Melissa Ricks confirms breakup with Jake Cuenca: "It’s over."

"And I’m happy that he made me happy for the past two years, pero hanggang doon na lang muna yun," says Melissa Ricks about her breakup with Jake Cuenca.


"To be honest, wala na po kami ni Jake."

Ito ang pag-amin ni Melissa Ricks nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jake Cuenca.

Naganap ito sa launching niya bilang bagong endorser ng Cosmo Skin sa Music Hall ng SM Mall of Asia noong May 26, Thursday.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Melissa tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jake, kahit na ilang linggo nang usap-usapan na break na nga sila.

"I just want to be okey para masaya naman tayo, kahit na papaano.

"And napapagod na ako na takas ako nang takas sa harap ng kamera," sabi ng Kapamilya actress tungkol sa pag-iwas niya sa mga gustong mag-interview sa kanya noon.

Patuloy niya, "I just want everything to be back to normal and wala nang intriga-intriga.

"And sana, maging okay kami."

Nakailang taon ba ang kanilang relasyon ni Jake?

"Two years," sabi niya.

Bakit kailangan nilang maghiwalay?

"Siguro, when people grow, people change," sagot ni Melissa.

"And maybe siguro, we have different sets of priorities. Maybe... Basta, iba.

"And he has problems that he has to fix. I have problems too that I have to fix.

"I have to grow up as well... Basta, there are different things sa aming dalawa.

"And I’m happy that he made me happy for the past two years, pero hanggang doon na lang muna yun."

May third party ba ang breakup nila?

"Walang third party," paglilinaw ni Melissa.

"So, sana, ’wag namang intrigahin si Jake ng masama, coz he didn’t do anything wrong. "

Sa hiwalayan nila, sino ang unang "sumuko"?

"Ay, siguro masyado nang private po para pag-usapan yun. So if ever, ayoko na pong sagutin yun."

Gaano katagal na ba silang hiwalay ni Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Two months," tugon niya.

Naghiwalay ba sila as friends?

"Sana maayos ang friendship namin," makahulugan niyang sagot.

Sa two years na itinakbo ng relasyon nila ni Jake, ano ang mga natutunan ni Melissa?

"Natutunan ko with my relationship with Jake?

"Siguro yung magtira ka ng kaunti para sa sarili mo."

Hindi ba siya nagtira for herself?

"Medyo lang!" tawa niya.

"Slight...meron pa namang natira...

"Eto, I’m being...I’m happier now.

"I’m happy with my friends, I’m happy with my career.

"I’m very happy now, I’m blessed."

Iniyakan ba niya ang breakup nila ni Jake?

"Yes, it’s normal na iiyakan mo talaga ang breakup, di ba?

"And tao rin ako... I’m a teenager, I’m growing up...

"I’m thankful na pinagdaanan ko ito at may paghuhugutan na ako sa mga eksena ko, di ba?

"It’s something na helpful din.

"And marami rin naman akong natutunan kay Jake, hindi lang sa career, hindi lang sa lovelife, sa family...also about life."

Hindi ba siya nanghihinayang sa two years nilang pagiging mag-on?

"Siyempre, manghihinayang ka, coz that was two years of my life.

"And I don’t regret it naman."

Pero naghiwalay ba sila nang maayos?

"Oo, pero sana yung friendship namin, maging tulad pa rin nung dati," sabi ni ng 21-year-old actress.

Kung two months na silang break, bakit noong presscon ng In the Name of Love ng Star Cinema last May 5 ay sinabi ni Jake na sila pa rin? (CLICK HERE to read related story.)

"Siya na lang po ang tanungin niyo," sagot ni Melissa.

"Basta ako, I’ve said my piece na.

"Ayoko namang ano, gugulo lang ang utak ko."

Bakit ngayon lang siya nagdesisyong magsalita o umamin na break na sila ni Jake?

"Kasi, nahihirapan na ako.

"Like when I go out, when I have events, tinatakbuhan ko ang press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like nung premiere night, for me, baka sumabog na lang ako.

"So, I decided na this is a good time to finally say something about it.

"Kumbaga, tapos na. So, pag may mga questions, wala na," paliwanag niya.

Naka-recover na ba siya sa heartache na dulot ng split nila?

"I think naman it doesn’t take so long to heal a [broken] heart.

"Maybe it takes time, but I will be okay."

May point of realization ba siya siya sa takbo ng mga pangyayari?

"Siguro, I just wanna concentrate on my career. On my being a better person.

"Ang relationship right now is out of the question talaga.

"Basta, I’m all for me right now."

Puwede na siyang ligawan ng ibang guys soonest?

"Hindi ako tumatanggap ng mga manliligaw sa ngayon, e," sabi ni Melissa.

"Yung sa nangyari, malaking adjustment siya para sa akin.

"Pero I guess, it’s better coz I get to concentrate on my work.

"And lahat ng free time na maibibigay ko sa friends ko and sa family ko, mabibigay ko na.

"More on sa akin."

Hindi ba worth fighting for ang relasyon nila kaya hindi na niya ipinaglaban?

"Siya [Jake] na lang ang tanugin n’yo diyan," iwas ni Melissa.

Pero in her case?

"In my case, I did my part," sagot niya.

So, may pagkukulang silang pareho?

"Baka," maikli ngunit makahulugang tugon niya.

Na-fall out of love lang ba sila o career move ito?

"Ayoko na lang sagutin kasi ayokong magsalita ng masama o mali.

"Ayokong makasakit ng damdamin ng ibang tao.

"Basta, it’s over.

"I’m happy, he’s happy, and sana things get better."

Lesson na ba ito sa kanya na kapag may dapat na sagutin ay huwag pagtaguan o takbuhan ang press?

"In show business kasi, hindi mo matatakasan ang press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s your job din to do what you need to do.

"And it’s our job naman na... Siyempre, artista kami, yung buhay namin, public. Business din.

"So, siguro... Sana magkaroon din kami sa sarili namin ng kahit na kaunti lang."

Ano ang wish niya for Jake?

"Sana maayos niya ang mga problema niya.

"Sana happy siya sa career niya and sana lang, masaya siya. Everybody should be happy.

"Basta, sa lahat po ng mga sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat.

"Okey na ’yan," sabi ni Melissa na halatang pinigilan lang ang pag-iyak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN