PEP EXCLUSIVE: Alessandra de Rossi says financial reasons influenced her decision to seek an exclusive contract

Although Alessandra de Rossi has yet to sign a contract with GMA-7, the Filipino-Italian actress revealed to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) a few details about the deal.

"May agreement na for two years guaranteed na ganito yung kikitain ko, and may show ako, and hindi ako mawawalan," she confided in an interview.


Bagamat kumpirmado na ang pagbabalik ni Alessandra de Rossi sa GMA-7 sa pamamagitan ng upcoming afternoon drama series na Sentensyada, ay wala pa palang pirmahan na nagaganap sa pagitan ng aktres at Kapuso network management.

"May agreement na for two years guaranteed na ganito yung kikitain ko, and may show ako, and hindi ako mawawalan.

"Yun yung naging usapan. I mean, inaayos na lahat yung contract and all. Pero as of now hindi pa rin ako nagsa-sign," pahayag ni Alex (palayaw ni Alessandra) nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 27, sa RAVE Art Gallery sa Scout Magbanua, Quezon City.

Exclusive contract ang hinahabol ngayon ni Alex matapos maging freelancer ng ilang taon, na kung saan ay malaya siyang nakakapagtrabaho sa anumang istasyon na nangangailangan ng serbisyo niya bilang artista.

Naging matapat naman si Alex sa pagsasabing pinansiyal ang pangunahing dahilan kung bakit nais niyang matali ngayon sa isang network.

Ang manager mismo ni Alex na si Manny Valera ang nagmungkahi na mas makakabuti siguro para sa kanyang alaga ang pumirma ng exclusive contract para matugunan ang problema nito pagdating sa pera.

"Kasi lagi kaming namumroblema tuwing bayaran, e. Masyadong malaki yung bills ko. I’m paying for a house, sinusuportahan ko yung family ko sa Italy.

"So may times na parang nawawalan talaga ako ng pera, and hindi naman kasalanan ng ABS [CBN] yun kasi may show naman ako.

"Nagkakataon lang talaga na minsan, masyadong malaki yung gastos and sila [ABS-CBN], hindi sila nagbibigay ng guaranteed contract.

"So siyempre yung manager ko, ’Kung saan ka magiging mas secure, dun muna tayo, until makaipon ka, until hindi ka magkakaproblema," paliwanag ni Alex.

NO HARD FEELINGS. Kasabay ng pagkalat ng balitang pagbabalik GMA-7 ni Alex ay ang mga mensahe na ipinost niya sa kanyang Twitter account na nagdulot ng impresiyon sa ilan na tila may hinanakit ang Filipino-Italian actress sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan lamang sa mga mensahe na isinulat ni Alex sa pamamagitan ng Twitter ay ang mga sumusunod:

"im sorry. maski aso may papeles. meron ako nun ngayon, for the first time in my career, I HAVE A CONTRACT. at least sure ako may work lagi."

"naranasan ko na mawalan. mangapa. at wala akong pwedeng sisihin kasi wala akong contract kahit saan. 13 years tsong. ngayon meron. be happy."

"hindi masaya ang palipat-lipat ng lugar you know. para kang palit ng palit ng jowa. it hurts to let go! choz! ayoko na! BYE!!!"

Tinanong namin si Alex kung may sama nga ba siya ng loob sa Kapamilya network, na nagsilbing tahanan rin niya for almost three years.

"No! Hindi talaga," mabilis na sagot ni Alex.

"As in imposibleng sumama yung loob ko because ang gaganda ng roles na napupunta sa akin.

"In fairness, sa buong career ko yata, nun lang naging ganun kaganda yung roles ko. Yun nga lang, siyempre hindi mo naman din masisisi ako, or sila din—sila hindi nagkukontrata, ako kailangan ko ng kontrata.

"E, talagang magkakalayo kami. Yun lang, pero hindi kami magkagalit. Alam ko naiintindihan nila ako kasi alam din nila ang problema ko sa buhay, e."

Matatandaang lumipat si Alex sa ABS-CBN nung 2008, at magmula nun ay napanood siya sa mga programang I Love Betty La Fea (2008), Komiks Presents: Dragonna (2008), Your Song: Babalik Kang Muli (2009), Tayong Dalawa (2009), Your Song: My Last Romance (2009), Agua Bendita (2010), Agimat: Tonyong Bayawak (2010), Magkaribal (2010), at Green Rose (2011).

Kung tutuusin ay pareho rin naman ang sitwasyon ni Alex kahit nung panahon na nasa poder pa siya ng GMA-7.

Dahil bagamat regular siyang napapanood sa nasabing istasyon ay hindi naman eksklusibo ang pakikipagtrabaho niya sa Kapuso network.

Ngunit sa kanyang pagbabalik sa nasabing istasyon ay marami na siyempre ang naging pagbabago sa personal niyang buhay dulot na rin ng obligasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman kailangan dati, e. Pero now na malaki na yung bills ko, may binabayaran akong bahay, and kailangan ko talaga ng security.

"Kasi may mga times talaga, and totoo yun, natsitsismis pa ako na nawawalan ako [ng pera]—totoo talaga yun!" prangkang bulalas ni Alex.

HAVING A HOME. At dahil balik Kapuso na si Alex ay binalikan namin ang lumang isyu na diumano ay may alitan sa pagitan nila ng aktres na si Rhian Ramos kaya siya nagdesisyon na lumipat sa kabilang bakod.

Supposedly ay kabilang dapat si Alex sa pinagbidahang primetime series ni Rhian na LaLola nung 2008, subalit minabuti niya na tanggihan ang proyekto at tumawid sa Kapamilya network para gawin ang I Love Betty La Fea, starring Bea Alonzo.

Paliwanag ni Alex: "Well, hindi eksaktong yun ang dahilan kaya ako lumipat. Yung inoffer kasing show sa akin nun, si Rhian ang bida and sabi ko, ’Kontrabida na naman!’

"Tapos may personal issue pa kami nung tao noon—’Para saan to?’

"Obviously, mas matanda ako kay Rhian and hindi naman kami yung tipo na mag-aaway sa isang show.

"Alam ko na yung dahilan kung bakit nila kami pinagsasama, it’s because mag-iingay siya.

"E, ako, bilang emotional akong tao, ayoko nung pinaglalaruan yung personal life ko para lang sa ratings. So, huwag na lang."

Bukod kasi sa LaLola ay wala namang ibang proyektong inalok kay Alex noon kaya sinubukan niyang tingnan kung may oportunidad siya sa ABS-CBN nung mga panahon na iyon.

"Feeling ko walang growth and nabu-burnout ako sa kontrabida. Pagdating ko sa ABS [CBN], kontrabida pa rin naman ako!" tawa ni Alex.

"Pero at least ibang attack naman. So yun lang, alam din ng ABS yun na kaya ako lumipat sa kanila kasi hindi ako puwedeng huminto."

Dagdag pa ni Alex, "Tsaka hindi ninyo naman din masasabi na career move yung ginawa ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung ano yung iniwan kong role as kontrabida or supporting ni ganito, ganyan, yun pa rin hanggang ngayon.

"So obviously, trabaho lang talaga yung kailangan ko. Kailangan kong magtrabaho. Hindi ako puwedeng tumigil for another six years."

Pero walang duda na masaya ngayon si Alex at excited siya na maranasan kung paano maging isang exclusive talent pagkatapos ng maraming taon na pagiging freelancer.

"For the first time in my life, may magulang ako. Yun yung sinasabi ko, kung may nag-react dun sa sinabi ko na maski ang aso [may papeles], ganyan.

"Kasi ilang taon na kong artista, 13 years, and never akong natali sa isang network—ngayon lang!

"Alam mo yung feeling na, ’Ah, ito ba yung where I belong?’

"For the first time, masasabi ko na, ’Yes, Kapuso ako!’ or ’Yes, ganito ako!’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN