Ana Capri has no problem going topless on Amaya; explains report that she has gone mad

"Wala namang problema sa akin ang mag-topless, e. At least dito sa Amaya, may takip na buhok kasi nga primetime ito. Yung mga topless na ginawa ko sa mga pelikula noon ay walang takip, di ba? As in, hume-hello ang mga dibdib ko!" says Ana Capri.


Hindi nagdalawang-isip ang award-winning actress na si Ana Capri nang tanggapin niya ang role na Agang sa epicserye ng GMA-7 na Amaya.

Kahit na karamihan ng mga eksena niya ay topless siya, pero natatakpan naman ng mahabang buhok.

Nag-pilot ang Amaya kagabi, May 30, at game na game si Ana sa kanyang topless scenes.

Ginagampanan niya kasi ang role ng isang uripon o isang alipin.

Sa ginawa kasing research ay walang mga damit na pangtaas at tapis lang ang suot ng mga alipin noon.

Kuwento ni Ana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong story conference pa lang daw ng Amaya ay alam na niya ang magiging role niya.

Pinakitaan pa nga raw siya ng mga larawan mula sa history books tungkol sa mga hitsura ng mga alipin noong unang panahon.

"Pinatunayan naman nila sa mga ginawa nilang research yung magiging role naming lahat.

"Especially yung sa akin, bilang uripon or alipin, talagang topless sila.

"Na-justify naman nila ’yon kaya wala akong choice kundi gawin ’yon.

"Wala namang problema sa akin ang mag-topless, e.

"At least dito sa Amaya, may takip na buhok kasi nga primetime ito.

"Yung mga topless na ginawa ko sa mga pelikula noon ay walang takip, di ba?

"As in, hume-hello ang mga dibdib ko!" tawa niya.

"Kaya hindi na ako nag-inarte pa.

"Dyusko naman, walang problema sa akin ang mag-topless dahil sanay na tayo diyan.

"Kaya kering-keri natin ang role na alipin sa Amaya!"

WORKING WITH LANI. Natutuwa si Ana dahil sa mga unang ginawa niyang mga eksena sa Amaya ay nakasama na niya sina Gina Alajar na gumaganap bilang si Dian Lamitan, at si Lani Mercado bilang si Dal’lang.

"Most of my scenes talaga ay kasama ko si Ms. Lani. Ako ang pinakakaibigan niya dahil pareho kaming uripon dito sa istorya.

"Siya ang magiging ina ni Amaya [Marian Rivera] dahil nabuntis siya ni Datu Bugna [Raymond Bagatsing].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time kong makatrabaho si Ms. Lani at napakabait niya.

"Noong nagsisimula pa lang ako [sa showbiz], nakakasabay ko siyang mag-guest noon sa iba’t ibang TV shows.

"Lagi naman siyang naka-smile kapag nakikita ko siya.

"Iba pala kapag katrabaho mo na. Mabait siya at ang ganda niya," saad ni Ana.

BABAENG NAWAWALA SA SARILI? Kailan lang ay may nagsulat tungkol kay Ana sa isang tabloid na "nababaliw" na diumano siya.

Sa pagkakasulat ng reporter sa tabloid ay nakita raw niya si Ana na nakatulala sa isang kanto na malapit sa Robinson’s Galleria sa may Ortigas Center.

Ilang minuto raw itong nakatulala at tila kinakausap daw ang sarili.

Ikinumpara pa nga ng reporter si Ana sa former Manila councilor and actress na si Cita Astals na tinakasan na raw ng katinuan.

"Naku, gusto kong magalit sa taong nagsulat niyan!" sabi ni Ana.

"Pero natatawa lang ako kasi grabe ang pagkakaimbento ng kuwento niya. As in, ibang-iba sa katotohanan.

"Ayoko na sanang patulan, pero dahil tinatanong n’yo sa akin, ikukuwento ko ang totoong pangyayari.

"Nasa may Sapphire Street ako sa Ortigas Center at around 10 a.m.

"Tumatawid ako dahil nagmamadali ako pumunta sa Robinson’s Galleria dahil magwu-workout ako sa Gold’s Gym.

"Talagang mabilis ang paglakad ko nang makasalubong ko ’yang reporter na ’yan na hindi ko na papangalanan dahil hindi siya worth banggitin.

"Anyway, noong makita ko siya, binati ko pa siya. I said hello at ’Kumusta na?’

"Kilala ko naman siya, e, though hindi ko siya close. Ilan lang naman ang mga reporters na close sa akin.

"So, binati ko siya at sinabi ko pa na pasensiya na at hindi na ako makapagtsika dahil nagmamadali ako.

"Yun lang ’yon, tapos iba ang isusulat niya?

"So, ano ’yon? Ano ang gusto niyang patunayan?" saad ni Ana.

Walang balak na kausapin ni Ana ang naturang reporter dahil wala raw siyang ipapaliwanag dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na sini-series niya ako sa sinusulatan niyang tabloid, wala akong reason para kausapin siya.

"I don’t owe him any explanation.

"Sinulat pa nga niya na kaya raw ako tulala dahil matagal na raw akong walang trabaho.

"Doon pa lang, mali na siya, e. Hindi siya nagre-research.

"Kung magaling siyang reporter, sana nalaman niya na nagkaroon ako ng drama series sa GMA-7 last year na First Time for three months.

"Tapos biglang napunta ako sa ABS-CBN for Noah for another three months.

"Then, ginawa ko ang Kapitan Inggo for ABS-CBN ulit na tatlong buwan din.

"Naging part din ako ng TV series ni Kim Chiu na Kim [Chiu].

"Tapos may ginawa pa akong movie for Viva Films na Tumbok.

"Before that, nagawa ko ang indie films na Tarima at Bigasan.

"Nakailang beses akong nag-Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym.

"Ngayon, nasa Amaya ako.

"So, yun ba ang sinasabi niyang wala akong trabaho kaya tulala ako at parang nababaliw?

"Kung matutulala man ako, yun ay dahil sa sunud-sunod na trabaho ko. Hindi nga ako nababakante, e.

"Kaya saan nakuha ng reporter na ’yon ang kuwento niya, di ba?" natatawang sabi ni Ana.

BRITISH BOYFRIEND. Sa personal na buhay naman ni Ana, inamin nitong in love siya ulit ngayon.

Naka-move on na raw siya sa dati niyang karelasyon na isang Chinese businessman. Inabot ng eight years ang relasyon niya rito.

Ngayon ay isang British naman ang kanyang boyfriend at sinamahan pa siya nito noong press launch ng Amaya sa GMA-7.

Ayon kay Ana, one year pa lang silang may relasyon ng kanyang British boyfriend.

Dito sa Pilipinas naka-base ang kanyang boyfriend kaya marunong itong magsalita at makaintindi ng Tagalog.

At dahil pribadong tao ito kaya nakiusap si Ana na huwag na lang pangalanan ang kanyang boyfriend.

"Kilala n’yo naman ako. Never ko namang pinu-flaunt kung sino ang karelasyon ko. Gusto ko yung tahimik lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat nga ako nang sabihin niya na gusto niyang sumama sa press launch ng Amaya.

"Never kasi siyang sumasama sa mga lakad ko. Gusto lang daw niya akong samahan.

"Kaya noong nasa GMA-7 na kami, quiet lang ako para walang makahalata.

"In fairness, akala nila foreign visitor ng GMA-7. Hindi nila alam na plus one ko siya!" tawa ni Ana.

"Hanggang sa matapos ang press launch, walang nakapansin. Sa ilang tao ko lang siya pinakilala.

"Mas okey na yung gano’n na simple lang at walang hassle sa lovelife.

"Hindi ko na kailangan magpakakontrobersyal pa.

"Ipinapaubaya ko na ang kontrobersya sa mga bagong artista ngayon," saad ni Ana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN