Wendell Ramos admits "inip factor" is one of the reasons he moved to TV5

"As long as wala akong nakaaway na network, walang problema. Puwede naman akong tanggapin din siguro ng pinanggalingan kong pamilya if ever," says Wendell Ramos.


Aminado si Wendell Ramos na "inip factor" ang isa sa naging dahilan ng pag-alis niya sa GMA-7 at paglipat sa TV5.

Sinabi rin ng aktor na mas naging agresibo at malinaw ang offer ng Kapatid network sa kanya, kaya eventually ay nag-ober da bakod na siya sa TV5 na pag-aari ng business tycoon na si Manny Pangilinan.

Isa rin sa nilinaw niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang intrigang kabilang sa rason ng pag-alis niya sa Kapuso ay dahil may nakasamaan siya ng loob sa dati niyang gag show na Bubble Gang.

"Wala, wala akong nakasamaan ng loob sa kanila," diin ni Wendell.

"Kinausap ko sina Michael V at Ogie [Alcasid], at sinabi ko na trabaho talaga ang pupuntahan ko.

"Naiintindihan naman nila kung bakit ko ginawa yung paglipat ng bahay, o yung naging pag-alis ko sa gag show namin.

"Trabaho talaga ang rason ko at walang samaan ng loob."

THE OFFER. Nakausap ng PEP si Wendell sa presscon ng pinakabagong sitcom ng TV5, ang Sugo Mga Kapatid, na ginanap sa Cravings Tomas Morato noong Martes ng tanghali, June 1.

Paliwanag pa niya, "Iyong offer na nangyari... Kasi parang hindi kaagad ako nabigyan ng [show].

"Siyempre, may mga naka-set nang shows ’yan, e.

"Siguro nagkaroon na ng desisyon yung manager ko [Perry Lansigan] na, ’Okey lang po ba na magpunta si Wendell sa Channel 5?’

"That’s why napalipat na ako rito, then nagkaroon na kami ng contract.

"Siguro yung part na pag-alis ko sa Bubble Gang, ganoon yata talaga ang mga network.

"As much as possible, ayaw ko talagang iwan ang Bubble.

"Kaya lang, ang policy yata ngayon ng mga network is hindi na tulad noong araw, noong ’90s, na puwedeng tumawid ng ibang network, kahit exclusive tayo.

"Hindi ko alam, tutal per show din lang naman ako sa Bubble Gang, and then ang contract ko non-exclusive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro malabo, sana mangyari yung mga ganoon na puwede pa rin tayong magkaroon ng shows sa kabila. Sana ganoon pa rin.

"Siguro sa ngayon, nandoon lang kami sa sitwasyon na policy ng network," saad ng aktor.

COUNTER OFFER. Masasabi bang nainip siya dahil isa lang ang ginagawa niyang show sa GMA-7 kaya siya lumipat sa TV5?

"Alam mo, lahat naman ng artista kapag walang trabaho, laging naiinip," sagot ni Wendell.

"Kasi ’yan na yung daily routine mo, kaya nga minsan mas madalas pang nasa labas kami kaysa nasa loob ng bahay.

"Nainip, in a way, kasi gusto ko nang magkaroon ng trabaho and curious din ako, like I said, na makapagtrabaho sa network na ito at sa ibang network din.

"Ganoon lang yun. And tulad noong siguro nga puwede tayong magtrabaho sa iba’t ibang network, siguro hinahanap din ng katawan ko.

"Dati kasi, nakakapag-guest kami sa ABS-CBN, e."

Hindi ba nag-counter offer ang GMA-7 nang ipaalam nila na lilipat siya sa TV5?

"Nag-offer," sagot ni Wendell.

"Actually, tinanong pa nga ako nina Tita Avin [Marivin Arayata, GMA-7 VP for Entertainment] kung desidido na ba talaga ako.

"Ang sa akin nga, sinasabi ko, may regrets ako siguro dahil maiiwan ko yung show [Bubble Gang].

"And ang laki ng naitulong sa akin nun kaya siguro ako nakakapag-enjoy sa mga comedy ng ganito.

"Dahil for 15 years kong nakasama sina Bitoy, and hindi naman mga birong artista ’yon-Ogie Alcasid, kami-kami nina Antonio [Aquitania].

"Noong umalis ako, nag-text, nagkaroon kami ng magandang pag-uusap nina Tita Avin by phone.

"We sat down, si Tita Wilma [Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment], and sinabihan pa ako ng ’good luck’ at nag-thank you sila dahil naging parte ako ng GMA.

"And I’m sure kahit wala na si Douglas Quijano [his former manager], I’m sure naging happy din siya dahil hindi kami pinabayaan ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, talagang ganoon, kailangan ding lumipat kung nasaan ang trabaho, tulad ng sinabi rin ni Kuyang Joey [Marquez]."

Magkasama sina Wendell at Joey sa Sugo Mga Kapatid.

Dagdag pa niya, "As long as wala akong nakaaway na network, walang problema.

"Puwede naman akong tanggapin din siguro ng pinanggalingan kong pamilya, if ever."

So, kung puwede siyang bumalik sa GMA-7, mas okay ba sa kanya yun?

"Oo naman," sagot niya.

"And I’m confident na puwedeng mangyari yun dahil wala naman akong naging kasamaan ng loob."

NON-EXCLUSIVE CONTRACT. Wala ba siyang contract sa TV5?

"Mayroon," ani Wendell.

"What I’m trying to say, na wala akong nakaaway para mag-hold back o magkaroon ng wall na tumawid uli."

Sinabi rin ni Wendell ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5.

"Non-exclusive, pero yun na nga, tulad ng sinasabi natin, may mga policy na ang mga network na hindi ka puwedeng tumawid sa ibang network kapag may ginagawa ka sa isa.

"Noong araw kasi nangyayari yun, e, puwede yun, e.

"May regular show ka sa GMA, nagge-guest ka sa ABS-CBN.

"Basta yung wala kang masasagasaan, puwede mong gawin ’yon."

Sa contract niya ba sa TV5, nakalagay doon yung mga show na gagawin niya?

"Oo, nakalagay doon yung mga show.

"Actually, soap operas, then... Basta as long as na nagra-run yung network, right after mawala yung isa, matapos ang isang soap opera mo, another show na naman agad.

"Yung GMA din naman, ganoon din ang naging offer.

"But, hindi lang naman sila naging definite pa dahil biglaan nga ang naging desisyon namin or paglapit sa kanila.

"Kasi ang TV5, parang ngayon pa lang nakalatag na ang projects na gagawin ko at hindi ganoon ka-pressure," paliwanang ni Wendell.

BUBBLE GANG. Nabanggit din ni Wendell na tuloy pa rin ang communication nila ng mga kasama niya sa Bubble Gang at nami-miss niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually si Antonio, kanina tinawagan ako bandang 8 a.m, and sabi ko, ’Ang aga naman ng tawag mo!’

"Noong umalis na ako sa Bubble Gang, pumupunta siya ng bahay.

"Ako rin naman, hinahanap ko siya, tinawagan ko siya.

"Nagkikita kami, inuman sandali, bonding...minsan nagba-basketball kami.

"Sina Ogie nakakausap ko by phone na lang, kumustahan, walang nabago.

"At saka isa pang maganda noong umalis ako, si Michael V, siyempre sa kanya marami akong natutunan.

"Sinabi niya sa akin, ’Kung ano man yung naging desisyon mo, huwag kang magsisisi. Kung feeling mo mali ka, magiging tama rin ang lahat ng ’yan. Basta kapag ano, puntahan mo lang ako sa bahay.’

"So, nakaramdam ako ng... ’Galing, galing ng mga ito!’

"Kumbaga, hindi ako iba para sa isang Michael V, di ba?" nakangiting saad niya.

Nami-miss ba niya yung time nila sa Bubble Gang, tulad noong nag-Sexbols sila?

"Lahat naman nami-miss ko," sambit ni Wendell.

"Naikuwento ko nga kanina, na ang isa sa naging dream ko noon ay makasama sina Kuya Joey [Marquez] at Kuya Long [Mejia] sa sitcom.

"Kasi iba ang sitcom, masyadong malaki ang pagkakaiba ng gag show sa sitcom.

"Kasi sa gag show, hindi naman kami nagpapatawa, e."

Posible bang si Antonio, makalipat din sa TV5?

"Sabi niya sa akin, ’Del, hulaan mo kung nasaan ako?’

"Sabi ko, ’Hindi ko alam, e.’

"Sabi niya, ’Taping...taping ng Untold Stories. Hahaha!’

"So, nag-taping siya ng Channel 5. So, tumatawa lang siya.

"Sabi ko, ’Ayos ’yan, pare.’"

Pahiwatig din ba ito na lilipat na si Antonio ng TV5?

"Hindi ko rin alam. Pero natatawa ako kung ano man ’yon," sagot ni Wendell. "Siguro... hindi ko alam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN