Manny Pacquiao drops defamation suit against Oscar dela Hoya’s Golden Boy Promotions

Manny Pacquiao has accepted the apology issued by Oscar dela Hoya’s Golden Boy Promotions concerning the alleged "accusation" that the Filipino boxing champion is using performance enhancing drugs to amp up his performance inside the ring.


Nagkaayos na ang kampo ni Manny Pacquiao at Golden Boy Promotions kaugnay sa kasong defamation na inihain ng una nung taong 2009.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si Pacquiao laban sa nasabing boxing promotions company na itinaguyod ng retired Mexican boxer na si Oscar dela Hoya matapos na paratangan diumano ang Filipino ring icon na gumagamit ng performance enhancing drugs (PEDs).

Sensitibong usapin ang PEDs sa industriya ng boxing dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito para masiguro na patas ang magiging labanan ng dalawang magkatunggaling boksingero pagtungtong sa ring.

Sa pagsasabing nasa impluwensiya ng PEDs ang isang indibidwal ay natural lamang na pagdududahan ng ilan ang panalo o magandang ipinakita ng isang atleta, at dito na rin papasok ang tanong kung naging patas ba ang laban.

Ayon sa ulat na lumabas sa ESPN. com, nagdesisyon ang Filipino boxer at Sarangani congressman na iatras na ang demanda matapos na maglabas ng public apology ang Golden Boy Promotions sa pamamagitan ni Dela Hoya at CEO ng kumpanya na si Richard Schaefer.

Sa kanilang paumanhin ay sinabi ng dalawa na hindi nila layunin na akusahan si Pacquiao na gumagamit ng PEDs at wala rin silang sapat na katibayan na magpapatunay na may iniinom na ilegal ang eight-division world champion.

"We apologize if anyone construed our prior remarks as in any way claiming or even suggesting that Manny uses or has used performance enhancing drugs," dagdag pa ng pahayag.

December 6, 2008 nang magharap sa ring sina Pacquiao at dela Hoya sa laban na binansagan ng media na "The Dream Match."

Bagamat kinikilala si dela Hoya bilang isa sa mga pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan ay hindi masyadong nakaporma ang Mexican fighter laban sa Filipino champion, at tumagal lamang ang bakbakan hanggang 8th round matapos na ipahinto ng kampo ni dela Hoya ang laban.

Nung umpisa ay nagpahayag ng mutual admiration ang dalawang boksingero sa isa’t isa. Pinuri pa nga ni dela Hoya ang husay at lakas ni Pacquiao sa loob ng boxing ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi nagtagal ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkabilang kampo matapos nga na maglabas ng pahayag si dela Hoya na tila kumukuwestiyon sa pre-fights preparation ni Pacquiao.

Kuntento naman si Pacquiao sa inilabas na public apology ng Golden Boy Promotions, ayon sa kanyang abogado na si Daniel Petrocelli.

Subalit tumanggi ang abogado na ilahad ang naging kasunduan sa parte ng kampo ni Pacquiao at dela Hoya kapalit ng pagkakaurong ng demanda.

Sa kabila ng mga pangyayari na ito ay idiniin naman ni Petrocelli na magpapatuloy ang demanda nila laban kay undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr., at sa ilan nitong kamag-anak kaugnay rin sa paratang na gumagamit diumano si Pacquiao ng PEDs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN