Has success gone to Angeline Quinto’s head?: "Siguro yung nakapansin lang na lumaki yung ulo ko, siguro dahil lang sa extension ng buhok ko yun!"

"Sa ngayon po, yung gusto talaga unang maayos, yung balat ko. Mas gusto ko po na mas maging flawless kasi medyo me peklat po ako sa tuhod at sa binti. Dito naman sa mukha, parang feeling ko po yung sa ilong, pero konting lang, ha. Kasi ang daming nagsasabi na malaki daw ng ilong ko. Totoo naman po yun," says Angeline Quinto about the parts of her body that she would want to enhance.


Matapos siyang itanghal bilang Grand Champion ng Star Power, tuluy-tuloy na ang pag-arangkada ng singing career ni Angeline Quinto.

Sa ngayon ay regular performer si Angeline sa ASAP Rocks, humahataw ang kanyang first solo album sa record bars, at may ginawa rin siyang commercial ad with Pop Princess Sarah Geronimo.

Si Angeline din ang napiling kumanta, kasama si Erik Santos, ng jingle ng silver anniversary ng DZMM—ang AM radion station ng ABS-CBN.

Sa shooting ng music video ng nasabing jingle sa CCP Theater noong Huwebes, May 26, ay nagkaroon ng pagkakataon na kumustahin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline.

Ano ang pakiramdam na siya ang napili ng DZMM na kumanta ng kanilang silver anniversary jingle?

"Sobrang flattered po talaga ako na ako ang napili ng DZMM. Isang karangalan po talaga para sa kin.

"Kasi yung DZMM po talaga, e, talagang kinalakihan ko na, tapos ngayon, mapapakinggan na rin ako doon.

"Tapos si Kuya Erik naman, sa Star Power pa lang medyo close na rin kami. Kaya natutuwa din ako na siya po yung makakasama ko dito," sabi ni Angeline.

FRUSTRATED ACTRESS. Initially ay hindi pagiging singer ang gustong tahakin ni Angeline kundi ang maging isang artista o aktres.

Ngayong nakapasok na rin siya sa showbiz, meron na ba siyang acting offers?

"Sa ngayon, wala pa naman," sagot niya.

"Pero meron kaming mga acting workshop kasama ko yung Star Power 4.

"Sobra nga talaga, kasi dun sa workshop, talagang hinahasa talaga kami.

"Siyempre, sobrang excited naman ako kung mabigyan ako ng acting project."

Sino ang pinapangarap niyang makapareha kung sakali?

"Si Coco Martin!" bulalas ni Angeline.

"Sana! Kasi siya talaga yung isa sa mga idolo ko na lalaki sa pag-arte."

Any upcoming projects or major concerts?

"Wala pa pong exact date, pero this July daw po gagawin yung first major concert ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELINE VS SARAH. Ano ang masasabi niya na even up to now ay iniintriga sila ni Sarah Geronimo? Dating magkatunggali sina Angeline at Sarah sa talent search na Star For A Night, na pinagwagian ni Sarah.

"Oo nga po, e," sambit niya.

"Sana naman ay tigilan na nila yung pang-iintriga sa amin ni Sarah.

"Kasi talaga namang okay kaming dalawa. Magkasundo naman kami."

Maraming nagsasabi na lumalaki na raw ang ulo niya at nagbago na raw siya. Totoo ba ito?

"Talaga! Bakit ganun? Nagulat naman ako!" sunud-sunod na reaksiyon niya.

"Hindi naman po. Kung ano yung Angeline Quinto noon, ako pa rin naman po yung Angeline Quinto ngayon.

"Siguro yung nakapansin lang na lumaki yung ulo ko, siguro dahil lang sa extension ng buhok ko yun!" tawa niya.

"Pero hindi po totoo yun," pahabol ni Angeline.

CHANGES. Karamihan ng mga sumisikat ay mayroong pinababago sa kanilang mga hitsura. Si Angeline ba, kung bibigyan siya ng chance na may baguhin sa kanya physically, ano yung gusto niyang ipabago?

"Sa ngayon po, yung gusto talaga unang maayos, yung balat ko," sabi niya.

"Mas gusto ko po na mas maging flawless kasi medyo me peklat po ako sa tuhod at sa binti.

"Dito naman sa mukha, parang feeling ko po yung sa ilong, pero konting lang, ha.

"Kasi ang daming nagsasabi na malaki daw ng ilong ko. Totoo naman po yun.

"Pero kahit papaano naman ay nadadala ko naman po yun.

"Tapos itong ngipin ko, inaayos na yung braces para sa sungki ko.

"Siguro mga ilang buwan pantay na ’yan."

Hindi ba siya natatakot na makaapekto ito sa boses niya kung sakaling ipaayos niya ang kanyang ilong?

"Tinanong ko naman po kay Dra. Vicki Belo yun at sinabi naman pong hindi naman daw po maaapektuhan yung voice ko," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN