Dingdong Dantes shifts gears to movies while taking short break from television

"Dream ko talaga ’yon, e. Parang ginagawa ng mga idolo ko, nina FPJ [Fernando Poe Jr.] at Erap [Joseph Estrada]. Noong panahon na iyon, buhay na buhay ang movie industry because ang ginagawa nilang films ay talagang gusto nila. So, in that manner, nagagawa nila ’yong pangarap nila," says Dingdong Dantes about giving more time to film production.


Sa pagtatapos ng comedy series na I ♥ You Pare ngayong gabi, May 27, panandalian namang magpapahinga sa pag-arte ang lead actor nito na si Dingdong Dantes.

"Ini-stop ko muna ’yon para one whole week akong may time just for myself, not thinking about anything," sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kaninang tanghali, May 27, sa Hotel Rembrandt, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Ang naturang press conference ay para sa ikatlong beses niyang pagiging cover model ng health and fitness magazine na Men’s Health mula sa Summit Media.

Subalit pagkatapos nito ay tiniyak niya na magiging abala na muli siya sa iba’t ibang commitments.

Sabi pa ng 30-year-old actor, "Puwede kang walang ginagawa ng one week.

"Pero talagang kapag lumagpas na ang isang linggo na ’yon, mababato ka talaga.

"Kailangan mong maghanap ng gagawin."

Ayon kay Dingdong, maari na niyang simulan ang pagsu-shoot para sa mga nakapila niyang pelikula—isa para sa comeback horror movie project ni Direk Erik Matti, na nakatakdang ipalabas next year; at isa ring horror film kasama si Kris Aquino.

Ang pelikulang gagawin nina Dingdong at Kris ay inaasahang maipalalabas sa 2011 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Sa ngayon ay pina-finalize pa umano ang magiging istorya ng pelikula.

Dagdag pa ng aktor, "Inaayos pa namin. Pero ’yong pag-uusap naman namin, may progress naman parati."

WHY A HORROR MOVIE WITH KRIS? Mas napili umano nila ni Kris na gumawa na lang ng horror kaysa sa love story dahil pareho naman daw nilang hilig ito.

Dagdag pa ni Dingdong, "Mas marami kaming mae-entertain through that medium that we are both comfortable with."

Bukod dito, naisip din ni Dingdong na maaring tangkilikin ito ng mga manonood dahil bihira ang pagkakataon na magkasama ang mga artista ng dalawang nagbabanggaang networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dingdong ay exclusive talent ng GMA-7, samantalang si Kris naman ay taga-ABS-CBN.

Ani Dingdong magandang selling point ang "collaboration" nilang dalawa ni Kris

"Nasa magkaibang istasyon, tapos posibleng gumawa ng pelikula na talagang kalidad at entertaining," sabi pa niya,

BECOMING A MOVIE PRODUCER. Sa pelikulang gagawin niya kasama si Kris, bukod sa pagiging aktor ay isa rin si Dingdong sa mga producer.

Ayon kay Dingdong, balak na raw niya talagang maging involved sa mga susunod na pelikulang gagawin niya.

"Dream ko talaga ’yon, e," sabi niya.

Pagkatapos ay binanggit pa niya ang mga batikang aktor na iniidolo niya na nag-produce din ng kani-kanilang mga pelikula.

Kabilang na ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at si dating Presidente Joseph "Erap" Estrada.

Sabi ni Dingdong, "Noong panahon na iyon, buhay na buhay ang movie industry because ang ginagawa nilang films ay talagang gusto nila.

"So, in that manner, nagagawa nila ’yong pangarap nila."

Ibig sabihin kaya nito ay may posibilidad na magbalik na rin sa pagdidirek si Dingdong?

"Papunta na ’yan doon," sagot niya.

Pero hindi pa raw ito mangyayari sa madaling panahon.

Paliwanag niya, "Mas maganda nga ’yon, e, the more na nami-miss ko, the more na magkakaroon ako ng eagerness.

"Siguro in a couple of years, mas equipped na ako."

Nakapagdirek na ng ilang programa sa GMA-7 si Dingdong, kabilang na ang horror-comedy series na Kakabakaba Adventure at ang pinagbidahan niyang fantaserye na Atlantika.

Sa pelikula naman ay idinirek niya ang "Daddy’s Angel" episode ng trilogy movie na Angels, kunsaan na-nominate pa siya bilang Best Director sa Star Awards for Movies noong 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN