Diether Ocampo denies being too choosy about roles he wants to portray

"Hindi ako choosy, a. May karapatan ba ako para maging choosy? Medyo kasi may ibang mga proyekto na nagawa ko na. I wanna try something new," Diether Ocampo defends himself on rumors that he’s becoming selective with the roles he wants to portray.


"Hindi ako choosy, a. May karapatan ba ako para maging choosy?"

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Diether Ocampo nang tanungin siya kung totoong nagiging mapili na siya sa mga role na kanyang gustong gampanan.

Pagkatapos ay ipinaliwanag ng Kapamilya aktor kung bakit tila natatagalan bago siya magkaroon ng bagong proyekto.

Ang huling TV project ni Diether ay ang afternoon drama series na Sabel, na natapos noong Marso.

"Medyo kasi may ibang mga proyekto na nagawa ko na. I wanna try something new," paliwanag ni Diether sa press conference ng Guns and Roses kagabi, Mayo 31, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Naging magandang pagkakataon daw ang pag-alok sa kanya na gumanap bilang Marcus Aguilar sa naturang teleserye kaya niya ito tinanggap.

Sabi pa niya, "Noong in-offer sa akin itong Guns and Roses, una nilang sinabi na action-drama.

"Hindi ko pa talaga nagawa ever ang ganitong klaseng konsepto."

WORKING WITH ROBIN. Dahil ito ang unang action project ni Diether, nakaimpluwensiya rin daw ang pagiging bida ni Robin Padilla dito kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto.

"Parang narinig ko pa lang Robin Padilla, hindi na ako nagdalawang-isip, e.

"Parang excitement ang naramdaman ko, siyempre, isa siya doon sa mga, kumbaga, haligi natin pagdating sa larangan ng aksyon.

"Bihira lang ang ganitong opportunity so let’s not waste it."

Dagdag niya, "Alam mo, sa totoo lang, sobrang laki ng respeto ko sa isang Robin Padilla.

"Kumbaga, ang dami na nating nakita na magaganda niyang nagawa at naging contribution niya sa industriya.

"And learning something from this particular person is parang a good opportunity for us, e."

"CHEESELESS" LOVELIFE. Ayon kay Diether, masyadong demanding sa oras ang kanyang trabaho sa Guns and Roses. At isa ito sa mga naging dahilan niya kung bakit "cheeseless" sa halip na "cheesy" ang kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cheeseless. Walang lovelife, e!" natatawang sinabi ni Diether sa mga miyembro ng entertainment press.

Patuloy pa niya, "Gano’n yata talaga, e. Minsan kailangan mong isakripisyo, e.

"May mga maganda namang dumadating katulad nito, may project ako.

"Hindi ko ine-expect na mabibigyan ako ng ganito kalaking proyekto.

"Pero ’yon lang, you know, you can’t have it all."

Sa kabila nito, naniniwala si Diether na darating ang tamang babae para sa kanya.

Sabi pa niya, "Hindi naman tayo naghahanap. Pinagdadasal na lang natin na darating.

"Darating ’yon, e. Sabi nga ni ’tol Robin, ’Huwag mong hanapin.’"

Hindi rin umano ibig sabihin nito ay ayaw na niyang makipagrelasyon.

"Sino ba ang gustong mag-isa sa buhay?" ani Diether.

"Siyempre, gusto mo rin kahit papaano na may partner, nase-share mo ’yong mga pinagtrabahuhan mo, mga pinaghirapan mo."

Sa ngayon, ine-enjoy na raw muna ni Diether ang pagiging single niya.

"I’m taking my time. I’m not in a hurry right now.

"It’s also a blessing na mayroon akong enough na panahon para gawin ’yong mga bagay na hindi ko nagagawa dati.

"You know, kapag may karelasyon, nahahati ang oras mo.

"Ngayon, mina-maximize ko na ang oras ko. I get to do the things that I have to prepare."

ON KRIS AQUINO. Matatandaan na noong huling buwan ng nakaraang taon, nagsimulang ma-link si Diether sa kanyang Dalaw co-star na si Kris Aquino.

Pero sabi ni Diether, hindi daw ito dapat bigyan ng kulay.

"Like I said, matalik kaming magkaibigan ni Kris.

"Dati pa ’yan, hindi lang kami masyadong nagkikita.

"Nagkahiwalay nga kami ng ano dahil sa career.

"Sa pelikula namin na Dalaw, muli kaming naging close.

"Doon muli naming na-discover na ang dami pala nating na-miss, nag-update, ang mas lumalim pa ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Nakakatuwa na kahit matagal kayong hindi nagkita, matagal na hindi nagkakasama, nandoon pa rin ang foundation ng pagkakaibigan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR KRISTINE. Samantala, hindi rin naiwasan na tanungin si Diether tungkol kanyang dating asawa na si Kristine Hermosa.

Lumabas kasi kamakailan ang balitang pagbubuntis ni Kristine, na ngayo’y asawa na ni Oyo Sotto.

Ayon kay Diether, masaya siya para sa kapwa Kapamilya actress.

Dagdag pa niya, "Siyempre, blessing ’yon, e. Blessing ’yon para sa kanila. Sana masundan."

Muli rin niyang nilinaw na wala namang problema sa pagitan nila ng dating asawa.

"We’re okay naman. Wala namang isyu," aniya.

At dahil dito, bukas umano siya sa ideya na makatrabaho si Kristine sa isang proyekto kung magkaroon ng pagkakataon.

"Siyempre, isa rin siya sa mga hinahangaan ko.

"Hindi mo rin mapapantayan ang galing niya at isa rin siya sa pinakamagandang nakapareha ko," saad ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN