John Estrada denies punching floor director of Happy Yipee Yehey!

"Ganoon naman tayong lahat. Hindi naman sa lahat ng oras, maganda ang mood natin. At ang maganda ro’n, na-realize namin na meron kaming ginawang mali. At inayos namin kaagad at inamin na mali kami. Sa ibang tao kasi, parang ang hirap umamin na may mali silang ginawa," says John Estrada about the incident that happened on Happy Yipee Yehey!.


Last Friday, May 27, lumabas ang balitang diumano’y may sinuntok si John Estrada sa noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!.

Nangyari raw ang diumano’y panununtok ni John sa floor director ng show na si Alex Magbanua noong Huwebes, May 26.

Pero noong Sabado, May 28, binigyang-linaw agad ni John ang tungol sa naturang intriga sa live airing ng show nila.

JOHN EXPLAINS HIS SIDE. Nakausap din ng The Buzz si John at muli nitong pinabulaanan ang intrigang diumano’y panununtok daw niya sa kanilang floor director.

Kuwento niya, "Sa totoo lang, noong umpisa ng show, nabalitaan namin na diumano’y may pinagalitan si Alex Magbanua na studio audience. Ang ingay kasi.

"Pagbalik, hindi na pinabalik.

"Tapos noong kami naman, papunta na sa studio namin, bigla akong niyakap no’ng tatlong matatanda. Umiiyak.

"Na, ’Bakit ganoon yung director n’yo, ang sakit magsalita?’

"Kumbaga, nag-joke siguro, siyempre napahiya yung matatanda.

"Actually, nasaktan ako at, totoo yun, medyo uminit ang ulo ko.

"So, do’n talaga, hindi na ako nakapagpigil.

"Nasabi ko, ’Hindi bale po, Lola, pumasok na po kayo, ako na po ang bahala.’"

Agad naman daw kinausap ni John ang creative manager ng show na si Willy Cuevas tungkol sa mga pangyayari.

Kuwento ni John, "Ang ginawa ko, sabi ko kay Willy Cuevas, ’Brother, kausapin natin [si Alex]. Para hindi na maulit.’

"Pero hindi ko sinasabi na masamang tao si Alex Magbanua, ’no?

"Ginagawa niya ang trabaho niya, pero siyempre, minsan, may mga sensitibo tayong studio audience.

"Minsan, hindi nakakaintindi ng mga jokes natin.

"Tinawag ko si Alex. Talagang pumutok ako.

"Nakita ko ang lungkot at umiyak, e, yung mga lola natin."

Pero ang panununtok daw ni John sa floor director ng Happy Yippe Yehey! ay tahasang itinanggi nito.

"Definitely, hindi ko sinuntok si Alex... Sinuntok ko ang pader.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun ang nangyari. Yun ang totoo do’n."

SETTLING THE ISSUE. Pagkatapos naman daw ng nangyari, nagawa rin nilang maayos kaagad ang sitwasyon.

"Masarap naman ang samahan namin.

"Nagpapasalamat ako kay Mr. M... Mr. Johnny Manahan [director of the show], at talagang nagsisilbing tatay namin dito. Inayos niya kami.

"Humingi na rin po ng paumanhin si Alex sa mga lola natin at tinanggap naman po.

"Sa ngayon, okay na po tayong lahat."

Dugtong pa niya, "Ako, nag-sorry ako kay Alex sa ginawa ko.

"Nag-sorry ako sa lahat ng cast, staff and crew ng Happy Yipee Yehey!.

"Ganoon naman tayong lahat. Hindi naman sa lahat ng oras, maganda ang mood natin.

"At ang maganda ro’n, na-realize namin na meron kaming ginawang mali.

"At inayos namin kaagad at inamin na mali kami.

"Sa ibang tao kasi, parang ang hirap umamin na may mali silang ginawa."

May mensahe rin naman si John sa taong nagkalat ng maling balita sa kanya.

"Wala tayong magagawa ro’n. Trabaho siguro nila. Binigyan ng ibang kulay.

"Ako naman, wala akong takot kahit kanino dahil alam ko kung ano ang totoo," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN