Regine Velasquez-Alcasid: "Isa lang yung pinagbubuntis ko, ’no! Hindi kambal!"

"Ever since naman, hindi ninyo akong nakitang ganito kalaki. When I joined showbiz, napaka-skinny ko. Kung tumaba man ako, konti lang. Not like this na talagang ang taba-taba ko," says Regine Velasquez-Alcasid about her appearance now that she is pregnant.


Matatagalan pa bago makabalik sa showbiz ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid pagkapanganak niya sa November 2011.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa reception dinner ng renewal of wedding vows nina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado sa Sofitel Hotel last Saturday, May 28, sinabi niya na kinakailangan niyang alagaan muna ang kanilang first baby ni Ogie Alcasid at kailangan din niyang magpapayat.

Concious na conscious nga ngayon sa kanyang hitsura si Regine. Panay ang sabi niya sa sarili na ang "panget-panget" niya.

"Huwag ninyo akong kukunang ng pic, ha?

"Ang panget-panget ko, ang taba-taba ko!

"Sige, alam ko kung saan kayo nakatira!" ang pabirong pagbabanta ni Regine sa amin.

AT HER BIGGEST. Ayon kay Regine, ito na ang pinakamataba niyang hitsura sa buong buhay niya at hindi raw niya akalaing lalaki siya nang husto.

"Ever since naman, hindi ninyo akong nakitang ganito kalaki.

"When I joined showbiz, napaka-skinny ko.

"Kung tumaba man ako, konti lang.

"Not like this na talagang ang taba-taba ko.

"Kasi, wala naman akong ginagawa. Nasa kuwarto lang ako, nagpapahinga.

"I can’t do much kasi advice ng doctor na bed rest talaga.

"Pero I can do whatever I want. Hindi lang talaga yung gaya ng dati na paguran.

"And I eat everything, I eat a lot.

"Ayaw ko naman kasing i-deprive ang baby ko sa pagkain para masigurong healthy siyang lalabas," saad ni Regine.

FIRST PUBLIC APPEARANCE. Miss na miss na ni Regine ang showbiz.

Ang pagdalo niya sa okasyon ng mag-asawang Bong at Lani para makipag-duet sa mister niyang si Ogie ang kauna-unahang paglabas niya sa publiko pagkatapos niyang mawala sa limelight.

"At first, ayaw ko sana no’ng sabihin sa akin kung gusto ko raw kumanta sa wedding anniversary nina Bong and Lani.

"Kasi nga, siyempre, ayaw ko talagang magpakita sa public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang kaibigan ko naman sila at saka gusto ko rin namang lumabas, kaya ayun.

"Saka, miss na miss ko na ang showbiz. Sabi ko nga, kahit sandali lang.

"And I’m so thankful that I was able to attend to Senator Bong and Congresswoman Lani’s anniversary.

"Ang ganda ng celebration nila," sambit ni Regine.

Hindi naman daw buong linggo ay nagkukulong sa kanyang kuwarto si Regine. Lumalabas din naman daw siya.

"Naglalakad din ako sa malapit sa amin, exercise.

"Kailangan kasi rin ng baby yung konting lakad lang.

"Then, naggu-grocery rin ako. Pag naisipan, nagsa-shopping ako.

"Wala nang kasya sa aking damit! So, I need to buy new clothes."

GUESSING GAME. Bumibili na ba sila ng mga gamit para sa baby nila?

"Wala pa. Masyado pang maaga para bumili.

"Ang importante kasi yung regular check-up.

"And hindi pa namin alam ang gender ng baby namin," sabi niya.

Ngayon buwan ng June ang ika-apat na buwan ng pagbubuntis ni Regine.

Puwede na raw nilang ipasilip sa ultrasound kung lalake o babae ang kanilang magiging baby.

"Puwede naman," sambit niya.

"Pero depende kasi yun kung makikita sa test.

"Sabi kasi ng doctor, minsan hindi makikita kasi nagtatago. Tingnan natin."

Marami ang nagsasabing kambal ang baby nina Regine at Ogie dahil malaki ang ipinagbubuntis ng singer-actress.

May mga nagsasabi ring lalake raw dahil sa mga palatandaan sa hitsura ni Regine.

"Isa lang yung pinagbubuntis ko, ’no! Hindi kambal!" natatawang sabi ni Regine.

"Siyempre, alam ko kung kambal o isa lang. Lagi akong regular ang check-up ko.

"Malaki lang talaga akong magbuntis saka tumaba ako.

"Sabi nga nila, lalake raw. Kasi mukha raw akong lalake.

"Wish talaga namin ni Ogie lalake. Pero kung ano yung ibibigay ng Diyos, tatanggapin namin."

Wala pa raw silang naiisip na ipapangalan sa bata kung babae o lalake ito, ayon kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa. Napag-uusapan namin, pero wala pa talaga.

"Kasi naman, November pa lang naman ako manganganak. Malayo pa.

"Pag malapit na, saka na lang namin pag-iisipan ni Ogie."

THE PREPARATIONS. Bagamat may nakahanda nang room para sa baby nila, hindi pa raw ipinaaayos o ipinapa-interior decorate nina Regine at Ogie ang room.

"Kasi, hindi pa naman namin alam yung gender ng anak namin," paliwanag ng Songbird.

"Ang hirap kasing maging excited, tapos hindi pala bagay sa motif no’ng room yung gender ng anak namin.

"Saka na lang, madali lang naman.

"Isasabay na yung pagbili ng mga gamit at saka yung pagpapaayos ng room.

"And ang plan kasi namin ni Ogie, we want our baby to stay with us sa room namin.

"Gusto kasi naming ma-feel no’ng baby na nandoon lagi yung Mommy at Daddy niya.

"Importante raw kasi yun sabi ng doctor. Gusto rin ni Ogie yung ganong idea.

"Ako naman, yun din naman ang gusto.

"Sabi ko nga kay Ogie, I’m giving myself a little longer na huwag munang magtrabaho para maalagaan ko yung baby namin.

"I read a lot, nagbabasa-basa na ako ng mga books about pregnancy and yung mga dapat gawin after giving birth.

"Binibigyan din ako ng mga advice ng mga kapatid ko, ng mommy ko," kuwento niya.

Natutuwa si Regine sa mga kaibigan at kakilalang naaaliw sa kanyang pagbubuntis.

Kahit sinasabi ng mga itong maganda siya kahit mataba, hindi pa rin makapaniwala si Regine.

Pero happy ang Songbird sa kanyang kalagayan ngayon, lalo’t alagang-alaga raw siya ng kanyang mister na si Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN