Jinkee Pacquiao declines offer to guest live on Ellen DeGeneres Show

"Sabi ko, ayoko ng live, kasi hindi ako sanay pag live. Tapos siyempre, English yun, so baka mag-nosebleed ako! Hindi ako fluent sa English, inaamin ko naman yun," says Jinkee Pacquiao about the offer for her to guest on the talk show of Ellen DeGeneres.


Ipinagkibit-balikat lang ni Jinkee Pacquiao ang batikos ng ilan laban sa kanyang diumano’y labis na pagsa-shopping.

"Ay, hindi naman! May kanya-kanya naman tayong opinyon sa isang tao, pero hayaan na lang natin kung iyon ang opinyon nila," ang pahayag ng asawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central.

PARIS HILTON. Gayunpaman, good news pa rin ang baon ni Jinkee mula sa U.S., tulad na lang ng pagpapakilala sa kanila ng socialite at hotel heiress na si Paris Hilton na diumano’y dadalaw sa Pilipinas very soon.

"If ever talaga na matuloy siya, ia-announce ko para alam ng mga tao na pupunta talaga siya dito.

"Yung last naming usap nung umalis ako, after the fight [Pacquiao vs Mosley], yung pabalik dito sa Pilipinas.

"So, ’yon lang yung last kasi nahihiya naman akong mag-ano... Alam mo yun, yung parang mauuna akong mag-text, baka busy yung tao," sabi ni Jinkee.

ELLEN SHOW. Inamin naman ni Jinkee na tinanggihan niya ang request ng talk show host na si Ellen DeGeneres na maging guest sa programa nito.

"Kasi live, sabi ko, ayoko yung live," pahayag ni Jinkee.

"Kasi first time kong yung magge-guest sa Amerika, sa CBS pa, tapos live.

"Sabi ko, ayoko ng live, kasi hindi ako sanay pag live.

"Tapos siyempre, English yun, so baka mag-nosebleed ako!

"Hindi ako fluent sa English, inaamin ko naman yun.

"Basta naging totoo lang naman ako na baka ano yung masasabi ko, ayokong magkamali.

"Nanghihinyang din ako, pero naiintindihan naman nila.

"Sabi ko pag taped, parang taping lang na ano, okay lang sa akin.

"Pero pag live talaga, takot kasi akong magkamali, ayokong ma-criticize ng tao.

"Baka next time, baka handa na ako sa ganun," sabi ni Jinkee.

Sa show ni Ellen unang lumabas ang Pinay international singing sensation na si Charice bago siya nakilala sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN