Raymond Bagatsing doesn’t mind being second choice for role in epicserye Amaya: "It’s not how you got the role but how you commit to the role."

Raymond plays the role of Datu Bugna, ang ama ni Amaya na ginagampanan ng bida na si Marian Rivera. Hindi si Raymond ang original na naka-cast bilang Datu Bugna. Si Phillip Salvador dapat ang nasa naturang role pero nag-backout si Kuya Ipe at nabakante ang role.


Hindi mai-express ng nagbabalik na award-winning actor na si Raymond Bagatsing ang kanyang kasiyahan nang mapasama siya sa malaking cast ng GMA-7 epic-serye na Amaya.

Raymond plays the role of Datu Bugna, ang ama ni Amaya na ginagampanan ng bida na si Marian Rivera. Hindi si Raymond ang original na naka-cast bilang Datu Bugna

Si Phillip Salvador dapat ang nasa naturang role pero nag-backout si Kuya Ipe para gawin ang teleserye sa TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak at nabakante ang role. Doon naisipang kunin ang serbisyo ni Raymond na mabilis naman niyang tinanggap.

Hindi issue para kay Raymond na second choice siya para sa role niya sa Amaya.

"It’s never an issue naman kung second choice man ako sa role ko as Datu Bugna. Ilang beses na rin akong nabigyan ng role sa pelikula noon na hindi ako ang original choice.

"Kahit na ika-sampung choice pa ako, what’s important is that napasama ako sa napakalaking epicserye na ito. I mean, once in a lifetime ka lang makakagawa ng ganitong klaseng series, ’di ba? And I am so proud to be part of it.

"At kahit second choice man ako, I always give it my best. Parating 100 percent ang commitment ko sa performance ko. It’s not how you got the role but how you commit to the role," diin pa niya.

Inamin ni Raymond na sobra siyang overwhelmed sa naganap na press launch ng Amaya sa Studio 7 ng GMA Annex Studio last May 23. Bilib raw siya sa preparation at support ng network sa epicserye na ito.

"It’s such a nice feeling na makita mo na every detail ng ginagawa naming show ay inaasikaso at hindi nababale-wala. Sa press launch na lang, talagang nagulat ako sa sobrang laki ng ginawa nila. Talagang matagal na pala akong nawala sa showbiz kasi hindi ganito ang style noon, e. Tama na ’yung nakaupo kami sa presidential table. Ngayon pagandahan na ng presentation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it’s so great to see ang mga dati mong nakasabayan at nakatrabaho sa pelikula ay kasama mo sa show na ito. Like sila Gina Alajar, Daniel Fernando, Gardo Versoza, Perla Bautista, Lani Mercado, Mon Confiado, Ana Capri, Irma Adlawan, Roy Alvarez, nakatrabaho ko na sila sa mga movies and other TV shows before. Hanggang ngayon nandito pa rin kami.

"Tapos you are cast with the new actors of this generation. It makes me think of how long I’ve been in the entertainment industry. Marami nang bagong mukha but still ang mga ka-edad ko ay nabibigyan pa ng importansya sa mga shows na tulad nitong Amaya."

Nabanggit ni Raymond na mas pinahahalagahan niya ngayon ang kanyang pagbalik sa pag-arte kesa noong aktibo pa siya. Inamin niya he took showbiz for granted at hindi niya masyadong binigyan ng importansya ang ilang mahahalagang bagay noon.

"I admit na may hindi tayo magandang attitude noon. Pasaway ba ang tawag ngayon? Gano’n ako noon. I was taking things for granted. Kahit na nandiyan ang trabaho, still nagpapakita ka na wala kang interes. Alam mo kasi na merong mga darating pang iba. May kukuha pa rin sa akin.

"I was such an — excuse me for saying this—I was an asshole noon. Maraming galit sa akin because of my attitude. Parang devil-may-care ako noon. I was in showbiz just to earn money and win awards. Yun lang ang nasa isipan ko noon.

"Maybe because I was still young then. Napaka-impulsive kong tao. Marami akong gustong gawin na hindi sang-ayon sa iba. Pero wala akong pakialam noon, e. I will work kung kelan ko gusto.

"Ngayon ko lang nare-realize na mali pala iyon. Kung mababawi ko lang ang mga ginawa ko noon, I would. Now I am taking this opportunity na mabigyan ng importance ang muling pagbabalik ko sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This has been my passion and I want to share whatever I learned from this industry sa mga baguhan ngayon. Huwag nilang tularan ang mga hindi magandang ginawa ko noon," tawa pa ni Raymond.

Isa si Raymond Bagatsing sa mahuhusay na lead actors noong aktibo pa ito. He won two Gawad Urian Best Actor awards para sa Milgaros (1998) at Kriminal Ng Barrio Concepcion (1999). Nanalo rin siya ng FAMAS at Film Academy Best Supporting Actor in 2000 for his gay role in Soltera.

Mga nasalihang drama series ni Raymond sa GMA-7 ay ang Kung Mawawala Ka (2001), Narito Ang Puso Ko (2003) kunsaan napanalunan niya ang best supporting actor in a drama series sa Golden Screen Entertainment TV Awards; Saang Sulok Ng Langit (2005), Encantadia (2005), Etheria: Ang Ikalimang Kaharian Ng Encantadia (2005) at Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas (2006), Nagbalik nga siya via ABS-CBN 2’s Sabel in 2010.

Noong 2006 ay sinubukan ni Raymond ang kanyang luck sa America bilang isang aktor. Bukod doon ay gusto niyang makaranas ng simpleng buhay na malayo sa naging buhay niya sa Pilipinas.

"Dumarating ang time sa buhay ng tao na gusto mo tahimik naman, ’di ba? I’ve been in the entertainment business since 1990 and marami na akong naranasan na intriga, most of them were tolerable while the rest simply made me crazy. So I decided I had enough of my life here and tried my luck in L.A."

Five years nawala sa local showbiz si Raymond at naghanap ng bagong career sa U.S. Pero inamin niya na hindi naging madali para sa kanya ang maghanap ng trabaho roon.

"Mahirap talaga. May mga casting agents na gusto ka, meron namang hindi. Kung ang ibang mga actors nga roon nahihirapan to get acting jobs, paano pa kaya ang mga tulad ko?

"Matindi ang competition doon unlike dito na madali kang makakuha ng acting jobs. Doon, ilang buwan kang maghihintay. Since wala naman akong makuhang trabaho pa roon, nandito muna ako. But I still have two agents there na sasabihan na lang ako if I need to fly back to L.A. para mag-audition," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIPS. Habang nasa U.S. si Raymond, nabalitaan din na nagpakasal daw ito sa isang 60-year old lady journalist named Cora Pastrana in 2008. Ang dahilan raw ng pagpapakasal ay para maka-secure siya ng green card. Nag-divorce sila two years after.

Una kinasal si Raymond sa aktres na si Lara Fabregas noong 2001 pero naghiwalay sila noong 2003.

Bumalik sa bansa ang aktor noong September 2010 at kasama niyang dumating ang bago niyang girlfriend, isang Mexican-American girl named Vanessa Ilka Rodriguez.

Kuwento ni Raymond ay baka magtayo sila ng isang Mexican restaurant dito sa Pilipinas. Magaling daw magluto si Vanessa at gustung-gusto nito ang Pilipinas.

"Sa edad ko ngayon, I am praying na ito na ang last relationship ko. Hindi na tayo bumabata and naghahanap na rin tayo nang taong makakasama natin hanggang sa tumanda tayo. I really hope that Vanessa is the one," pagtatapos pa ni Raymond Bagatsing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN