Jennylyn Mercado focuses on moving on after breakup with Dennis Trillo; happy being with "suitor" Luis Manzano

"Wala akong pinagsisisihan. Parati kong sinasabi, sa lahat nung mga mistakes at mga relasyon na nagdaan, e, parati akong may mga natutunan...marami akong natututunan," says Jennylyn Mercado about her latest breakup.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn Mercado sa story conference ng bagong drama series nito sa GMA-7 na Footbulilits kahapon, May 31.

Maingat si Jennylyn sa mga sagot niya pagdating sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo, pero may ngiti sa mga labi nito kapag tungkol sa "manliligaw" niyang si Luis Manzano ang pinag-uusapan.

Nagpapasalamat lang daw ang actress-singer kay Luis dahil dumating ito sa panahong kailangan daw niyang merong magtatanggol at nakakaintindi sa kanyang kalagayan.

Ngayon lang daw niya ito naranasan sa isang lalaking nanliligaw sa kanya.

"Siyempre, nagpapasalamat ako sa mga kind words, saka sa pagprotekta niya sa akin at pagiging mabait niya saka understanding," ani Jennylyn.

Dagdag pa niya, "Parati ko naman sinasabi sa mga interview ko, I feel so blessed, ang suwerte ko dahil, di ba, siya ang kauna-unahang tao na nagtanggol sa akin at prinotektahan niya talaga ako sa mga tao?

"Napakasarap ng pakiramdam na may mga taong ganun magmahal at ganun prumotekta, di ba?

"Lalo na ngayon kailangan ko ng mga taong talagang nagmamahal sa iyo nang totoo, yung mga taong talagang hindi ka iiwan."

NOT YET TOGETHER. Kahit sinasabing "exclusively dating" sila ni Luis, nililinaw ni Jennylyn na hindi pa raw sila ng actor/TV host.

Ini-enjoy pa raw niya ang pagiging single at hindi naman daw siya nagmamdali.

Masaya lang daw siya kasama ang actor-TV host dahil iba raw ang humor nito. Kampante rin siyang nakakasama si Luis sa pagti-training ng Jujitsu at Muay Thai.

Sa lahat na nanliligaw sa kanya ay si Luis daw ang pinaka-close kay Jennylyn.

Merong mga ibang nagpaparamdam daw sa kanya, pero hanggang pa-text-text lang daw at hindi niya masasabing interesado ba sila.

Hindi pa naman daw masasabi ni Jennylyn kung kailan pa siya handang umibig muli dahil sariwa pa raw ang masakit niyang karanasan sa pakikipagrelasyon niya kay Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung sakaling ma-in love daw siya uli, o pumasok sa panibagong relasyon, magiging maingat na raw siya ngayon.

"Siguro dapat ano, if ever papasok man ulit ako sa panibagong relasyon, hindi ko mamadaliin lahat.

"Kailangan kilalanin ko nang mabuti siguro.

"It will take time talaga para talagang makilala mo ang isang tao.

"Saka huwag ibibigay lahat dahil ang sakit-sakit talaga pag nawala, so magtitira ka palagi sa sarili mo," pahayag ni Jennylyn.

Aminado rin ang Kapuso star na marami siyang natutunan sa nakaraan niyang relasyon, pero hindi naman daw niya ito pinagsisihan.

"Wala akong pinagsisisihan," aniya.

"Parati kong sinasabi, sa lahat nung mga mistakes at mga relasyon na nagdaan, e, parati akong may mga natutunan...marami akong natututunan."

"FAMILY" PICTORIAL. Nung nakaraang Sabado, May 28, ay nagkaroon ng pictorial si Jennylyn para sa isang magazine, kasama si Patrick Garcia at ang kanilang anak na si Alex Jazz.

Pumayag sila ni Patrick alang-alang sa kanilang anak para meron din daw itong alaala na magkasama ang kanyang magulang.

Nagpapasalamat din si Jennylyn kay Patrick na supportive naman daw sa kanya, at pati sa buong pamilya ng aktor.

"Yung sa amin naman ni Patrick, tungkol lang talaga kay AJ ang pinag-uusapan namin, e.

"Yung mga personal thing, hindi naman pinag-uusapan iyun kundi ang future lang talaga ni AJ.

"Saka, very supportive ang family ni Patrick—sila Tito, si Cheska, si Tita Bing.

"Talagang very supportive sila. At kung saan ako masaya, dun din sila.

"Kumbaga, parang na-feel ko na part ako ng family kahit na siyempre hindi kami magkasama ni Patrick at hindi kami together, meron kami kanya-kanyang buhay, na-feel ko na talagang yung suporta nila talagang nandun para talaga sa akin."

ON DENNIS TRILLO. Kapag si Dennis na ang pinag-uusapan, nagiging tipid na ang mga sagot ni Jennylyn.

Lahat naman daw na gusto niyang sabihin ay nabasa na raw sa YES! magazine, kaya tama na raw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tinanong pa rin ng PEP kung ano ang gagawin niya kung sakaling magkasama sila sa isang trabaho o magkasalubong sila.

"Sa ngayon, hindi ko pa alam dahil hindi pa nangyayari.

"Siguro sasabihin ko sa inyo kung ano yung pakiramdam pagkatapos, or pag may nangyaring ganung insidente.

"Saka nasabi ko na naman lahat yung gusto kong sabihin.

"Saka I think that’s it, yun na yun, tapos na," medyo nag-aalangan niyang sagot.

Sinundan pa rin namin ng tanong kung may galit pa rin ba siyang nararamdaman sa dating kasintahan.

"Sa ngayon, ayoko pang magsalita about him," sabi niya.

"Basta okay na, tapos na yun, tapos na lahat.

"And whatever it is, basta para sa akin, ang focus ko, moving on. Panibagong chapter na ng life ito.

"And siguro kailangan ko ng... Sa susunod, kailangan ko nang pag-igihan at focus sa mga bagay na talagang importante kesa sa mga bagay na hindi kailangang pagkaabalahan."

Ano naman ang masasabi niya sa patuloy na pananahimik ni Dennis?

"Wala. Tahimik lang din ako," napangiting sagot ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN