JM de Guzman set to launch debut album in July; wraps up shooting indie film for Cinemalaya

JM de Guzman’s debut album will be released in July under Ivory Music & Video. His favorite cut is his own composition, "Carried Away," which he wrote at the back of a Starbucks’ receipt while walking on Katipunan Road.

The song is special, "Kasi iyon yung para talagang nagulat ako e, hindi ko pinaghandaang sulatin, parang bigla na lang lumalabas yung words," he explains.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JM de Guzman sa pictorial niya para sa debut album niya under Ivory Music & Video.

Ginanap ang pictorial ni JM last May 24 sa DPI-XL Studio sa Makati.

Ang unang itinanong namin kay JM ay ang tungkol sa ilan sa mga kanta niya sa album niya na ire-release na by July. May mga covers kasi siya sa album na female artists ang original na kumanta, tulad ng "Kiss Me" (originally by Sixpence None The Richer), "Nothing Compares To You" (by Sinead O’ Connor), "Bizarre Love Triangle" (originally by Frente), at "Pagdating Ng Panahon" (ni Aiza Seguerra).

Baka intrigahin siyang beki o bading...

"Dugong beki pero pambabae yung songs? Ang layo nun.

"Hindi... kung mapapansin ninyo, yung mga songs na... pambabae pero siyempre iniba na namin yung lyrics, tungkol na sa babae, hindi na tungkol sa lalaki," nakangiting paliwanag ni JM.

Ang iba pang nilalaman ng very first album niya ay ang "True" (originally by Ryan Cabrera), "Collide" (by Howie Day), "Out Of My League" (originally by Stephen Speaks), "Sa May Bintana" (originally by James Coronel ng Smokey Mountain), "Everybody Here Wants You" (originally by Jeff Buckley), "Yakap sa Dilim" (ng APO Hiking Society), at ang dalawang original songs na si JM mismo ang nag-compose, ang "Give You The World" at "Carried Away."

Paborito niya among the songs ang "Carried Away."

"Yung kantang ’to sa resibo ko pa sinulat, e ..."

Resibo ng?

"Resibo ng Starbucks. Naglalakad ako sa Katipunan, sa mahabang [resibo], ganun."

HIDDEN TALENT. Paano siya nagsusulat habang naglalakad siya?

"Ah iyon ang isa ko pang talent. Seryoso, oo. Totoo yun, totoo, sa Katipunan."

At kaya raw espesyal sa kanya ang nasabing kanta ay dahil...

"Kasi iyon yung para talagang nagulat ako e, hindi ko pinaghandaang sulatin, parang bigla na lang lumalabas yung words."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba siya noong sinulat niya ang nabanggit na kanta?

"Pakinggan mo yung kanta, tingnan mo. Hindi... kasi yung rendition niya masaya yung pagkakakanta, kaya nga siya na-carried away, e."

Bakit sa Ivory siya nakakontrata, samantalang Star Magic talent siya ng ABS-CBN? May Star Records ang Kapamilya Network.

"Hindi ko alam yung mga system-system diyan, ewan ko. Bakit kailangan bang... hindi ko alam, e."

Sino ang kumausap sa kanya from Ivory?

"Sina Kuya Jon Daza [Artist and Recording manager ng Ivory] tsaka si kuya Albert Sunga [Marketing Manager ng Ivory], through my handler."

Mabuti at pinayagan siya ng Star Magic na sa ibang recording company siya pumirma bilang recording artist.

"Hindi ko talaga alam yung mga... na may ganyan-ganyan pala, basta gusto ko lang mag-record, e. Magkaaway ba yun?"

Hindi naman, kaya lang magkaiba ngang company.

"Hindi naman nila [Star Records] ako in-offer-an, e."

Hindi naman raw masama ang loob niya sa Star Records.

"Hindi! Hindi ko talaga alam na may ganyan-ganyan."

JM’S TOP THREE SEXY ACTRESSES. Tinanong naman ng PEP si JM kung sino ang top three sexiest local actresses para sa kanya.

"Anne Curtis. May mga rason na hindi mo ma-explain. Sa pisikal... kasi hindi ko naman siya kilala e, hindi ko pa siya kilala."

Gusto niya ang mystery ni Anne, na hindi pa niya nakikita in person."

Ang isa pang aktres na nasa list ni JM ay si...

"Dawn Zulueta! Nakita mo na ba siya sa personal? Nakita mo ba kung gaano kakinis ang balat niya? Ang balat niya parang balat ng baby.

"Si Eula Valdes. Ang hot ng dating niya! Parang rock star."

Lahat raw ng mga naging girlfriends niya ay much older than him, pero two years lamang ang agwat.

Ayaw niya kung ten years o higit pa ang agwat.

Pero nasa list niya sina Dawn at Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Crush lang naman, e."

Kaya ayaw niya ng GF na ten years older.

"Ayoko, pero ayoko rin naman ng sobrang bata."

SINGING IDOLS. JM’s idols na mga singers ay sina...

"Si Jeff Buckley, singer siya na naggi-gitara din. Si John Mayer.

"Si Jack Johnson, kasi simple lang sila kumanta, hindi masyadong nag-e-effort, na ’Ang galing ko, ang galing ko!’ pero ang lyrics ng mga songs nila straight-to-the-point, mas ano, parang alam mong totoo, hindi lang basta-basta sinulat.

"Sa local, yung Franco Band."

Sa mga artista, ang mga gusto niyang makasama ay sina...

"Si Joel Torre, si Gina Pareño, si Bembol Roco, para may mapulot ka."

Sino sa mga nakasama na niya ang na-starstruck siya?

"Ah yun, si Miss Dawn! Pero nung nag-start na yung scene, nawala. Kasi ganun siya ka-refreshing. Nung una parang hindi ko siya mahawakan kasi parang feeling ko pag hinawakan ko parang madudumihan siya.

"Pero nung nag-eksena na kami parang ayun na, tuluy-tuloy na na yung flow.

"Si Robin Padilla nung nakita ko sa ABS-CBN, na-starstruck ako, first time kong manigas! Idol ko talaga si Robin since bata ako."

Bad boy rin ba si JM?

"Good boy ako."

Pero paborito niya ang Bad Boy na si Robin.

"Wala lang, parang iyon yung tunay na lalaki, talagang parang bad boy ka man pero ang trato mo sa babae, prinsesa. Iyon ang tunay na lalaki.

"Parang talagang hindi mawawala ang pag-a-idolize ko sa kanya, kahit siguro maging 60 years old na siya, yung ganun, parang forever."

Sa career naman ni JM, tinanong namin siya kung ano pa ang naka-line-up sa kanya pagkatapos ng Mula sa Puso ng ABS-CBN na kung saan siya si "Gabriel," ang karakter na dating ginampanan ng yumaong aktor na si Rico Yan.

"Ah hindi ko inaalam e, sa totoo lang. May mga hapyaw pero hindi ko rin... hindi ako nag-e-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE BREAK. "Meron akong lalabas na indie, sa Cinemalaya, tapos na naming gawin, yung Babae sa Septic Tank."

Dito sa pelikulang ito aksidenteng nahulog sa septic tank si Eugene Domingo at naroroon si JM nang nangyari ang aksidente.

"Kasi ako yung [gumaganap na] producer kunwari nung movie e, tapos artista ko siya.

"Ang maganda nga nun, nung nahulog siya hindi siya uma-aray, pero nakikita mo yung mukha niya, naka-ganun. Pero ayaw niyang mag-stop [ang shoot] kasi pinatapos muna niya yung eksena.

"Pagkatapos ng eksena dun siya nagsisisigaw. Tiniis niya para lang... sayang yung eksena, e.

"Tatlo kami sa movie, actually apat, si Kean Cipriano, siya yung [gumaganap na] director, yung artista namin si ate Uge, tapos yung assistant namin dun sa crew namin si Cai Cortez."

Black comedy ang naturang indie movie.

Hindi ba bata si JM para sa role bilang producer?

"Kaya yun, kasi iyon naman yung parang pinraktis ko e, sa theater, maging character actor."

Two years pa ang existing contract ni JM sa Star Magic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN