni Sheena ay si Katrina Halili.

Naging best friend din siya ni Carla Abellana sa Rosalinda.

Sa Ako Si Kim Samsoon naman ay kontrabida si Sheena ni Regine Velasquez.

"Ngayon lang talaga ako magiging best friend ni Marian," ulit ni Sheena.

Sa dalawang beses nilang pagsasama ni Marian, nakilala niya nang husto ang aktres.

Ano ang masasabi ni Sheena sa mga intriga at paninirang suplada, mataray, at maldita raw si Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Yanyan, sa akin, wala naman. Hindi naman siya ganun sa akin.

"Inaalalayan pa nga niya ako dahil alam niya yung topless.

"Sinasabi niya sa akin na, ’Na-feel ko din ’yan nung nag-Dyesebel ako. Masasanay ka din,’ ganyan-ganyan.

"Nag-a-advise siya. Tapos pag ano, tinutulungan niya ako sa set, na sasabihin niya sa mga nasa set, ’Bawas-tao, si Sheena naiilang,’ yung mga ganun."

So, mas inaalala pa ni Marian si Sheena kaysa sa sarili nito?

"’Tsaka pinapakita niya na alam mo yung may mga eksena na nag-topless na rin siya, ano, parang nawala yung takot ko kasi pinapakita niya sa akin na kaya niya, e, na okay lang.

"So, parang ako din, kailangang ganun. At yun nga, sinasabihan niya ako na kaya ko din.

"Kumbaga, nakakahugot ako sa kanya ng tapang," lahad ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN