Jolo Revilla clarifies issues involving him with Kim Chiu, Melissa Ricks, and Jodi Sta. Maria

"Wala akong panahon para sa pag-ibig ngayon. Pero tingnan natin," says Jolo Revilla when asked if he has plans of pursuing Melissa Ricks now that she has broken up with Jake Cuenca.


Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo Revilla sa renewal of wedding vows ng kanyang mga magulang na sina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado noong Sabado, May 28.

Kinumusta namin sa young actor-politician ang Kapamilya star na si Kim Chiu.

Magkasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Binondo Girl. Hindi pa sila nagsisimulang mag-taping, pero nagkasama na sila sa workshop at script reading.

Puwede na ba siyang ma-develop kay Kim, na balitang crush niya?

"Wala naman sigurong masama dun, pero focus muna sa trabaho," sabi ni Jolo.

Posible kayang ma-in love siya kay Kim?

"Pagkakaibigan muna," sagot ng binatang ama.

Hindi kaya ganun ang statement niya dahil naunang ini-reveal ni Dolly Ann Carvajal sa Paparazzi ang pagkakaroon niya ng crush kay Kim?

"Ang sa akin kasi, oo... Kumbaga, nagagandahan ako sa kanya, nababaitan ako sa kanya, humahanga ako sa kanya, sa pagkatao niya.

"Siyempre, at her very young age, malayo na yung narating niya."

Naka-first step na ba siya kay Kim?

"Naku, actually, humahanga lang naman ako sa kanya.

"Wala naman akong sinasabing liligawan ko siya or anything," paglilinaw ni Jolo.

Pero yung possibility, puwede?

"Puwede, pero hindi natin masasabi ’yan sa ngayon," sabi niya.

Totoo bang natutulala raw siya pag kasama si Kim?


"Ganun? Nagulat naman ako. Wala namang ganun!" natatawang sabi ni Jolo.

MELISSA RICKS. Ano naman ang reaksiyon niya ngayong kumpirmadong break na ang na-link sa kanya noong si Melissa Ricks kay Jake Cuenca?

"Siyempre, nagulat, di ba? Pero I wish they’re okay," aniya.

Puwede na bang ipagpatuloy ang naudlot niyang panliligaw kay Melissa?

"Naku, basta friendship na muna.

"Wala akong panahon para sa pag-ibig ngayon.

"Pero tingnan natin," hirit niya.

Parang sumuko na siya kay Melissa?


"Sumuko? Wala naman tayong dapat isuko," sabi ni Jolo.

"Kumbaga, magkaibigan naman kami, maayos naman, nagkakausap kami at nagkaka-text.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaibigan."

Hindi ba lumapit si Melissa sa kanya at humingi ng payo nung nagkakaproblema sila ni Jake?

"Wala naman. Basta pag kailangan niya ng tulong, nandito naman ako bilang kaibigan."

Nawala na ba yung paghanga niya kay Melissa noon?

"Actually, hanggang ngayon naman ay magkaibigan kami.

"At saka iba yung noon sa ngayon," sabi niya.

Paano kung sabihing siya ang dahilan ng breakup?

"Naku, imposible yun. Hindi tayo ganoon.

"Never akong pumapasok sa isang relasyon na ako ang sisira.

"Never...never, itaga man nila sa bato," diin niya

JODI STA MARIA. Tinanong din si Jolo sa hindi mamatay-matay na pagkaka-link niya kay Jodi Sta. Maria, nakasama niya noon sa Noah.

Totoo bang dinadalaw niya at sinusundo si Jodi sa taping ng 100 Days To Heaven?

"Yun ang napakaimposible kasi ni hindi nga ako nagpupunta dun," mariing tanggi ni Jolo.

"Bakit ako pupunta dun? Bakit?

"Hindi ako nagpupunta dun! Mamatay man ako, ngayon na!

"Marami ang nagsabi sa akin niyan, pero nagugulat nga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN