Kathryn Bernardo willing to play villain roles if given the chance

"Ako, ang laki ng binago sa akin ng Mara Clara, nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko na kaya ko rin palang gumanap sa isang show na kami yung lead. Siguro mas naging mature din ako, at the same time nakita ko yung suporta sa amin ng mga tao. Kaya lalo kaming na-inspire to work harder and be a better actress," says Kathryn Bernardo.


Aminado sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na ang pinagbibidahan nilang teleserye na Mara Clara ang naging daan para lubusan silang makilala ng publiko.

Kung dati ay kabilang lang sa mga baguhang artista sina Kathryn at Julia, ngayon ay dalawa na sila sa mga artistang pinu-push talaga ngayon ng ABS-CBN.

Kapwa nagmarka sina Kathryn at Julia sa kanilang roles bilang Mara at Clara, respectively, pero hindi maiiwasang magkaroon ng pagkukumpara sa kanilang pagganap. At sa maraming pagkakataon, mukhang mas angat daw sa mga eksena nila si Julia.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa thanksgiving presscon ng Mara Clara, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa obserbasyon na ito ng maraming avid viewers ng Mara Clara.

Aniya, "Hindi ko mapi-please ang lahat ng mga tao para sa magiging reaksiyon nila sa pag-arte namin ni Julia.

"Ang alam ko lang, ginagawa ko ang makakaya ko sa bawat scenes.

"Kung hindi man sila nasa-satisfy sa mga ginagawa ko, abangan na lang nila ang ilan pang araw ng Mara Clara, kasi dito ibinigay namin ang lahat-lahat talaga."

Sa kabila ng mga pagkukumparang sa kanila ni Julia, tiniyak ni Kathryn na kahit magkalaban ang roles nila bilang Mara at Clara, o pinagsasabong man sila ng mga intriga, hindi naman naaapektuhan ang pagkakaibigan na nabuo na sa kanila.

"Naniniwala rin ako kay Julia na kahit na anong issues ang ibato sa amin, hindi maapektuhan yung friendship namin.

"Nagtitiwala kami sa isa’t isa at hindi masisira yun nang dahil lang sa mga issues o intriga," sabi niya.

KATHRYN AS KONTRABIDA? Sinasabing mas challenging talaga ang pagganap ng kontrabida roles, at bukas din naman si Kathryn sa ganitong klase ng mga karakter.

Aniya, "Bigyan din nila ako ng ganung role para maging versatile ako. Gagawin ko, susubukan ko.

"Personally, gusto ko rin naman siyempreng i-try yung ibang-ibang characters bilang isang artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ngayon, dahil na rin sa image na nabuo sa role niya sa Mara Clara, hindi maiiwasang matali sa sweet at api-apihan roles si Kathryn.

Pero ang tanong ng marami, marunong kayang lumaban sa totoong buhay si Kathryn?

"Pag inapi na siguro ako at alam kong nasa tama ako," sabi niya.

"Siyempre kung madadaan sa magandang usapan, dadaanin natin dun.

"Pero kung hindi makuha sa ganun, siguro hindi na, lalo pag may kinalaman sa pamilya ko at mga kaibigan.

"Ako, ready talaga akong lumaban pag alam ko na ako ang nasa tama, hindi ako papaapi."

LAST FOUR NIGHTS. Apat na gabi na lang mapapanood ang Mara Clara, at hindi itinago ni Kathryn na sobra siyang malulungkot sa pagkawala ng nasabing serye, lalo’t ang laki ng binago nito sa buhay nila Julia.

"Sobrang malungkot kasi three times a week kaming magkakasama dito, minsan four taping days pa nga.

"So, siyempre nakasanayan mo na yung mga kasama mo, iba na yung bonding ninyo.

"Nalulungkot kami kasi at home na at home na talaga kami dito ni Julia.

"Ako, ang laki ng binago sa akin ng Mara Clara, nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko na kaya ko rin palang gumanap sa isang show na kami yung lead.

"Siguro mas naging mature din ako, at the same time nakita ko yung suporta sa amin ng mga tao.

"Kaya lalo kaming na-inspire to work harder and be a better actress," sabi ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN