Mark Gil comments on controversies involving children Sid Lucero and Andi Eigenmann

"Any father naman siguro, you will wish them well. Sa kahit na anong pain ang dadanasin ninyo, sa akin na lang, ako na lang ang aako. You have to be strong for them. I cannot show them my weakness. I want to be somebody they can depend on, and they’re family is here—we’re all tight," says Mark Gil (main photo) about his children Sid Lucero (inset, top) and Andi Eigenmann (inset, bottom).


Bilang isang ama, proud si Mark Gil sa mga tagumpay na nakukuha ng kanyang mga anak—partikular na sina Sid Lucero at Andi Eigenmann.

Bagamat hindi pa gaanong nagtatagal sa industriya sina Sid at Andi, nakabuo na sila ng sarili nilang mga pangalan dahil sa kanilang husay sa pag-arte.

Si Sid, 30, ay anak ni Mark sa dating model-actress na si Bing Pimentel; samantalang si Andi, 20, naman ay anak ng aktor sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Pero sa kabila ng mga magagandang nangyayari sa career nina Andi, 20, at Sid, 30, kabi-kabila rin ang mga intrigang kinasasangkutan nila ngayon.

Sa kaso ni Sid, inireklamo siya ng isang empleyado ng hardware store dahil diumano sa pananakit. (CLICK HERE to read related story.)

Si Andi ay nasangkot naman sa isang kontrobersiya kung saan sinampal daw siya ng ex-boyfriend na si Albie Casiño. Tinawag din daw ng Mara Clara leading man si Andi na "cheater." (CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Guns and Roses kagabi, May 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Mark tungkol sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng dalawa niyang anak.

"Like I’ve said, you don’t stop parenting," umpisa niya.

"Madali pa when they’re little, but when they’re grown up, it’s different.

"Any father naman siguro, you will wish them well.

"Sa kahit na anong pain ang dadanasin ninyo, sa akin na lang, ako na lang ang aako.

"You have to be strong for them. I cannot show them my weakness.

"I want to be somebody they can depend on, and they’re family is here—we’re all tight," saad niya.

ANDI & ALBIE. Nagkausap na ba sila ni Andie tungkol sa nangyari sa kanila ni Albie?

"Like I’ve said, hindi ako mag-aano ng mga detalye," sabi ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko lang si Andie, ’Is it true?’

"Sabi niya, ’Yes.’ Period, yun lang.

"I told her how I feel about it."

Bilang isang ama, may sama ba siya ng loob sa ex-boyfriend ng anak?

"Let’s put it this way—they are children.

"Si Albie, I hope somebody, like a friend, will tell him don’t talk anymore kasi tapos na, e.

"May sugat na, pinalalim mo pa, dinidiin mo pa.

"Parang you’re already down, sinisipa mo pa, e.

"Kasi you’re not only hurting one person, you’re hurting the whole family.

"As a father, nasaktan talaga ako," saad ni Mark.

Nagbigay rin ng mensahe si Mark para kay Albie.

"Just hang on there, things like that happen. It happens to everyone.

"I’ll always be his Tito Ralph [Mark’s real name], fix things para masaya ang lahat, kayo ni Andi.

"If the relationship didn’t work out, end it nicely, end as friends.

"We’ll see each other pa naman, we’re in one network."

SID LUCERO. Tungkol naman sa pag-aakusa ng pananakit ng isang hardware employee kay Sid, ito ang naging pahayag ni Mark:

"Like I’ve also said, mawawala rin lahat ’yan.

"Nangyari din sa halos lahat ’yan, nangyari din ’yan sa akin.

"In time, maaayos din ’yan.

"Matagal pa siguro. But like I’ve said, just give him time.

"It’s always an issue, pero ang paniniwala ko, at ang alam ko lang, ay yung nasa news.

"There’s always two sides of a story...

"Artista siya, sikat, siyempre madidiin siya.

"Siyempre, celebrities minsan nakukursunadahan kami, napapaaway din kami."

May bulung-bulungan din na involved daw si Sid sa masamang bisyo ngayon. Ano ang masasabi niya rito?

"I have no confirmation on that," sabi ni Mark.

"I know he likes to party, he drinks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But no, I cannot confirm that news."

Dagdag niya, "Basta ako, si Sid and si Andi, they’re strong people.

"I know they can take care of themselves."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN