(UPDATED) Enchong Dee admits PEP sighting on him and Julia Montes, but insists it’s not a date

Young actor Enchong Dee confirmed a report that came out on PEP Alerts, stating that he was spotted with Mara Clara star Julia Montes, along with Kathryn Bernardo and Diego Loyzaga dining in a restaurant on Tomas Morato.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Enchong Dee nung Sunday, May 29, pagkatapos ng ASAP Rocks, kung saan isa siya sa mainstay dito.

Inamin ni Enchong na totoo ang lumabas sa PEP Alerts na nakita silang magkasama nung Friday, May 27, ng nali-link sa kanya na si Julia Montes sa Belissimo restaurant, na pag-aari ng aktor na si Cesar Montano.

"Oo, totoo, kumain kami," sabi ni Enchong.

Pero hindi lang daw silang dalawa ang magkasama ni Julia.

"Kasama namin si Kathryn [Bernardo]. Nandun din si Diego [Loyzaga].

"Tapos may kasama rin kaming taga-Studio 23. Tapos, kasama rin namin yung P.A. [personal assistant] ni Kathryn," paliwanag pa niya.

Mako-consider ba niyang date ang paglabas nilang iyon ni Julia?

"Ako kasi talaga, ang pagkakaintindi ko sa date, kapag kayong dalawa lang.

"Kapag kaming dalawa lang, tapos nakita ninyo kami, date yun!" natatawang sagot ni Enchong.

Bakit napailing siya nang may makita siyang press?

"Hindi ako napailing, napaganito lang ako, tsk...ganun. Sabi ko, ’Sakto! Bakit?’ Ganoon lang," paglilinaw niya.

Pero puwede ba silang lumabas ni Julia na silang dalawa lang?

"Oo! Basta hulihin lang nila ako.

"Piktyuran nila dapat at hindi yung tsismis-tsismis lang, ha!" biro niya.

JUST FRIENDS. Pero marami pa rin ang naniniwala na may relasyon na sila ni Julia.

Ayon sa usap-usapan, two months na raw ang relasyon nila at itinatago lang daw nila ito.


Pero ayon kay Enchong, "Yung sinasabi nilang two months, baka yun yung time na natapos na yung Shoutout, tapos nakikita kaming lumalabas.

"Pero hindi kami.

"Once and for all, magkaibigan lang po kami ni Julia Montes."

Kung magkaibigan lang sila ni Julia, puwede bang umabot sa puntong ligawan niya ito?

"Let’s see," sagot ni Enchong.

COCO MARTIN. Sabi ni Coco Martin ay crush niya si Julia. Ano ang reaksiyon ni Enchong dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang kung si Kuya Coco. Mabait naman siya," tugon niya.

Paano kung ligawan ni Coco si Julia, hindi ba siya magagalit dito?

"Siguro magagalit lang ako kung halimbawang kami na ni Julia, tapos liligawan pa siya ni Kuya Coco.

"Kaso, hindi naman kami.

"So, kung liligawan man siya ni kuya Coco, wala naman akong karapatang magalit dahil gaya nga ng sabi ko, hindi naman kami talaga ni Julia."

ENCHONG-ERICH FANS. Nang ma-link si Enchong kay Julia ay nagalit ang fans ng loveteam nina Enchong at Erich Gonzales.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi ko naman siguro sila masisisi kasi, kumbaga, talagang malayo na yung narating ng pinagsamahan namin ni Erich.

"Pero may nababasa naman ako na yung ibang fans, nirerespeto naman ako kung ano man yung desisyon ko."

Ang role ni Julia sa seryeng Mara Clara ng ABS-CBN ay maldita.

Sabi-sabi, sa totoong buhay ay maldita rin daw ang young actress.

Ano naman ang reaksiyon ni Enchong tungkol dito?


"Di ba, halos lahat naman ng artista ganoon ang tingin o nasasabi sa kanila ng mga tao?

"Na kung ano yung role nila, lalo na sa teleserye, ay ganoon din sila sa totoong buhay.

"Pero malayong-malayo yun sa kung sino talaga sila sa totoong buhay.


"Ako talaga, ang masasabi ko, siguro ang mas nakakakilala sa kanila o kay Julia ay yung mga fans na lagi nilang nakakasama o yung mga kaibigan nila," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN