Iwa Moto claims she wasn’t trying to commit suicide: "Ano lang po, sobra sa stress."

Nagtangka nga ba magpakamatay si Iwa Moto dalawang linggo nang nakakaraan?

"Masyado ko pong mahal ang sarili ko para magpakamatay," she says. "Ano lang po, sobra sa stress. I admit stress po ito, and two days before ang nangyaring yun, I was hospitalized because of the, yung binasag ko, and kailangan kong uminom ng antibiotics... Yun, sa katangahan ko nag-antibiotics na walang laman ang tiyan and yun na ang nangyari."


Nakorner ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iwa Moto sa pictorial nito sa GMA Network Center kahapon, May 27.

Tila nakabalik na ito sa dating ayos na masayahin, kaya agad namin nakumbinseng magpa-interview na.

Ang isa sa una naming nilinaw sa kanya ay ang isyung nagtangka itong magpakamatay dalawang linggo nang nakaraan.

Ani Iwa, "Masyado ko pong mahal ang sarili ko para magpakamatay," sabay bitaw ng malutong na halakhak.

"Ano lang po, sobra sa stress. I admit stress po ito, and two days before ang nangyaring yun, I was hospitalized because of the, yung binasag ko, and kailangan kong uminom ng antibiotics."

Two weeks ago, nag-away si Iwa at ang boyfriend niyang si Mickey Ablan, ayon sa report ng PEP. Marami ang nakasaksi na nagtatakbo si Iwa sa may GMA Network Drive na may hawak na bakal at hinahanap si Mickey.

Napagdiskitahan nito ang kotse ng boyfriend at binasag ang salamin sa likuran. Nagkasugat-sugat ang kamay ni Iwa at duguan din ang kaliwang tuhod nito.

Sa pagpapatuloy ni Iwa, "Sa mga gamot kasi atsaka nung ti-nest din ako, marami din akong kulang sa katawan.

"Marami akong vitamins at medicine na tini-take and then I forgot to eat.

"I was alone that time, e syempre sa taas namin, nag-lock ako.

"Yun, sa katangahan ko nag-antibiotics na walang laman ang tiyan and yun na ang nangyari," paliwanag nito.

Ipinakita nito ang dalawa niyang pulso para mapatunayang hindi raw siya naglaslas.

Ayon kay Iwa, kaya hindi raw muna siya nagsalita pagkatapos ng mga gulong nangyari sa kanila ni Mickey dahil gusto raw muna niyang ayusin ang kanyang sarili, pati ang kanyang pamilya at mga taong naapektuhan.

"Talagang sinadya kong manahimik, kasi wala naman akong masasabing ikabubuti ng mga nangyayari, so kailangan manahimik muna ako," aniya.

"Habang nananahimik ako, sini-settle ko yung mga bagay na kailangan kong ayusin. Like yung mga taong naapektuhan, I have to talk to them. Kailangan yung mga bagay na nasira ayusin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa sa una niyang inayos siyempre ay ang townhouse na ginulo ni Mickey. Ang dating kasintahan naman daw ang nagpaayos kaya okay na raw yun.

Nagalit daw siya nang malaman niya ang pagsugod ni Mickey sa tinitirhan nitong townhouse noong nakaraang linggo.

NOT SUSPENDED. Wala itong deretsong sagot sa tanong namin kung may komunikasyon pa ba, madalas ba silang nag-uusap o nagkikita ba sila ni Mickey.

"I don’t want to comment," pakli nito. "Kung ano man yun... basta si Mickey at ako, casual kami. Mas mabuti pang huwag na lang mag-usap para sa ikabubuti ng lahat, kasi hindi siya ang kailangan kong ayusin. Kailangan kong ayusin ang GMA at trabaho ko."

Nagkaroon daw siya ng masinsinang pag-uusap sa GMA Artist Center, kaya nagulat daw siya sa lumabas na balitang naka-freeze ito o suspended siya sa GMA-7.

"First of all, kung suspended ako or frozen ako, dapat ako ang unang makakaalam.

"Noon pa dapat, ako ’ng unang sasabihan ng Artist Center. Wala naman silang in-advice sa akin.

"So as of now, wala rin akong maisasagot dun, but yung naglalabasan na yan lahat naman ’yan e speculations na hindi natin mako-control," pahayag ni Iwa.

Nangako naman daw siya sa GMA Artist Center, sa kanyang pamilya at sa sarili na sa trabaho na ang focus niya at hindi sa lovelife.

Sa tanong namin kung may posibilidad bang magkabalikan sila ni Mickey, "Hindi ko alam. Time will tell, " mabilis niyang sagot.

"Wala akong maisasagot, basta pagdating ng panahon kung kami, kami, kung hindi, hindi. Basta ngayon, magtatrabaho lang ako."

NO LOVELIFE. Dagdag pa nito, "Tungkol sa relasyon, sa lovelife ko... akin na lang yun.

"Wala, as in, ako hindi ko iniisip ngayon ang lovelife.

"Sa akin ngayon, lahat gusto ko lang maayos. Trabaho ko, family ko, Artist Center, yung Andres de Saya, yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako lang lahat. Sabihin niyo na selfish ako or what, I’m just doing the right thing. Ako, ihihiwalay ko muna yung sarili ko sa mga stress ng buhay ko."

Si Mickey ba ang tinutukoy niyang stress sa buhay niya?

"Aminin na natin, ang lovelife, dagdag stress. Huwag na muna. Isantabi muna natin, hindi ko siya kailangan, hindi ko kailangan ng lovelife.

"Ang kailangan ko ngayon mga kaibigan ko, yung family ko, ang GMA," deretsong sagot nito. Sinundan namin ng tanong kung may natitira pa ba siyang pagmamahal kay Mickey.

"Wala siya ngayon sa puso ko. Wala siya ngayon sa akin, nandun siya sa family niya.

"Mag-ingat siya, alagaan niya sarili niya, alagaan niya si Ysabel. Ako, nandito ako sa GMA, para sabihing ’I’m back to work."

Sinamantala na rin ni Iwa ang pagkakataong humingi ng paumanhin sa lahat na nadamay. Sa GMA Artist Center at sa Andres de Saya dahil ito raw ang apektado noong unang nagkagulo sila ni Mickey sa premises ng GMA-7.

"To GMA Artist Center, to GMA network, I’m sorry kasi inappropriate yung ginawa ko. Mali yung ginawa ko, and I admit it.

"I’m sorry sa Andres de Saya, sa stress na naibigay ko sa inyo I’m sorry. Sa lahat, I’m very sorry, and sana let’s not judge kung ano yung isang tao, kung anong mga nakikita niyo kasi hindi niyo siya kilala personally and hindi niyo alam ang pinagdadaanan niya.

"Right now I’m okay, and sana tanggapin niyo ulit ako," patuloy ni Iwa.

Gusto ring iparating ni Iwa sa lahat ng bumabatikos sa kanya: "Wala naman akong magagawa kung negative yung feedback ng tao.

"Again, hindi ko kontrolado yung mga bagay-bagay, at sa mga taong nakakakilala sa akin alam nila na hindi aabot sa ganun.

"Kung naku-kontrol ko talaga, ako yung tipo ng tao na hindi naman naging sagabal ever sa trabaho ko, ngayon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang lovelife ko, for how many years I’ve been working with a boyfriend beside me, never akong nagpaapekto or what, kahit na anong problema na dumating sa akin, hindi ako nagpaapekto. Nagkataon lang nga yun, na napalaki ng media."

At sa kabila ng mga gulong pinagdaanan ni Iwa, ano ang natutunan niya rito?

"Huwag maging padalus-dalos sa mga nararamdaman at sa mga gagawin mo," sagot niya.

"Lagi kang mag-isip, kasi nangyari na before ito e. Naging padalus-dalos ako nung Starstruck, hindi ko nakontrol yung emotions ko, and then I did it again.

"I’m sorry, I’m only human, and I’m sorry na hindi ko na-meet yung expectations niyo but definitely, it won’t happen again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN